Imaculate's POV:
Pabalik na kami sa kwebang tinulugan namin kanina. Kasama ko si Megan at si Natoy na mahal na mahal daw ako. Kateam din namin si Natoy, mabuti na lang. Hindi ko nga lang alam kung anong trip niya sa buhay.
"So, what's your name?" Tanong ni Megan kay Natoy.
"Natoy nga ang pangalan ko. Bakit ayaw mong maniwala?" Nakangising tanong din ni Natoy.
Nauuna ako sa kanilang maglakad dahil sa kahihiyan. Sa tuwing maaalala ko ang eksena namin ni Natoy kanina, nahihiya ako. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Wala lang naman iyon eh!
Titig na titig ako kanina kay Natoy dahil makalaglag panty talaga ang karisma niya. Walang panama ang mga heartthrob sa university namin.
Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong kumire. Ito kasing si Natoy, nakakainis! Ano ba naman iyan! Para akong sinisilihan!
"Hey, what is your name?" Tanong sa akin ni Natoy at hinawakan ang balikat ko.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa balikat ko. Parang nakuryente ako nang mahawakan niya ako ro'n. Kinakabahan na ako sa nangyayari sa akin. Ano ba naman ito?
"A-Ah eh, ako si I-Imaculate." Pakilala ko.
Teka, bakit nautal ako!?
"Ikaw, anong pangalan mo?" Tanong ko, hindi ko alam kung bakit bigla akong nacurious sa kaniya.
"Kiss muna baby, sasabihin ko sa 'yo." Pilyong sabi niya at may pagtaas baba pa ng kilay.
Mabuti na lang at nauna na si Megan maglakad, nakakahiya kung maririnig niya ang pag-uusap namin. Napakapilyo nitong si Natoy!
"Ewan ko sa 'yo." Mataray kong sabi.
Inirapan ko siya at tumakbo na papunta sa kweba. Mukhang playboy ang isang iyon. Baka mamaya mahulog ako, huwag naman sana.
Pagkapasok ko sa kweba ay agad akong sinalubong ni Roy ng yakap. Napangiti naman ako, ang sarap pala ng may kapatid.
"Ate, pinag-alala mo ako." Sabi ni Roy at tiningnan ako.
Nakapout ang mapulang labi ni Roy habang nakatingala sa akin. Aampunin ko na ang batang 'to. Sobrang cute niya talaga?
"Sa akin hindi ka nag-alala? Kawawa naman ako. Nagseselos na ako Roy, hug mo rin ako." Paawang sabi ni Megan.
Tumakbo naman papalapit si Roy kay Megan at niyakap siya. Napangiti na lang ako, at least kahit sandali makakalimutan naming nakabaon na sa lupa ang isa naming paa. Makalimot man lang kami panandalian sa kamatayan. Maswerte kaming nasa amin si Roy.
"Hey, gusto mo ba ng saging ko?" Tanong ni Natoy at umupo sa tabi ko.
Ramdam kong uminit ang aking pisngi kaya napaiwas ako ng tingin. Bakit ba nagkakaganito ako? Anong tanong niya pa, double meaning!
"A-Ano bang s-sinasabi-"
"Ito oh, iyo na lang." Inosente niyang sabi.
Inabot niya sa akin ang isang maliit na saging bago tumayo at lumabas ng kweba. Ang maling akala ko na.
Gusto ko nang kainin ako ngayon ng lupa dahil sa kahihiyan. Ano bang nangyayari sa akin? Naubusan na yata talaga ng dugo ang ulo ko kanina. Parang wala ako sa sarili tuwing malapit ang lalaking iyon.
Pagka-ubos ko ng saging niya, sabi ni Natoy, ay lumabas na ako ng kweba. Nakita ko naman si Xavier na nasa itaas ng puno at kumukuha ng buko.
Naghulog si Xavier ng anim na buko bago bumaba ng puno. Ang galing niyang umakyat!
Sarap na sarap kami sa pag-inom ng buko habang nagtatawanan pa at nagkukwentuhan. Hindi alintana ang peligrong nakapaligid sa amin, mag-enjoy man lang ba muna kami at magkasiyahan.
"Hi participants! Tutal halos lahat naman ng teams ay nagkita-kita na, simulan na natin ang tunay na laban." Muli naming narinig ang boses ni Leviathan sa paligid, nagsimula na ulit akong kabahan.
"Masama ang kutob ko rito. Mukhang pagsubok na naman." Mahinang sabi ni Parker.
"Lahat kayo ay kailangang pumunta sa kani-kaniyang safe zone. Lalabas sa mga palapulsuhan niyo ang mapa participants, galingan niyo. Nanonood lang kaming pito, ipakita niyo ang magagawa, galing at talas ng inyong isip." Sabi ni Leviathan bago naglaho ang kaniyang boses.
May lumabas na hologram sa palapulsuhan ko. Isa itong mapa at kami ang maliliit na green na tuldok.
"Bilisan na natin, kailangan na nating pumunta ro'n! Paniguradong may oras!" Sigaw ni Megan at tumayo.
Nagsitayuan na kaming lahat at sabay-sabay tumakbo sa kakahuyan. Kailangan namin magmadali ngunit maging maingat.
Tumakbo kami papunta sa pulang bilog na itinuturo ng mapa. Malayo-layo pa ito mula sa pwesto namin.
"Ahh, tulong!" Napalingon kaming lahat nang sumigaw si Megan.
Nakadapa siya sa lupa at may ugat ng punong nakapulupot sa kaniyang paa. Unti-unti siya nitong hinihila pailalim sa lupa.
"Megan, kumapit ka!" Sigaw ko.
Tumakbo agad ako papunta kay Megan at hinawakan ang kamay niya. Halatang nahihirap siya sa kaniyang kalagayan.
Hinila ko ang kaliwang kamay ni Megan habang si Xavier naman ay sa kaliwa. Sinusunog naman ni Parker ang ugat gamit ang ability niya.
Tumulong na rin si Roy at Natoy sa paghila kay Megan paalis sa lupa. Hingal naman kaming lahat na nahila si Megan.
"S-Salamat. Tara na, takbo na ulit!" Sigaw ni Megan bago kami tumakbo ulit.
Tumakbo kami nang tumakbo. Kita namin sa mapa na malapit na kami sa safe-zone na sinasabi nito.
"Bilisan niyo, nayanig ang lupa!" Sigaw ni Natoy.
Binuhat na ni Natoy si Roy dahil siya ang nauuna sa pagtakbo. Ako naman ang nahuhuli, nasa unahan ko si Xavier.
Para na akong lasing tumakbo dahil sa malakas na pagyanig ng lupa. Ramdam ko rin na parang bubuka ang lupa kaya mas binilisan ko ang takbo. Baka mamaya dahil nahuhuli ako, hindi nila ako mapansin at mahulog ako sa ilalim ng lupa. Yay, katakot.
Nakalabas na kami ng kakahuyan at bumungad ang isang ilog. Mahahabol ko na sana sila nang bumitak ang lupa at mahati sa dalawa. Sinasabi ko na nga ba!
"Imaculate, tumalon ka na bago pa lalong lumaki ang hati ng lupa!" Sigaw ni Natoy sa kabila.
"S-Sige!" Kabadong sigaw ko.
Umatras ako ng konti para bumwelo sa pagtakbo. Tumakbo ako sa abot ng makakaya ko at tumalon sa dulo ng bitak.
Parang bumagal ang paligid habang dahan-dahan akong tumalon papunta sa kabila. Akala ko ay maabot ko siya pero kulang na kulang ang talon ko kaya kumapit ako sa lupa nang maabot ko ang kinatatayuan ni Natoy.
Kinabahan ako ng biglang dumulas ang kamay ko kaya napabitaw ako. Akala ko ay mahuhulog na ako sa baba pero may humila sa kamay ko pataas, s-si Natoy.
"Dalawang beses na kitang iniligtas. Wala bang kiss d'yan?" Pilyong tanong niya.
Binatukan ko naman siya at hinila sa braso para tumakbo. Nakarating kami sa gilid ng ilog kung saan nag-aantay na sila Megan.
Tumigil kami sa tapat nila. Napahawak naman ako sa tuhod ko dahil sa pagod. Ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Akala ko kung ano na ang nangyari sa inyo." Nag-aalalang sabi ni Xavier.
"Dito itinuturo ng mapa ang safe zone natin. Saan dito? Sa ilalim ng ilog? Tanginang iyan." Napipikong sabi ni Megan.
"Tingnan niyo 'yong pula, naging question mark." Sabi ko habang nakatitig sa hologram sa aking pulso.
Pinindot ko ang question mark kaya nagulat ako ng may bagong lumitaw na hologram sa aking palapulsuhan.
"Leave your anger, as if nothing happened. Reach the peak deeper, until you succeed."
Napakunot ang noo ko sa sinabi ng hologram. Riddle? Bakit may ganito?
"Damn it, akala ko pisikal lang tayo masasaktan. Bakit may ganiyan pa?" Naka-kunot noong tanong ni Parker.
"Hindi ko alam. Paano na 'to?" Tanong ko.
"Mga ate at kuya, amoy sunog po." Sabi ni Roy habang nasinghot.
"s**t, kailangan na nating mag-isip! Nasusunog na ang kagubatan, baka maabutan tayo!" Sigaw ni Natoy kaya napatingin kami sa paligid.
Kitang-kita ang malaking apoy na unti-unting kumakain sa buong kagubatan. Mayroon sa likod, harap at gilid namin.
"s**t! Hindi kaya ang ibig sabihin maghukay tayo? Reach the peak?" Tanong ni Megan.
"Sa tingin ko gustong sabihin ng riddle na lumangoy tayo pailalim sa ilog." Sabi ni Natoy.
"Iyon ang reach the peak until you succeed?" Mahinang tanong ko.
"Eh ano 'yong leave your anger as if nothing happened?" Tanong ni Xavier.
Nag-isip ako ng malalim para masagutan ang bugtong. Malapit na umabot sa amin ang apoy, kailangan naming bilisan.
Tumingin ako sa paligid para maghanap ng clue. Inisip ko rin ang mga sinabi ni Leviathan kanina. Kailangang gumana ng utak ko ngayon. Imaculate, isip! Gayahin mo si Jimmy Neutron!
"Ang sabi ni Leviathan, bawat stage raw ay sumisimbolo sa isang miyembro ng seven deadly sins." Sabi ko.
"Anong ibig mong sabihin ate?" Tanong ni Roy.
"Sabi ni Leviathan, be wrathful participants. Ang sabi naman sa riddle, leave your anger as if nothing happened." Sabi ko.
"Imaculate, sabihin mo na!" Sigaw ni Parker na nawawalan na ng pasensya.
"Ang stage na ito ay tungkol kay Satan, ang Sin of Wrath. Nakita natin kanina na apoy ang kapangyarihan niya, siya ang may gawa ng sunog sa kagubatan." Sabi ko. Sa wakas alam ko na ang sagot!
"Ibig sabihin–"
"Kabaligtaran ang gusto sabihin ng riddle! Ang ibig sabihin kailangan nating maging patient at intayin ang pagkawala ng apoy, huwag pangunahan ng poot at galit. Leave your anger 'yon ang vice at ang patience ay ang virtue niya. Reach the peak until you succeed, ibig sabihin mag-isip ng malalim. Ginugulo lang tayo ni riddle!" Masayang sabi ko sa kanila at napapalakpak.
"Seryoso ka ba!? Kapag nag-intay tayo rito mamamatay tayo!" Galit na sigaw sa akin ni Megan.
"Tama ang sinabi ko! Ang vice at virtue ay nasa bibliya! Vice ang Seven Sins at virtue naman ang kabaliktaran nito!" Hindi makapaniwalang sabi ko.
"Sa tingin ko tama si Imaculate. Nakita ko 'yon sa internet, dito lang ako at mag-iintay matapos ang apoy." Matigas na sabi ni Natoy.
Nagtaasan din ng kamay ang iba pa naming kasama. Naniniwala sila sa akin, may naniniwala sa kakayahan ko.
"Okay, fine!" Pagsuko ni Megan.
Tiningnan namin ang paglamon ng apoy sa buong kagubatan. Malapit na makalampas ang apoy sa kakahuyan na kakaunti lamang ang layo sa amin.
"I'm scared, Ate Imaculate." Sabi ni Roy at niyakap ako.
"Nandito lang ako, Roy." Pagpapakalma ko sa bata.
Niyakap ko si Roy habang nakatingin sa kagubatan. Kahit ako ay natatakot din sa mga posibleng mangyari.
Nang umabot na sa bungad ng kakahuyan ang apoy na isang metro lamang ang layo sa amin ay tumigil ito. Bigla itong naglaho na parang bula.
"T-Tama ako." Mahinang sabi ko.
Nag-unahang tumulo ang aking mga luha. Sa wakas, nagawa kong makapagligtas ng buhay. Pero kahit anong gawin ko, hindi nito matatakpan ang mga taong napatay ko ngayon.
"Ang galing mo!" Sigaw ni Natoy at niyakap ako.
Yayakapin sana ako nilang lahat nang magulat kami dahil sa biglang pagyanig ng lupa.
Napanganga ako ng may higanteng pating ang tumalon mula sa ilog. Nabasa kami dahil sa pag-ampyas nang tubig ng muling bumagsak sa ilog ang malaking pating.
"Jusko, mabuti na lang at hindi tayo lumangoy sa ilog. Ayokong maging tanghalian ng Megalodon." Takot na sabi ni Megan.
"Congratulations." Nagulat ako ng muling tumunog ang hologram namin.
May bagong hologram na lumabas, nakasulat doon ang salitang congratulations.
Napangiti ako, nakalagpas kami sa unang pagsubok. Kaso kulang kami ng isa. Nasaan kaya siya?
"G-Guys!" Sigaw ni Xavier at tinuro ang mga paa namin.
Huli na nang mapatingin ako sa aking mga binti. Mabilis akong nilamon ulit ng itim na usok bago naging blangko ang lahat.