NASA elevator pa lamang ay labis na ang kabog ng dibdib ni Neela. Naghahalo ang kaba at kakaibang excitement sa kanyang puso. Not that she's looking forward to sleeping with Santi. Ayaw niyang isiping mayroong mangyayari sa kanila ngunit siguro ay dahil alam niya sa sariling oras na gumawa ito ng paraan para akitin siya ay kusa siyang bibigay. Sa sarili niya siya natatakot. Siguro ay dahil aminado siyang . . . sabik din siya rito. She let out one big breath as soon as she heard the elevator sound. Lakas-loob siyang nagmartsa palabas kahit na parang ngayon pa lamang ay nangangatog na ang mga tuhod niya. Gosh. The sound of her footsteps feel so loud it almost made her want to tip toe! Napapalunok na lamang siya habang nakatitig sa pinto ng opisina ni Santi. Sarado na ang ilaw roon. Kakar

