CHAPTER 4

1710 Words
Imaculate's POV: Inabutan na ako ng umaga sa paglalakad. Sumasakit na rin ang ulo ko dahil sa antok, gutom, at pagod. Hays, kung sana ay nasa eskwelahan pa rin ako at nag-aaral. Kaso wala na akong magagawa. Napasok ako sa isang mundo at sitwasyon na kahit kailan ay hindi ko naisip na mangyayari sa akin. Tumigil muna ako saglit ng may makita akong puno ng mansanas. Umakyat ako sa itaas ng puno para kumuha ng prutas. Nagugutom na ako, kailangan ko ring kumain. Kailangan kong magpalakas. Pumitas ako ng isa at pinagpagan ang mansanas. Mag-iinarte pa ba ako? Eh mamamatay na ako sa gutom. Saka na ang hugas-hugas na iyan, lapang na. Sarap na sarap ako sa pagkain ng may makita akong babae sa malayo. Bigla akong pinagpawisan ng malamig at inisang kagat ang halos kalahating mansanas pang kinakain ko. Muntik pa akong mabilaukan, kainis. Muntik na rin akong mahulog nang dahan-dahan akong lumipat ng sanga sa likod nitong puno. Bakit ba kasi ang lampa ko? Napatingin ako sa babaeng nasa malayo at nakita kong nakatitig na siya sa akin. Jusmiyo Imaculate, takbo na! "Wahh!" Sigaw ko. Napasigaw ako sa gulat ng bigla niya akong batuhin ng matalas na sanga, muntik na akong matamaan sa noo. "Halika rito!" Sigaw niya. Tumakbo siya rito papunta sa puno kung nasaan ako. Abot langit naman na ang aking kaba. Dahil sa adrenaline rush ay nagawa kong talunin ang puno ng hindi natutumba at natatapilok. Tumakbo agad ako pagkatapak ko sa lupa. Hindi ko alam na marunong pala akong magparkour! "Hindi mo na ako mahahabol!" Mayabang na sigaw ko nang mapansing malayo na ako sa kaniya. Nagulat ako ng biglang siyang nagslide sa lupa at sinipa ang paa ko. Natumba ako sa mga tuyong dahon at agad niya akong pinaibabawan. Ano ba naman iyan, Imaculate! Hindi ako makakilos dahil bukod sa nasa ibabaw ko siya, ang sakit ng binti ko dahil sa sipa ni ate at pwet ko dahil sa aking pagbagsak. Mukhang nagkamali ako sa pagyayabang ko kanina. "Huwag kang magmayabang agad. Isa akong sundalo kaya wala kang laban, babae. May huling habilin ka pa ba bago ko tapusin ang buhay mo?" Nakangising tanong niya. Jusko, baka sa susunod serial killer na ang makasalubong ko. Ayon nga lang ay kung may susunod pa. "Ate, hindi ba natin ito madadaan sa usapan? Maawa ka na oh." Tanong ko. "Pasensya ka na, gusto ko lang din makalabas dito!" Sigaw niya at hahampasin sana ako ng bato sa ulo nang makailag ako at itinulak siya. Ako naman ang pumaibabaw sa kaniya at sinuntok siya ng malakas sa mukha. Ano kayang ability niya? Susuntukin ko sana siya ulit sa mukha nang mahawakan niya ang kamao ko. Marimar, ang lakas niya! "Walang panama ang katulad mo sa enhanced senses ko." Mayabang na sabi niya at binaliktad na naman ang pwesto namin. "Mamatay ka na!" Sigaw niya at sinakal ako. Hindi na ako makahinga dahil bukod sa mas matanda siya sa akin, mas malakas siya. Umisip ako ng plano, dahil enhanced ang senses niya, sensitive rin ang kaniyang pandinig. Mabuti na lamang at gumana ang utak ko ngayon! Ikinalmot ko ang aking kuko sa punong nasa aking ulunan. Gumawa 'yon ng nakakairitang ingay kaya nakakuha ako ng pagkakataon at umibabaw agad sa kaniya. Wala na akong sinayang na oras pa. Kinuha ko ang batong dapat ipupukpok niya sa ulo ko at 'yon ang ipinukpok ko sa kaniya. Tatlong beses ko 'yong ipinukpok hanggang hindi ko na maramdaman ang kaniyang paghinga. Napapikit na lamang ako at huminahon. Tumutulo pa sa aking mukha ang tumalsik na dugo niya. Nanginginig ko naman itong pinunasan gamit ang aking dalawang kamay. Naiiyak akong umalis sa ibabaw ng pinatay ko at umupo sa gilid. Napasign of the cross na lamang ako, napakasama ko na. Hindi ko lubos akalaing masisikmura kong pumatay. Ngunit heto ako ngayon, nakatitig sa babaeng tinanggalan ko ng buhay. Tumayo na ako at tiningnan ang katawan niya. Unti-unti 'yong nilalamon ng itim na usok hanggang maglaho ang katawan ni ate. "Paalam ate, pasensya ka na." Malungkot kong tanging nasabi. – Tahimik akong naglalakad ng may marinig akong kaluskos. Tumigil ako saglit at pinakiramdaman ang paligid. Kailangan ay lagi akong alerto sa mga kalaban. Narinig ko ulit ang kaluskos sa bandang kaliwa kaya agad akong kumuha ng matulis na sanga at pinuntahan 'yon. "Huli ka!" Sigaw ko pero ako ang nagulat sa nakita ko. "A-Ate please, don't hurt me." Sabi sa akin ng isang batang lalaki mukhang nasa 11 taong gulang pa lang. Napansin kong umilaw ang markang nasa palapulsuhan ko. Mabuti na lang at magkagrupo kami, mukhang takot na takot pa man din siya. Nakakatuwa dahil nakaligtas ang batang ito kahit na bihira na lamang ang mga batang nakikita ko. "Hala, kawawa ka naman. Mabuti na lang at magkagrupo tayo, huwag kang mag-alala may kasama ka na." Pagpapagaan ko sa loob nitong bata. "S-Salamat, ate. A-Ako po si Roy." Mahinang sabi niya sa pagitan ng paghikbi. "Ako naman si Imaculate. Kumain ka na ba?" Tanong ko at pinunasan ang luhang nasa pisngi niya. "Hindi pa po. I'm very hungry na." Sagot ni Roy. Tinulungan ko siyang tumayo at naglakad kaming dalawa para makahanap ng makakain. May nakita naman akong puno ng saging, mabuti na lang at mababa lamang ang puno kaya nakapitas ako. Pumitas kaming dalawa ng sampung piraso at tahimik na kumain sa ilalim ng puno. Napapangiti na lamang ako habang nakatingin kay Roy. Masaya akong may nahanap na akong kagrupo. "Ate, nakasalubong mo rin po ba 'yong mga bad guys kanina?" Tanong sa akin ni Roy habang kumakain. "Oo, kanina may nakasalubong ako bago tayo magkita. Ikaw ba? May nanakit ba sa 'yo?" Tanong ko at kinurot ang pisngi niya. Jusko, bakit may naglagay ng ganitong kacute na bata rito? Ang ganitong edad dapat pati ay nag-aaral, hindi nakikipagpatintero kay kamatayan. "Opo ate, may nakasalubong ako. Una po 'yong bad guy pero napatay po siya ni Ate Fau, 'yong nakasalubong ko rin po kanina. Good po si Ate she helped me po." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Roy. "Sabihin mo, nasaan si Ate Fau mo? Maliit ba siyang babae, kulot, tapos maganda? Umilaw rin ba ang mark mo sa wrist nang magkita kayo?" Sunod-sunod na tanong ko kay Roy. "Opo, maganda nga po si Ate Fau katulad po ng description mo, Ate Imaculate. Kaso po hindi umilaw 'yong mark sa wrist ko." Paliwanag ni Roy. Paano na 'to? Hindi kami magkateam ni Fau. Ayokong sa huli ay magpatayan kaming dalawa, hindi ko kaya. Sabi nga ni Fau, huwag akong magpadala sa emosyon. Kaya ko 'to, may tiwala ako sa aking sarili. Makakalabas kami ng buhay ni Fau. Alam kong laging may pag-asa. "Ate, come here!" Sigaw ni Roy at bigla akong niyakap. May papalipad sa aming palaso kaya nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Akala ko ay matatamaan si Roy pero napalibutan kami ng force field, 'yon pala ang ability niya. "Aba, magaling ka boy." Lumabas ang isang lalaking may dalang pana sa likod ng puno. Matangkad siya at puno ng piercing ang mukha. Mas mukha pa siyang demonyo sa Seven Deadly Sins. "Huwag kang lalapit sa amin! Pwede ba natin itong daanin sa matinong usapan? Please, huwag mo kaming sasaktan." Pakiusap ko. "Ganda, pasensya ka na dahil hindi uso 'yan dito." Nakangising sabi niya. Bigla pumula ang force field na nakapalibot sa amin. Nakita ko namang pinagpapawisan na si Roy habang nakabuka sa hangin ang kamay niya. "Ate Imaculate, do something!" Sigaw ni Roy sa akin kaya napabalik ako sa wisyo. Bakit parang mas may alam pa si Roy kaysa sa aking mas matanda sa kaniya? Naalala ko ang ability ko, power of illusion. Sinubukan kong magconcentrate at pasukin ang utak nung lalaki pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay humaharang itong force field ni Roy sa ability ko. "Roy, si Ate Imaculate na ang bahala. Ibaba mo na ang force field." Sabi ko kaya sumunod si Roy. Lanta si Roy na napaluhod sa sahig. Hindi pa siya gaanong bihasa sa paggamit ng ability niya. Kahit ako naman, hindi pa nga rin ako marunong! "Hoy!" Tawag ko sa lalaking tadtad ng piercing kaya tumingin siya sa mga mata ko. Nagawa kong maikonekta ang isip ko sa isip niya. May malilit na lubid ang lumabas sa kamay kong nakakonekta sa utak nung lalaki. Napakaganda ng ability ko, nakikita ko ang mga nasa isip nitong lalaki ngunit hindi lahat. Ang mga panaginip niya at kinatatakutan, nakakamangha. Sinubukan kong manipulahin ang laman ng utak niya at gumawa ng ilusyon. "Ate Imaculate, ituloy mo lang po." Sabi ni Roy sa gilid ko. Hindi ko kita ang paligid at tanging mga ala-ala niya ang nakikita ko kaya pinabilis ko ang trabaho. Baka mamaya ay may biglang sumugod na naman sa amin. Pinalabas ko sa utak niya na nasa ilalim siya ng dagat at nalulunod. Kita ko sa isip niyang hindi na siya makahinga, hanggang sa narinig kong may bumagsak sa paligid at nawala na ang koneksyon sa utak namin. Unti-unting bumalik ang paningin ko at nakitang nakahiga na sa sahig ang lalaki. Nakita ko naman si Roy na prenteng kumakain ng saging, ang bilis niyang makabawi. "Roy hindi ka natakot?" Tanong ko. "No ate, I know na kasama kita. You fight that bad guy and look po, natalo mo po siya! Is he sleeping peacefully na?" Tanong ni Roy. Kumirot ang puso ko dahil sa tanong niya. Napakainosente pa ni Roy para mamulat sa karahasan. Lalo na sa ganitong klase ng karahasan. "Oo, kasama na siya ng mga angels ngayon. Halika, ipagpray natin siya." Yaya ko kay Roy kaya lumapit kami sa katawan ng lalaking napatay ko. Ipinagdasal namin siya. Mahina akong humihikbi habang taimtim na nagdarasal. Napakamakasalanan ko na. "Ate Imaculate, it's okay lang po I'm here." Niyakap ako ni Roy kaya niyakap ko rin siya. Poprotektahan ko ang batang 'to, marami pa siyang matutuklasan sa labas at maaabot na pangarap. Babagong lilipad pa lang si Roy, naputulan na agad ng pakpak. "Ate, may bad guys po." Bulong ni Roy sa tenga ko. Napalingon ako sa likod at may dalawang lalaking papalapit sa amin. Jusko, anong gagawin ko? Bakit parang hindi na naubos ang mga kalaban!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD