2: Dinner

888 Words
"I miss you." Hindi ako nagsalita. I just stared at him with cold eyes. Oo, namiss ko siya ngunit hindi ito sapat upang tumakbo ako patungo sa mga bisig niya. "Sienna, you don't----" Hindi ko na siya pinatapos at nagsalita, "Kumain muna tayo Zamiel... mamaya na tayo mag-usap kung pwede sana." His eyes just looked at me, hindi ako umiwas at sinalubong ang tingin niya hanggang siya ang naunang umiwas. Nagulat ako sa ginawa nito. Yes I've gotten bolder these two years, but I didnt expect him to look away. "Fine..." He offered me a sit and I accepted it. Di nagtagal ay dumating na din ang mga waiter dala dala ang mga pagkain. Halos manuyo ang lalamunan ko ng makita ang mga hinandang pagkain. Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Mukhang hindi niya nakalimutan ang mga paborito ko pagdating sa mga pagkain. Unti-unti ay gumaan ang aking loob. It made me feel good that he didnt forget about me. We just ate in silence. Walang nagsalita tulad ng sinabi ko. Sa sobrang tahimik ay mga tunog lamang ng kubyertos ang maririnig. Sa pagkain lamang ako nakatutok ngunit ramdam ko ang mga titig ni Zamiel. Halos hindi ko din maubos ubos ang kinakain ko dahil sa paulit-ulit na paglagay niya ng pagkain sa plato ko. "Zamiel..." I said defeatedly. Napatingin ako sa plato ko na hanggang ngayon ay puno pa din ng pagkain. "You should eat more. Pumayat ka." Sambit nito at dinagdagan muli ng pagkain ang aking plato. Ibinaba ko ang hawak kong kubyertos saka kumuha ng napkin at pinunasan ang aking bibig. "Busog na ako." Sambit ko. Tinigil na nito ang paglagay ng pagkain saka uminom ng wine. Hindi ko alam kung ano ang susunod kong sasabihin. I just looked at him, until he started to talk. "Sasama ka sa akin pauwi." Tuwid nitong sambit. I looked down at my hands and bitterly smiled. I have no choice, do I? "...but the whole month I'll stay here for some business. So you'll stay with me." "Zamiel, I'm not going anywhere." "And also, tumigil ka na sa pagtuturo—" "No." Agad na sambit ko at sinalubong ang mga tingin niya. Kumunot ang noo nito. "I can provide for you—" "That's not the point!" Napatayo na ako sa sobrang inis. I gritted my teeth and looked at him sharply. "Sienna, hindi kita pinapapili, pinapaalam ko lamang sayo." Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. Zamiel, you give me tens of reason to love you but also hundreds of reason to hate you. Huminga ako ng malalim saka bumalik sa pagkakaupo. I calmed myself saka nagsalita. "No. Hindi ako sasama sayo. I have my own life and you have yours. Masaya na ako sa buhay ko dito Zamiel. May maayos na trabaho na ako ngayon kaya ay mababayaran ko ang natitirang utang." I shuddered when I saw the smirk plastered on his face, and I knew he was taunting me. "Do you think you can pay the half million debt with your job now?" I shuddered. "Ye-yes. Matatagalan man pero ang importante ay mabayaran ito." Utal na sambit ko. "Don't give me a reason to lock you up and keep you all to myself Sienna." Malakas at buo nitong sambit. Nanginig ang aking mga kamay sa sinabi nito dahil alam kong kaya niya itong gawin. "Wag mo rin ako bigyan ng rason upang tumakas ulit Zamiel." Matapang na sambit ko ngunit naninginig na ang aking kamay sa takot. "Do you really think you have the ability to do so?" "I've done it once, I can do it again." He looked at me coldly, and I knew he was already pissed off. "Wag mong kalimutan na malaki pa ang naiwan na utang ng pamilya mo Sienna. You know I can use it against you." It felt like someone grasped my heart and squished it really hard. "I've already sold myself to you Zamiel! Hindi pa ba sapat yun? Am I really that worthless in your eyes?" Parang may nagbukas ng gripo ng aking mga mata dahil tuloy tuloy na ang ang pagpatak ng aking mga luha. I can't believe all of it was still not enough. I gave him everything even my body. Pati dignidad ko ay ilang ulit niya nang tinatapak tapakan. I was so done with all of it. Cause if I wasn't, I wouldn't have left him. Bigla na lamang itong tumayo at lumapit sa upuan ko saka hinawakan ako sa aking braso. "If I have to call you worthless just to have you then why not Sienna. I'm not asking you to love me, I just want you to stay with me, mahirap ba talaga 'yon?" Umiling ako. Wala na akong pakialam kung mukha na akong tanga. "It's easier to love you than to stay with you Zamiel. Alam mo ba kung bakit? Because staying with you makes me question my worth. Ni hindi ko nga alam kung ano ako para sa iyo. Pambayad utang lang ba? s*x partner? Maid—" Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil naramdaman ko na lamang ang malalambot nitong labi. It was just a quick kiss pero pakiramdam ko ay nawala ang kaluluwa ko. Our lips parted and before I could catch my breath, what he said next made me lose my sanity. "Marry me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD