Imaculate's POV:
Nang magkamalay ako, ramdam kong nakahiga ako sa sahig. Malamig dito at nakakabingi ang katahimikan. Nasaan naman kaya ako ngayon?
Iminulat ko ang aking mata at inilibot sa paligid. Nasa isa akong puting kwarto. Walang pinto, bintana at kahit anong gamit. Nagsimula na kong kabahan.
Dahan-dahan akong tumayo at pinakinggan ang paligid. Nasaan kaya ang mga kasamahan ko? Hindi kaya nagkahiwa-hiwalay ulit kami?
"Natoy? Roy? Nasaan kayo? Kung nagtatago kayo lumabas na kayo, please." Tanong ko sa kawalan.
Bagsak ang balikat akong napahinga ng malalim. Ano naman kayang pagsubok ito? Mukhang ako lamang mag-isa rito.
"Magandang araw participants." Naalerto ako nang marinig ko ang boses ni Leviathan sa paligid.
"Congratulations dahil nakalampas kayo sa unang stage. Bumaba na ang bilang ng teams. Mula 70 ngayon ay 50 teams na lang, goodluck to all." Sabi ni Leviathan.
Batid kong nakangisi pa siya habang sinasabi 'yon. Napatiim bagang na lamang ako.
Wala silang awa. Paano nila naaatim panoorin kaming magpatayan? Lalo na at may mga bata't matatanda? Wala silang puso.
"Welcome to the second stage, Stage 2: Help Us. Guess what? Kung wala ka ngayon sa loob ng tangke, ikaw ang maswerteng tutulong sa mga kasamahan mong mabuhay. What a lucky rat you are." Dagdag ni Leviathan.
Bigla naman akong kinabahan. Ibig sabihin, nasa panganib ang mga kasamahan ko ngayon at ako ang magliligtas sa kanila? Paano ko gagawin 'yon?
Ang sama nila na ituring lang kaming parang daga. Ano pa ba ang aasahan ko? Mga demonyo sila.
"Participants, makinig kayong lahat sa riddle." Sabi ni Leviathan.
Mataman naman akong nakinig kay Leviathan, kailangan kong sauluhin ang riddle. Malaki ang gamit nito sa mga misyon.
"An army can't win without a leader, and a leader can't win without an army. Put effort on the things you will do, avoid laziness 'cause it can kill you.
Goodluck participants, enjoy the game. Let game begins." Huling sabi ni Leviathan bago naglaho ang kaniyang boses.
"Anong gagawin ko? Walang kahit ano sa kwartong-"
Naputol ang pagsasalita ko ng biglang yumanig ang kinatatayuan ko. Nahulog ako sa isang kulungan, nasa tapat ko naman silang lahat. Tulog at walang malay ang mga kasamahan ko. Mukhang wala silang alam sa mga nangyayari.
Napaigtad ako nang maramdaman kong kumikirot ang aking balakang. Masama yata ang pagkakabagsak ko. Paniguradong magpapasa ito.
Inilibot ko naman ang aking tingin. Hindi kumikibo ang mga kasamahan ko. Parang ang sarap ng tulog nila sa loob ng kaniya-kaniyang tangke.
"Guy, gumising kayo!" Sigaw ko.
"Megan! Roy! Gumising kayo!" Sigaw kong muli.
Nasa loob sila ng isang cylindrical tank. May nakakonektang mga tubo eo'n. Mukhang masama ito, paniguradong napakasama.
"Time starts now. 10 minutes before the clock ticks." Sabi ni Leviathan sa paligid.
"Guys gising! Guys!" Sigaw ko.
Kinalampag ko na ang rehas lahat-lahat. Sumigaw na ako nang sumigaw pero hindi nila ako pinansin. Ano kaya ang gagawin ko?
Napa-upo na lang ako at inilibot ang tingin sa paligid. Kailangan kong maging alerto, mapagmasid at matalino.
May nakita akong susi sa likod ng kulungan ko. Nakatali 'yon kaya hinila ko ito pababa.
"Water activated."
"s**t!"
Napamura ako ng may tubig na pumapasok sa tangke na kinalalagyan ng mga kasamahan ko. Kung alam ko lang sana hindi ko na hinila ang susi!
Kaagad kong binuksan ang rehas na kinalalagyan ko. Napatingin naman ako sa oras, may 8 minutes and 32 seconds pa ako.
Kaagad akong tumakbo at sinundan ang dulo ng tubong nakakonekta sa mga tangke nila. Napatigil naman ako nang may narinig akong tunog.
"Grrr."
Nangatal ako sa takot nang makita ko ang Cerberus, ang asong may tatlong ulo. Nakatali ang leeg niya sa mismong switch box. Paano ko 'yon mabubuksan?
"Easy doggy, mahina ang kalaban." Mahinang sabi ko at itinaas ang kamay.
"Warf arf!"
Tinahulan ako ng Cerberus at akmang dadambahin, mabuti na lang at nakaatras agad ako. Nakakatakot talaga. Kung masakit na makagat ng aso, ano pa ang asong may tatlong ulo?
Bumukas ang switch box. Nakita ko naman na walang off-switch. Tanging maliit na cylindrical tube ang nandoon.
Tumingin ako sa timer, 7 minutes and 21 seconds na lang ang natitira. Nauubusan na ako ng oras! Kailangan kong bilisan. Argh!
Tumakbo ako pabalik sa mga kasama ko. Gising na silang lahat, galit ang mga mukha nila habang kinakalampag ang tangke. Mukhang nagtataka sila kung paano sila napunta ro'n.
"Ate Imaculate, help us!" Sigaw ni Roy habang hinahampas ang tangke.
"Walang switch! Hindi natin mapapatigil ang tubig!" Kinakabahang sabi ko sa kanila.
"Umisip ka ng paraan! Ikaw ang nasa labas, do something!" Sigaw sa akin ni Megan.
Kagat labi ko namang inilibot muli ang tingin ko sa paligid. Malapit nang umabot sa tuhod nila ang tubig. Kailangan ko nang magmadali.
Bumalik ako sa kinalalagyan ng switch box. Nandoon pa rin ang Cerberus, galit itong nakatingin sa akin.
Napansin ko naman na nagkakaroon ng tubig ang cylindrical tube. Kanina ay walang laman 'yon, hindi kaya- anak ng teteng!
Nanlaki ang mata kong tinitigan ang tali ng Cerberus. Nakatali ang mismong tali niya sa cylindrical tube, at ang tube ay nasa pagitan ng dalawang heater!
"s**t! s**t!" Nagpapanic kong mura.
Kapag uminit ng sobra ang cylindrical tube, sasabog 'yon at mababasag. Makakawala ang Cerberus at lalapain ako nito ng buhay!
Nakakonekta ang cylindrical tube sa timer. Ganoon din ang bilis nang pagtaas ng tubig sa tangke sa mga kasamahan ko. Ibig sabihin kailangan mapatigil ang source ng tubig!
Mabilis akong tumakbo pabalik sa kanila. Malapit nang umabot sa balakang nila ang tubig. Kinakabahan na ako, anong gagawin ko? Kailangan kong umisip ng paraan.
"Imaculate, huwag kang tumanga lang d'yan! Tulungan mo kaming makaalis dito!" Galit na sigaw ni Parker at sinuntok ng malakas ang tangke.
"W-Walang off switch sa switch box!" Kagat labing sabi ko sa kanila.
"Hinapin mo ang switch! Gumawa ka naman ng paraan! Paniguradong mayroon iyan!" Galit na sigaw ni Xavier.
"Guys, huwag kayong magalit kay Imaculate. Hindi niya kasalanan na nandito tayo. May clue or kahit anong sinabi ba si Leviathan?" Tanong sa akin ni Natoy.
"M-meron siyang s-sinabing riddle. An army can't win without a leader, and a leader can't win without an army. Put effort on the things you will do, avoid laziness 'cause it can kill you." Sabi ko.
"Teamwork, kailangan nating magtulungan!" Sigaw ni Natoy.
Nagliwanag ang mata ko sa sinabi ni Natoy. Tama siya. Bakit hindi ko agad naisip 'yon?
"Eh ano namang magagawa natin? Nasa loob tayo ng tangke." Mataray na sabi Megan.
"3 minutes and 10 seconds left." Sabi ni Leviathan sa paligid.
"Ate Imaculate, please think!" Sigaw ni Roy habang nakatingkayad.
Mas maliit sa amin si Roy dahil bata pa siya. Hanggang dibdib niya na ang tubig samantalang hanggang bewang pa lang ito nila Natoy.
"3 minutes left. Piranha activated." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Leviathan. What the– ano!?
"s**t! Imaculate isip! Ayokong pagpyestahan ng mga piranha!" Sigaw ni Xavier sa akin.
Muli akong nag-isip patungkol sa deadly sins and heavenly virtues. May koneksyon ang lahat ng stage sa Seven Deadly Sins, ano naman kaya ang stage na ito?
An army can't win without a leader, and a leader can't win without an army. Put effort on the things you will do, avoid laziness 'cause it can kill you.
Naisip ko na! Ang stage na ito ay patungkol sa Sin of Sloth!
"Guys ang stage na ito ay at tungkol kay Belphegor, ang Sin of Sloth. Sloth means laziness sa riddle. Then ang unang ibig sabihin ng riddle ay teamwork." Sabi ko sa kanila.
"Bilisan mo malapit na umabot sa leeg ko ang tubig!" Sigaw ni Megan.
Dahil sa pag-iisip ay hindi ko napansin na halos mapuno na ang kanilang tangke. Nakatingkayad na si Megan habang si Roy naman ay nakalutang sa tubig.
"Ano ba ang virtue na kabaliktaran ng sloth?" Kalmadong tanong ni Natoy.
Paano niya nagagawang maging kampante sa ganitong mga pagkakataon? Imposible, kung ako ay baka humagulgol na ako sa kaba.
Nag-isip akong muli. Ang heavenly virtue ng sloth ay diligence. It means careful and persistent work or effort.
Then ang unang riddle, ang ibig sabihin no'n ay teamwork. Alam ko na!
"Guys, kailangan natin magtulungan! You need to be diligent! 'Yon ang heavenly virtue ng sloth." Nakangiting sabi ko sa kanila.
"But how?" Tanong ni Parker.
Napa-isip naman akong muli. Kung hindi mapapatay water source, pwes kailangan mapigilan ang pagdaloy ng tubig papasok sa loob ng tangke.
"1 minute left." Sabi ni Leviathan.
Nagsisimula na akong magpanic pero kinalma ko ang aking sarili. Kita na rin ang galit mula sa mukha ng mga kasamahan ko.
"Guys, kailangan natin pigilan ang pagdaloy ng tubig. Mapipigilan ang pagdaloy nito kung maglalagay tayo ng kahit anong bagay pambara sa bunganga nang daluyan ng tubig." Sabi ko.
"Imaculate is right! Kapag natapalan natin ang tubong naglalabas ng tubig tataas ang pressure dahil hindi ito makakalabas. Mapipigilan na natin ang tubig magagawa pa nating mabasag ang tangke!" Masayang sigaw ni Natoy.
"Guys tanggalin niyo ang mga damit niyo. Isuksok niyo sa bunganga ng tubo. Mapipigilan no'n ang pagpasok ng tubig." Sabi ko.
Agad naman silang nagtanggal ng damit. Nakasuot lamang sila ng panloob kaya napaiwas ako ng tingin, lalo na nang mapadako ang titig ko kay Natoy.
Nakasuot siya ng boxers at napakaganda nang hubog ng kanyang katawan. Mamamatay na kami pinagnanasahan ko pa si Natoy?
Sumisid na sila pailalim ng tangke at tinapalan ang bunganga ng tubo. Abot langit pa rin ang kaba ko.
"10 seconds left." Paalala ni Leviathan.
"9"
"8"
Nagsisimula na akong kabahan. Napasok pa rin ang tubig sa tangke nila. Paano na ito? Anong gagawin ko?
"7"
"6"
"5"
Nakasisid na rin ang mga kasamahan ko. Hindi na sila nakakahinga dahil puno na ng tubig ang tangke. Malapit na rin bumukas ang kulungang may lamang piranha sa ulunan nila.
"4"
"3"
"System deactivated. Congratulations, nalagpasan niyo ang Stage 2: Help Us." Nakahinga ako ng malalim sa sinabi ni Leviathan. Sa wakas!
Unti-unting nagcrack ang tangkeng kinalalagyan nila. Nabasag 'yon at umagos ang tubig pati sila papunta sa akin kaya nabasa ang paanan ko.
"Ang galing mo talaga. Dalawang beses mo na akong inililigtas, gusto mo ako na humalik sa'yo?" Tanong sa akin ni Natoy pagkatapos niyang makabawi ng hininga.
Nag-init naman ang pisngi ko. Ang isang 'to talaga! Napakapilyo niya!
"Gago!" Singhal ko sa kaniya.
Nakalampas kami sa pangalawang pagsubok. Paniguradong pahirap ito nang pahirap. Ano pa kaya ang mga susunod? Sana makalabas pa kami ng buhay rito.