1: Meeting Him Once Again

676 Words
"What the hell Sienna?" Gulat na sambit ni Vivienne habang nakatingin sa nangyari sa apartment ko. Agad agad ko kasi siyang tinawagan dahil sa takot na naramdaman ko. Nanghihina akong napaupo sa maliit na sofa sa aking sala. "Vi, ayaw ko ng bumalik sa kanya." Mahinang sambit ko at napahilamos na lamang sa aking mukha. Alam ni Vivienne ang lahat ng napagdaanan ko kaya ay sinabi ko agad sa kaniya kung anong nangyari. "Sigurado ka bang nagmula yan kay Zamiel?" Kinuha ko mula sa aking bulsa ang papel na mula sa buoquet saka binigay sa kaniya. Napabuntong hininga na lamang ito saka ibinalik sa akin ang papel pagkatapos basahin. "Anong gagawin mo ngayon?" Tanong nito. At hindi ko alam kung ano isasagot ko, dahil sa totoo lang ay hindi ko na alam ang aking gagawin. ------ "Ma'am Sienna, handa na po ba kayong umalis?" "Ilang beses ko ba sasabihin sayo Keith na wag mo na akong tawaging Ma'am?" Nagtatampong sambit ko kay Keith, ang secretary o right hand ni Zamiel. Simula pa noon ay nagtratrabaho na ito sa kaniya, kaya ay medyo napalapit na din ako ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din nagbabago ang pagtawag nito sa akin ng Ma'am. Isinara ko muna ang pintuan saka sumunod kay Keith. Pagkalabas ko ng apartment ay isang kumikinang na sasakyan ang bumungad sa akin. Malungkot na napangiti na lamang ako. I found out about the note yesterday at heto ako ngayon sinusundo ng mga alagad niya. I opened the door, at napalitan ng masayang ngiti ang aking mga labi. "Kuya Gio!" Masayang sambit ko ng makita ang taong nasa driver seat. "Ma'am Sienna, matagal tagal din kayong nawala." Sambit nito. Simula pa noon ay si Kuya Gio ang humahatid at sumusundo sa akin noon maliban kay Zamiel. Parang naging personal driver ko na din siya dahil sa kaniya lagi ako pinagkakatiwala ni Zamiel pag hindi niya ako maihatid o masundo noon. "Oo nga po." Simpleng sambit ko na lamang dahil hindi ko alam ang aking sasabihin. Buong byahe ay nakatingin lamang ako sa labas ng bintana. "Kumusta ka naman Sienna?" Gusto kong umiyak ng marinig muli ang casual nitong tono na ginagamit niya lagi kapag nagkukuwentuhan kami. Nakokonsensya ako dahil hindi ko man lang sila napagsabihan noong umalis ako. "Maayos naman po." Nakangiting sambit ko. "Balita ko teacher ka na raw?" Tanong nito na nagpatawa sa akin. "Opo. Teacher sa isang Kindergarten School. Lagpas isang taon na din po akong nagtuturo doon." "Mabuti naman at natupad mo 'yong mga gusto mong gawin." Hindi na ako nakasabat sa sinabi nito. Isang mapait na ngiti ang kumurba sa aking labi. Nagawa ko lamang ang mga gusto kong gawin nang makawala ako sa paghawak sa akin ni Zamiel. Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa isang kilalang restaurant. Hindi na ako nagtaka ng makita na walang tao dahil paniguradong pina exclusive niya na naman ito. Ano pa nga bang aasahan ko sa mga mayayamang tulad ni Zamiel. Inayos ko ang suot kong white dress saka lumabas ng pinagbuksan ako ng pinto ni Keith. "Thank you." "Sienna..." Napatingin ako sa kaniya ng banggitin niya ang pangalan ko. "Wag mo sanang gawin ulit yong ginawa mo. Pagbigyan mo si Zamiel ng chansa upang ipakita sayo kung gaano ka niya pinapahalagahan." Napatigil ako ng ilang segundo sa sambit ni Keith. A chance? Hindi na ako nagsalita at nagtuloy tuloy na akong naglakad papasok. Napatigil ako muli ng makita ang isang lalaking nakatalikod sa akin. Everything about him is familiar to me. Kahit ilagay mo pa siya sa daan daang tao ay mahahanap ko pa rin siya dahil napakapamilyar niya na sa akin. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at humarap sa akin. I stood there frozen. Hindi ko alam kung anong gagawin ko until I saw his eyes looking at me as if he finally found the long lost piece of his puzzle. "I miss you." Umalingawngaw ang boses nito sa buong restaurant. Then I realized, maybe I felt empty deep within because I've left the other half on me with him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD