CHAPTER 1

1725 Words
Imaculate's POV: "Ang baon mo, kainin mo. Mag-iingat ka rin sa eskwelahan ha. Makinig ka nang mabuti sa mga teacher mo, anak. Huwag kakalimutang magdasal at pagbutihin ang pag-aaral." Bilin sa akin ni nanay. "Opo nanay, pangako. Alis na po ako, baka mahuli pa po ako sa una kong klase." Paalam ko. Nagpaalam na ako kay nanay at nagmano. Marami pa sa aking ibinilin si nanay na kaagad ko namang sinang-ayunan. Masunurin akong anak at takot akong sumuway kay nanay. Bukod sa ayaw ko talagang gumawa ng hindi niya ikasasaya, takot talaga ako sa kaniya. Pagkalabas ko ng bahay namin ay nasalubong ko si Fau, ang matalik na kaibigan kong si Faupina Soledad. Ang bff kong lagi akong dinadala at niyayaya sa mga kalokohan. Sabi nga ng iba ay bad influence raw si Fau, napailing na lamang ako. "Ano Ima kumusta? Chinat ka na ba ni Sun? Baka pati ang isang ‘yon ayawan mo pa ha." Tanong ni Fau. "Fau naman, alam mong ayaw ni nanay na makipagrelasyon ako lalo na at hindi pa ako nakakatapos. Saka hindi ko ‘yon type, halata mong manloloko. Datingan pa lang eh playboy na. Tigilan mo na kasi ang kakareto mo sa akin ng kung sino-sino." Sagot ko sa kaniya. "Ano ka ba naman Ima, 18 ka na! Masyadong mahigpit sa 'yo si tita, tingnan mo kulang na lang bigyan ka ng walis mukha ka ng mangkukulam sa suot mo. Dapat matuto ka rin mag-ayos ‘no. Duh, sayang ang ganda kung hindi ibabalandra. Show your beauty Ima!" Panlalait ni Fau. Pinagsuot ako ni nanay ng itim na paldang lagpas tuhod at long sleeves na kulay puti. Tinernuhan ko naman ito ng puting doll shoes, mukha ba akong mangkukulam? Sa tingin ko ay hindi pa naman. "Fau, wala naman masama kung susunod ako kay nanay. Para din naman sa kapakanan ko ito." Pangaral ko sa kaniya. "Haynako, ayan dinalhan kita ng damit. Magpalit ka muna riyan sa madadaanan nating restaurant. Suotin mo ha, bawal ang humindi. Ayokong laitin ka na naman sa university." Sabi ni Fau. Inabot niya ang isang paper bag bago niya ako hinila patakbo. Mahuhuli na kami nito eh, si Fau kasi! Kahit kailan ay pasaway! Tumigil naman kami sa pagtakbo sa tapat ng isang restaurant. Mabuti na lang at wala pa gaanong tao. Isa itong chinese cuisine. "Hi Jonas, pabihis lang ang kaibigan ko ha. Wala pa naman kayong customer." Sabi ni Fau sa isang lalaki na mukhang dito nagtatrabaho. Iminuwestra ni Fau na pumasok na ako sa banyo at magpalit kaya sumunod na lang ako. Bibilisan ko na dahil hindi naman ako mananalo kay Fau, ayoko na rin namang mabully sa university. Nakakasawa na sila. Binuksan ko ang inabot sa akin ni Fau na paper bag kanina. May laman itong isang high waist short, printed tee at sapatos. Isinuot ko na ang binigay ni Fau. Bumagay naman sa akin dahil kahit papaano ay may hugis ang katawan ko. Maputi rin ako at may blonde na buhok dahil sa aking ama. Maganda naman ako sabi ni Fau pero nilalait pa rin dahil manang daw ako manamit at mukhang sinaunang tao. "Oh 'di ba, ang ganda mo! Dapat lagi kang pumuporma!" Bati ni Fau pagkalabas ko ng banyo. Nilagyan niya pa ako ng kolorete sa mukha. Hindi naman na ako tumanggi dahil sawa na akong mabully sa school namin, sawang-sawa na talaga. Kahit senior high school na kami, uso pa rin ang mga nang bubully. "Ayan, perfect. Ewan ko na lang kung laitin ka pa rin ni Lorielle the b***h. Naiinis talaga ako sa isang ‘yon, feeling lagi." Sabi niya. Si Lorielle Melyton ang Queen-B sa university namin na nang bubully sa akin. Malakas ang loob niya dahil sila ang isa sa may-ari ng school. Scholar lang naman ako sa St. Mammon University. Naglakad na kami papunta sa university ni Fau. Walking distance lang naman ang layo mula sa bahay naming dalawa kaya hindi na namin kailangang sumakay. "Akala mo ba maganda ka na dahil sa new look mo Imaculate? Mukha ka pa ring hampaslupa. Wala ka pa ring binatbat sa amin." Bungad ni Lorielle pagkapasok namin ng university. "Pwede ba Lorielle the b***h, tigilan mo na si Imaculate dahil wala ka namang mapapala. Unless, naiinggit ka sa kaniya. Right Imaculate?" Pambabara ni Fau kay Lorielle. Mabuti na lang at tumunog na ang bell kaya natigil ang masamang titigan ni Fau at Lorielle. Wala rin akong panahon para makipag-away. Bilin ni nanay na umiwas ako lagi sa gulo kaya umiiwas na lang ako. "Isa ka pang dukha, shut up. May araw din kayong dalawa sa 'kin." Sabi ni Lorielle bago siya umalis kasama si Marie at Shane na mga alipores niya. Pumunta na kami ni Fau sa una naming klase. Hindi kami pwedeng mahuli dahil si Ms. Mamina Spirit ang teacher namin sa Religion ang una. Siya rin ang principal ng school namin. Strikto pa man din iyon at mababa magbigay ng grades. Ayoko naman na mawala ang scholarship na iniingatan ko. Mabuti na lang at pagpasok namin ni Fau ay wala pa si Ms. Spirit. Umupo na kaming dalawa sa upuan namin, magkatabi kami. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Ms. Spirit. Katulad ng dati, suot niya pa rin ang kaniyang makapal na salamin sa mata. May dala-dala na naman siyang malalaking libro, baka makatulog na naman ako nito sa klase. "Magandang araw sa inyong lahat.” Bati ni Ms. Spirit. "Magandang araw din po Ms. Spirit." Hindi sabay-sabay na bati namin pabalik sa kaniya. "Ang pag-aaralan natin ngayon ay tungkol sa mga 'borrowers'. Mayroon ba sa inyong nakakaalam kung ano ito? Anyone in the class?" Tanong ni Ms. Spirit. Walang sumagot sa klase namin kaya pinagpatuloy niya na lang ang pagpapaliwanag. Mga halatang hindi nakikinig ang iba sa amin. "Ang mga borrowers ay ang mga taong nakipagkasundo sa mga demonyo para humiram ng buhay para sa sarili nila, o para sa iba. Nakipagkasundo sila para ibalik ang kaluluwa ng isang namatay na nilalang o mapahaba pa ang kanilang buhay." Paliwang ni Ms. Spirit. Naalala ko tuloy ang mga palabas sa TV. Iyong mga kontrabida na nakipagkasundo sa demonyo para buhayin ang mga mahal nila sa buhay. "Sa oras na mamatay ang isang borrower, ang kaluluwa niya ay mapupunta sa demonyo kung saan siya nakipagkasundo. Ang masaklap pa, kung ang borrower ay nanghiram ng kaluluwa para sa iba, damay rin ang taong 'yon mabuti man o masama." Dugtong ni Ms. Spirit. "Ang tragic ha." Rinig kong bulong ni Fau sa tabi ko. “Maaaring gawin ng demonyo kung saan nakipagkasundo ang borrowers ang kahit ano man sa kaluluwa nila. Pwede silang gawing alipin, kainin ang kanilang kaluluwa, pahirapan at iba pa. Kaya kayo, huwag kayong magpadalos-dalos sa pagdedesisyon. Huwag laging magpadala sa emosyon dahil hindi biro ang mangyayari kapag namatay kayo. Parte rin ng buhay ang pagkamatay, iyan ay Cycle of Life.” Pangaral ni Ms. Spirit. Nagtuloy-tuloy ang discussion namin hanggang sa tumunog ulit ang bell dahil lunch na. Tatlo ang unang klase namin sa umaga. Kahit tatlo lang ay nakakabangag pa rin. "Halika na Ima, kain na muna tayo. Gutom na gutom na talaga ako.” Yaya sa akin ni Fau kaya pumunta na kami sa cafeteria. Maraming tao at mahaba na ang pila. Nagtiyaga kaming pumila ni Fau hanggang sa makabili kami ng pagkain. Bumili lang ako ng isang Coke mismo at tuna bread roll. Nang makahanap na kami ng bakanteng upuan ay kaagad kaming umupo ni Fau. Nakakangalay pumila, kung hindi lang talaga mura ang bilihin dito ay hindi na ako magtatyagang pumila pa. "Ay Ima, tingin ka ro'n nandiyan na ang Cruels!" Sigaw ni Fau kaya napatingin ako sa itinuro niya. Papasok na ang mga heartthrob namin sa university. Wala akong pakialam sa kanila pero simula noong makita ko ang lider nilang si Chalamett, nalove at first sight na yata ako. Naputol ang pagpapantasya ko nang biglang lumapit si Lorielle kay Chalamett at hinalikan ang crush ko sa labi. Bigla naman akong napangiwi. "Sila pala? Wala palang taste 'yan si Chalamett, gwapo pa man din sana." Bulong sa akin ni Fau. "Oo nga, kadiri naman. Ang daming papatulan si Lorielle pa." Bulong ko rin. Bigla akong naturn-off, nakakasuka. "Halika na sa library na lang tayo.” Yaya ko kay Fau matapos kong ilagay sa bag ang binili ko kaninang pagkain. "Bakit? Selos ka 'no? Dalaga ka na bhie!" Malisyosang sabi niya. "Hindi ‘no, halika na nga. Dami mong alam sa buhay na kalokohan." Yaya ko ulit sa kaniya. Totoo naman, nakakaturn-off. Napakasama ng ugali nung bruha na iyon. Halatang ganda lang ang habol ni Chalamett kay Lorielle. Naglakad na kami ni Fau patungo sa library. Dumeretso kami sa pinakadulong shelf, ang paborito naming pwesto. Umupo na kami at binuksan ko ang bag ko. Nagtaka ako nang may makita akong sobreng kulay ginto kaya kinuha ko 'yon. "Sinong naglagay nito rito?” Napatingin ako kay Fau dahil sa sinabi niya. Nagkatinginan kaming dalawa dahil pareho kaming mayroong sobre. Ano na naman kaya 'to? Pakana ni Lorielle? Isa ba itong prank? "Basahin natin. Ano kaya ito? Invitation letter?" Tanong ko. Nagkibit-balikat lang si Fau kaya napabuntong-hininga naman ako. Halos sabay naman kaming nagbukas ng sobre. Dear beloved pawns, Congratulations! You are invited to the annual Pawn Games. Brace yourselves and be ready to fight. Your participation is a must. Sincerely yours, Seven Deadly Sins "Ano 'to? Prank na naman nila?” Tanong ni Fau matapos naming magbasa. "Aray!" "Ouch!” Sabay naming sigaw ni Fau matapos kaming masugatan dahil sa matalas na papel. Nabahiran ng dugo ang gintong papel kaya nanlaki ang mata namin nang naging kulay pula ito, at may lumabas na panibagong sulat mula sa blangkong parte ng papel. "Welcome to the games." Basa ko rito. "Anong nangyayari!?" Sigaw ni Fau. Napatingin ako kay Fau nang biglang siyang sumigaw. Nanlaki naman ang mata ko. Nagiging abo at unting-unting naglalaho ang kaliwang braso ni Fau. Nag-umpisa na rin akong kabahan nang mag-umpisang umakyat ang abo mula sa paa ko. "Tulong, tulungan niyo kami!” Malakas na sigaw ko. Pagkalingon ko kay Fau ay wala na siya. Isang pawn chess piece ang naiwan sa inuupuan niya kanina. Unting-unting nagdidilim ang paningin ko. Hindi ko na rin maramdaman ang sarili kong katawan hanggang sa naglaho na ako nang tuluyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD