CHAPTER 5

1642 Words
Imaculate's POV: "Huwag niyo kaming saktan please, maawa na kayo. Sana madaan natin ito sa mahinahong usapan." Mahinang sabi ko habang yakap si Roy. Hindi sila nakinig at lumapit sila sa amin nang lumapit. Napapikit naman ako at hinintay ang kanilang sasabihin. Nagulat na lamang ako nang magsalita sila. "Pahinging saging ah, nagugutom na kami! Grabe, kahapon pa yata ako hindi kumakain!" Sigaw nung lalaking blonde at sinunggaban ang saging na pinitas namin ni Roy. "Chill ka lang miss, magkateam tayo." Sabi nung lalaking itim ang buhok. Tiningnan ko naman ang palapulsuhan ko at nakitang nailaw ang marka. Ang oa ko pala masyado. Mabuti na lamang at magkakagrupo kami, napangiti na lamang ako. Mas marami na kami ngayong magtutulungan para makaligtas. Sana ay makita na rin namin ang iba pa. Paglingon ko sa katawan nung lalaking napatay ko ay wala na siya. Kinain na siguro siya ng itim na usok. "Uy ang sarap nitong saging na senyorita! Ako si Xavier, anong pangalan niyong dalawa? Kanina pa ba kayo magkasama?" Pakilala sa amin nung lalaking blonde ang buhok. "Ako si Imaculate ito naman si Roy. Kakakita lang namin ngayon, may nakalaban pa nga kami." Pagpapakilala ko rin. "I'm Parker." Pakilala nung lalaking brown ang buhok. Parang biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang magshake hands kami ni Parker. Hinahabol na ako ni kamatayan haharot pa ako? "Nice to meet you." Nakangiting sabi ko. "Anong ability niyo mga kuya? Can I see it?" Tanong ni Roy sa dalawa. "I'm a healer." Nakangiting sabi ni Xavier. "Heat Generation." Tipid na sabi ni Parker. Mukhang si Xavier ang masayahin habang si Parker naman ang cold type. Magkaiba ang ugali ng dalawa. Magkasalungat na magkasalungat. "Kayong dalawa anong kaya niyong gawin?" Tanong ni Xavier sa amin. "I can make illusions habang si Roy, he can create force fields. Iyon ang ability namin." Sagot ko. Mapapasabak ako sa english ah, puro englishero ang kasama ko. Paano pa kaya 'yong tatlong natitira? Baka mamaya may nag-iintsek pa sa kanila. Huwag naman sana. "Oh, that's good. I wonder nasaan ang iba pa nating kagrupo. Sana buhay pa sila." Walang prenong sabi ni Xavier. "Shut up, may bata. Think of your words." Saway ni Parker sa kaniya. Pagkatapos namin kumain ay pinutol nila Parker at Xavier ang buong piging ng saging para may pagkain kaming apat. Sila na rin ang nagdala nito. Naglakad-lakad kami hanggang may makita kaming kweba. Pumasok kami sa loob at inilapag ang piging ng saging sa sahig. Maglalatag na sana kami ng mga tuyong dahon para gawing higaan ng may maapakan kaming dalawa ni Xavier na bitag. Nanlalaki naman ang mata ko at hindi makapaniwala. "Aray!" "Damn it!" Daing naming dalawa. Naka-apak kami ng tali kaya nakabitin kami sa kisame ng kweba, isang bitag. Ang galing ng gumawa nito. Abot na ng buhok ko ang lupa. Pakiramdam ko'y nawawala na rin ang dugo ko sa ulo, nakakahilo. "Maging alerto kayo." Malalim na sabi ni Parker. Nagkaroon ng kulay pulang usok ang kamay ni Parker at hinawakan niya ang lubid na nakatali sa paa namin. Naputol 'yon at bumagsak ako sa lupa, una ang mukha. Ang sakit! Sana ay hindi nagasgasan ang mukha. "Ate Imaculate, are you okay? Your landing sucks." Nakangiwing sabi ni Roy. "Natanggal yata ang pisngi ko. May sugat ba? Ituro mo sa akin kung mayroon." Tanong ko kay Roy. "Gasgas lang ate." Sagot niya at itinuro ang kaniyang bandang pisngi. Nagpagpag na ako ng sarili at tumayo. Nasa unahan namin ni Roy sila Xavier at Parker. Sila ang nangunguna kung may kalaban man sa paligid na tiyak kong mayroon. "Roy, humawak ka sa kamay ni ate." Sabi ko kay Roy habang nakatingin sa b****a ng kweba. Paglingon ko ay nagulat ako ng biglang nawala si Roy sa tabi ko. Saan nagpunta ang batang 'yon? Ipinalibot ko ang mata ko sa kweba. Nasa bungad pa lang kami at madilim ang dulo. Paniguradong may humila sa kaniya. Nakakainis, ang pabaya ko! "Sino ka!? Huwag mong saktan si Roy!" Sigaw ko. "Chill girl, magkateam tayo. I'm Megan the beautiful." Lumabas ang isang magandang babae sa dulo ng kweba habang hawak ang kamay ni Roy na nangangatal. Sinamaan ko naman ng tingin si Megan. Tinakot niya si Roy! "Tinakot mo 'yong bata." Seryosong sabi ko. "Chill okay. Akala ko kasi ay kalaban kayo, pasensya na." Sabi niya at lumapit sa amin. Tumakbo sa akin si Roy at niyakap niya ako. Lumapit din si Megan kila Parker at Xavier para magpakilala. Sila na ang nagsabi ng pangalan ko. "What is your ability?" Tanong ko. "Enhanced senses." Tipid na sagot ni Megan. Tuwang-tuwa si Megan nang makita niya ang dala naming piging ng saging. Hindi pa raw siya kumakain mula kahapon. Mukha ring pagod na pagod siya. Naglatag na kami ng mga tuyong dahon at naghanap ng kaniya-kaniyang pwesto. Madilim na ang langit pero hindi na kami gumawa ng bon fire, baka may makakita sa amin na kalaban. Mas agaw pansin kasi iyon. "Sige na, matulog na kayo. Kami na muna ni Parker ang magbabantay." Sabi ni Xavier at ngumiti. "Sige, gisingin niyo ako kapag inaantok na kayo ah. Ako naman ang magbabantay." Sabi ko bago humiga at matulog. – "Girl gising na, tayo naman ang magbantay. It's so quiet at nakakatakot, samahan mo ako." Niyugyog ako ni Megan kaya bumangon na ako. Nag-aadjust pa ang paningin ko dahil medyo maliwanag na. "Anong oras na?" Tanong ko. "Girl gusto mong kaltukan kita? Nasa gubat tayo walang wall clock o kahit anong orasan." Sagot ni Megan. Napakamot na lang ako sa ulo, oo nga pala. Mukhang ang tanda lang namin kung anong oras na ay kung may araw na o buwan. Nag-inat pa ako bago tumayo. Sumakit ang leeg ko dahil walang unan. Ayos na rin kaysa walang tulog. Tiningnan ko ang mga kasama naming natutulog. Napatitig ako sa kanila. Mahimbing na natutulog si Roy habang magkayakap sila ni Xavier. Napatitig naman ako kay Parker na bahagya pang nakakunot ang noo habang natutulog. Natawa naman ako, kahit tulog ay mukhang masungit. Mayroon siyang mapupulang labi, singkit na pares ng mata, mahabang pilik-mata at magandang pangangatawan. Bakit ko ba dinidescribe si Parker? Napailing na lang ako at naglakad. Bumalik na ako sa bungad ng kweba para sana samahan si Megan. Ngunit pagbalik ko, wala na siya sa kinauupuan niya kanina. "Megan? Megan saan ka nagpunta? Dapat hindi ka lumalayo." Kinakabahang bulong ko. Lumabas ako ng kweba para hanapin si Megan. Wala siya sa paligid kaya nagsimula na akong kabahan. Baka mamaya ay mapaano siya! Naglakad-lakad ako para hanapin si Megan. Medyo nakakalayo na rin ako sa kwebang tinutuluyan namin. Kapag nagkataon ay pareho kaming malilintikan nito. Wala ring bantay ang kweba at tulog ang mga kasama namin! Bigla kong nakita si Megan na naglalakad at parang may hinahanap. Susundan ko sana siya ng may tumawag sa akin. "Anak." Narinig kong tawag ni nanay kung saan kaya napalingon ako. "Inay nasaan ka?" Naglakad-lakad ako at paulit-ulit na tumatawag sa akin ang boses ni inay. Teka, parang may mali. Parang hindi natural ang mga nangyayari. Tumigil ako saglit at pinakiramdaman ang paligid. Pakiramdam ko ay parang may kung anong nakakonekta sa isip ko. "Sabi na nga ba." Kita ko pa rin ang paligid, imposibleng ilusyon lang ang lahat. Mukhang hindi katulad ko ang aking makakalaban. "Anak halika, pumasok ka sa kakahuyan." Rinig kong tawag ulit sa akin ni inay. Nagpaulit-ulit ang boses na 'yon sa isip ko at nakakabingi ito. Napaluhod na ako sa sahig dahil sa sakit ng ulo. Kung hindi ko mapipigilan 'to, sasabog na ang ulo ko. Anong gagawin ko? Umisip ako ng paraan kung papaano mawawala ang boses. Kung may koneksyon sa isip namin, ibig sabihin kaya kong pasukin ang utak niya gamit ang koneksyon namin. Nagconcentrate ako at pinakiramdaman ang koneksyon namin. Itinapat ko ang mga kamay ko sa gilid ng aking ulo. Ramdam ko ang nakakakiliting sensasyong pumapasok. Gumagana nga ang planong naisip ko. Nagtagumpay ako, nakikita ko na ngayon ang nakikita niya. Delikado si Megan, malapit na siya sa bangin! Malakas ang isang ito, hindi ko alam kung anong klase ang kaniyang ability. Ang kailangan ko ngayon ay mailigtas si Megan. Pinakialaman ko ang mga ala-ala ng boses na nasa utak ko. Nakakuha naman ako ng diskarte kung paano siya matatalo. Napangisi naman ako. Pinalabas kong may tigre sa harap niya. Nasa gilid na rin siya ng bangin at takot na takot, nalilinlang ko siya. Unti-unti siyang umatras hanggang siya ay mahulog. Makalipas ng ilang minuto ay nawala na ang koneksyon sa utak namin. Nakapatay na naman ako. Tumayo na ako at napabuntong hininga. Pupuntahan ko na sana si Megan ng may maatrasan akong lalaki kaya kinabahan na ako lalo nang pumihit ako paharap sa kaniya. "Huli ka. Nakita ko ang ginawa mo sa kateam ko miss, magbabayad ka. Mabuti na lang at mabagal kang kumilos. " Gulat na gulat akong nakatingin sa lalaking kaharap ko. Hinawakan niya ang leeg ko at inihampas ako sa punong nasa likod niya. "Ackk, bi-bitawan m-mo ko." Mahinang sabi ko dahil hindi na ako makahinga. Ang lakas niya. "Tuso ka miss, pero mas tuso ako." Nakangising sabi ng lalaki sa akin. Ramdam kong biglang uminit ang mga palad niya at napapaso na ang leeg ko. Nawawalan na ako ng hangin at hindi ako maka-isip ng gagawin, ito na yata ang katapusan ko. Hindi ko na kayang lumaban. "Maganda ka pa naman sana-" Bumagsak ako sa lupa nang mabitawan ako ng lalaking sumasakal sa akin. May pumukpok sa ulo niya ng bato kaya nawalan siya ng malay. "Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ng isang- jusmiyo ang gwapo! "S-Sino ka?" Tanong ko habang naghahabol ng hininga. "Ako si Natoy na mahal na mahal ka." Pakilala niya- Teka ano raw? Pinagtitripan niya ba ako?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD