3: Letting Go

851 Words
"Marry me." Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko at napahikbi na lamang sa dibdib niya. Iba't ibang emosyon nararamdaman ko. I was happy because those were the words I've wanted to hear the most from him. Kung noon ko pa ito narinig mula sa kaniya ay hindi ako magdadalawang isip na sumagot ng oo. Pero ngayon... "Hindi mo alam kung ano ka para sa akin diba? Then marry me Sienna and you'll be my wife." He said while carrasing my head. "Zamiel... nakaka... tangina ka alam mo yun?" I said between my sobs. Wala na akong pakialam kung nabasa ko na ang suot nitong polo, mas lalong bumuhos ang mga luha ko ng maramdaman ang mga braso nitong pumulupot sa aking bewang. Being back in his arms again made me feel I'm home. Pakiramdam ko ay napunan ang kulang na nararamdaman ko sa mga nakaraang taon. He didn't say anything and time to time he would kiss my forehead lightly. The heat from his body, his own manly smell mixed with perfume and his arms locking me between his body was the best feeling. I wanted to say yes. Dahil sa totoo lang, sa mga nakaraang taon ay hindi ko nakalimutan si Zamiel. I've loved him for years until now. Hindi madaling kalimutang ang isang taong labis mong minahal. But the pain I've experienced because of him made me scared to enter a relationship with him again. Dumaan ang mga minuto na hawak hawak namin ang isa't isa. I wish time would stop at that moment. "Zamiel.." Mahinang sambit ko nang humupa na ang aking pag-iyak. Sa sobrang hina ng boses ko ay hindi ko alam kung narinig niya. "Hmmm.." I felt his chest vibrated when he hummed. "Seryoso ako sa mga sinabi ko kanina." Natahimik ito kaya ay pinatuloy ko na lamang ang pagsasalita. "I'm okay with my life now. Hindi ko alam kung paano nagkabuhol-buhol ang buhay nating dalawa pero nagpapasalamat parin ako na nakilala kita." Nanigas ito sa aking sinabi. Inalis niya ang pagkakayakap niya sa akin at inangat ang aking baba. "I'm not." He said while looking straightly to my eyes. Halos mawala ang kontrol ko sa aking sarili ng makita kung paano niya ako tingnan, na para bang nagmamakawa ito na hindi ko siya iwan. "Huh?" Wala sa sarili kong sambit. "Sienna..." "Do you want me to let you go?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. I stared at him with wide eyes. Hindi ko alam pero may parteng sa akin masaya at may parte naman na nasasaktan. Nababaliw na yata ako. "Yon ang gusto mo diba?" Tanong nito at binitawan ang paghawak sa aking baba saka umatras. "Ye...yes." Mahinang sambit ko. He just looked at me then after some seconds he nodded. Tumikhim ito. "Let's go." Sambit nito saka tumalikod at tinahak ang daan palabas. "Huh... Saan tayo pupunta?" Tanong ko at humabol sa kaniya sa paglakad. "I'll take you home." Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kaniyang likuran. So he will finally let me go? I shoul be happy right? Because it was what I wanted after all. Sumunod na din ako hanggang sa makalabas kami at dumating sa kaniyang sasakyan. He was waiting there. Holding his car keys. Lumapit ako at pinagbuksan niya naman ako ng pinto. "Thank you." Mahinang sabi ko at umupo sa passenger seat. Tumango ito at di nagtagal ay pumasok at umupo na rin sa driver seat. It was silent the whole ride until I noticed something. "I thought you hated strawberry scent?" Takang tanong ko ng maamoy ang strawberry scent sa loob ng sasakyan niya. "Yes." Sagot nito na mas lalong nagpataka sa akin. "Then bakit mo ginagamit?" Takang tanong ko. "Because it's your favorite." I pursed my lips and didn't ask again. Napatingin na lamang ako sa labas ng bintana at hindi na nagsalit muli hanggang sa makadating kami sa aking apartment. It was just 4 words pero para ako nitong paulit ulit na sinuntok. It made me feel a big impact to the point na ayaw ko ng magsalita. "Here we are." Walang tono na sambit nito. Tumango ako at bago niya pa ako mapagbuksan ng pintuan ng sasakyan ay agad agad na akong bumaba. I fixed my dress. "Thank you." Pagpapasalamat ko sa kaniya. "Anytime." Tumango lamang ako saka mabilis na naglakad sa aming papasok sa aming apartment. Pero bago pa man ako pumasok ay muli ko siyang tinignan. He was still there, leaning on his car, waiting for me to get inside. Pakiramdam ko ay bigla na lamang may tumulak sa akin at nagmamadali akong pumasok sa loob. Napasandal na lamang ako sa aking pintuan pagkasarado ko nito. At bigla na lamang bumuhos ang aking mga luha. Hindi ko alam kung bat ako umiiyak pero pakiramdamdam ko ay nawalan ako ng importanteng bagay. I just stayed there, leaning at the door, hugging my knees and crying my eyes out. It doesn't feel right. It was as if I lost a big part of myself. And I know it's all because of him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD