CHAPTER 2

2212 Words
Imaculate's POV: Nagising ako nang may kung sinong humihila sa aking dalawang paa. Medyo masakit din ang aking likod dahil sa matigas na hinihigaan ko. Ano ba ang nangyari? Medyo nahihilo pa rin ako. "Sino- hmp!" Biglang tinakpan nitong babae ang bibig ko. Hinila niya naman ako papunta sa likod ng isang malaking bato. Abot langit na ngayon ang aking kaba. Ano ba talaga ang nangyayari at nasaan ako!? "H'wag kang maingay baka makita nila tayo. Malilintikan tayo niyan." Bulong niya sa 'kin. "Ano na? Nakita niyo na ba?" Tanong ng isang panlalaking tinig sa likod ng pinagtataguan namin. Rinig namin ang pag-uusap nila at pagdating ng mga yabag ng paa. Halos hindi na kami huminga dahil baka marinig nila kami. Kahit hindi ko alam ang nangyayari, kutob kong masasama sila o hindi kaya ay mga kalaban. "Halina kayo, tingnan natin doon!" Sigaw ulit nung lalaki. Narinig namin ang pag-alis ng mga yabag ng paa nila. Nag-intay kami ng ilang minuto bago lumabas sa pinagtataguan namin para siguradong wala na sila. "Ano ba ang nangyayari? Nakita mo ba ang kaibigan kong si Fau? Maliit siya pero maganda tapos morena. Nagising na lamang akong nandito na." Tanong ko. "Kumuha ako kanina ng mansanas sa punong napwestuhan nila tapos hinabol na ako. Pasensya na hindi ko siya nakita. Ikaw lang ang naabutan ko rito. Maging ako, nagising na lamang din akong na rito na. Pasensya na, mukhang pareho lamang tayong biktima." Malungkot niyang sabi. "Ako nga pala si Imaculate, salamat sa pagtulong sa akin. Alam mo ba kung paano ka napunta rito?” Tanong ko at naglahad ng kamay. "Ako si Shine. Ang huling naaalala ko ay nakatanggap ako ng sulat, pagkatapos naging malabo na ang lahat." Paliwanag niya at tinanggap ang kamay ko. "Kami rin ng kaibigan ko nakatanggap ng sulat tapos napunta na rin kami dito. Anong mayro'n dito? Bakit nasa gubat tayo?" Tanong ko kay Shine. "Hindi ko rin alam kung paano at bakit, pasensya ka na. Katulad nga rin ng nangyari sa iyo, nagising na lang din ako rito sa gubat." Mahinang sabi niya. "Magtulungan tayong makalabas dito. Pero kailangan hanapin muna natin ang kaibigan ko. Sasamahan mo ba ako?" Pakiusap ko kay Shine. "Sige, halika na kailangan natin magmadali. Sana ay nasa malapit lamang siya." Sagot ni Shine. Hinila na niya ako at tumakbo na kami nang tumakbo. Nakakapagod at nakakahingal pero kailangan namin parehong magtiis. "Can I here some noise participants!" Napatigil kami ni Shine sa pagtakbo nang biglang lumabas ang malakas na tinig na 'yon kung saan. Paano nagkaroon no'n sa gitna ng gubat!? "Saan 'yon nang galing eh nasa gubat tayo!?" Kinakabahang tanong ko. "Hindi ko rin alam, magtago muna tayo." Sabi niya at hinila ako sa likod ng isang mataas na puno. Umakyat siya pataas kaya sumunod na ako. Natatakot na ako sa mga nangyayari, ang masama pa wala kaming alam kung nasaan kami. Nag-aalala na rin ako kay Fau, baka mapaano siya. "Nagtataka ba kayo kung nasaan kayo? Gusto niyo bang malaman? Pwes, kailangan niyong makipaglaro sa 'kin." Sabi nung babaeng hindi namin alam kung saan nang gagaling ang boses. "Nakidnap ba tayo?" Tanong ni Shine. "Hindi ko rin alam." Sagot ko. Wala akong ideya na kahit ano. Ano ba ang nangyayari? Baka naman nakatulog lang ako sa klase? Hindi kaya prank ito ni Lorielle tapos may mga Queen B pa siyang kaibigan sa ibang school o university? Tapos tinipon kami sa isang gubat na mga binully nila? Hays, nasisiraan na yata ako. Imposible iyon. "Isipin niyo na lang na kapag nakalampas kayo sa stage na ito, opisyal na kayong kalahok sa Pawn Games." Sabi ulit nung tinig. "Ang kailangan niyong gawin ay mabuhay hanggang sa pinakahuling stage ng Pawn Games. This is the trial stage. Lahat kayong kalahok ay nasa isang libo mahigit, ngunit ang kailangan namin para sa susunod na lebel ay 490 katao lamang." Paliwanag niya pa. "Oh my God. Hindi na maganda ang kutob ko rito." Mahinang sabi ni Shine. "Paano mababawasan ang bilang niyo? Simple lang, kailangan niyong pumatay para mabuhay. It’s a do or die competition. It’s either you die fighting, or you die not doing anything." Dagdag ulit nung tinig. "H-Hindi 'to pwede. Ilegal ang ginagawa nila. Kailangan nating magsumbong sa pulis!" Wala sa sariling sabi ko. "Enjoy participants. Galingan niyo, nanonood kami sa inyong lahat. This is Leviathan, let the games begin." Huling sabi nung babae bago biglang nagdilim ang langit. "Imaculate, natatakot na ako. Mukhang kahit magsisigaw tayo rito ay walang tutulong sa atin." Mahinang sabi ni Shine habang humihikbi. "Ako rin Shine, pero kailangan natin tatagan ang loob natin para mabuhay. Halika kailangan nating mahanap si Fau, delikado siya. Hindi ko alam kung sino ang mga may hawak sa atin kaya delikado talaga rito." Sabi ko at naghandang bumaba sa puno. "Paano kung may makasalubong tayo? P-Papatay ba tayo?" Tanong ni Shine. "Hindi natin kailangang pumatay. Hangga't maaari, umiwas tayo. Madadaan naman siguro sila sa usapan. Sana ay huwag silang pangunahan ng kapusukan at hindi maimpluwensyahan nung nagsasalita kanina." Sabi ko kay Shine bago bumaba. Maingat kaming nakababa ng puno bago naglakad. Tanging tunog lang ng mga naaapakan naming dahon ang maririnig sa paligid. Nakakatakot ang katahimikan. Hanggang ngayon ay kwestyon pa rin sa akin kung saan nang gagaling ang boses na iyon kanina. Pero ang dapat ko munang problemahin, kailangan kong makaalis dito. Hinila ko si Shine sa likod ng isang puno para magtago. May isang bulto akong nakikita sa malayo. "836 participants out of 1066 left." Biglang nagsalita ulit 'yong babae kanina. Totoo ba ito? Nagpapatayan ang mga tao at sumusunod sa isang boses na hindi naman namin alam kung sino at ano!? Jusko, patawarin kami ng Diyos. Sinong walang puso ang gumagawa nito? "Huli ka!” “Ahh!” Biglang hinawakan ng isang lalaki ang braso ko kaya tinuhod ko ang kaligayahan niya. Kinakabahan naman ako at nagpapanic. "Shine takbo!" Sigaw ko. Mabilis kaming tumakbo ni Shine papalayo sa lalaki. Hinihingal na ako dahil parang ubos pa rin ang enerhiya ko. Medyo nahihilo pa rin ako dahil sa kanina. "Ahh! Patay kayo sa 'kin!" Sigaw nung lalaki habang paika-ika kaming hinabol. "801 participants out of 1066 left." Anunsyo ulit ni Leviathan, 'yong tinig na nag-uutos sa 'min. "Huli kayo!" Nahabol kami nung lalaki at nahawakan niya ako sa buhok. Napakahigpit ng pagkakahawak niya kaya hindi ako makawala. Napakasakit at bigat ng kamay niya. Para siyang may galit sa akin! "Bitawan mo ko- ahh!" Inda ko. Nanghina ako ng bigla akong suntukin nitong lalaki sa sikmura. Kainis, hindi ako makalaban! "S-Shine, tumakbo ka na!" Sigaw ko pero hindi siya nakinig. Kumuha si Shine ng isang mahabang sanga ng kahoy at hinampas 'yon sa ulo nung lalaki. Napadapa naman iyong lalaki sa lupa. "Halika na Imaculate, tumakbo na tayo!" Sigaw ni Shine. Inalalayan ako ni Shine makatayo at tumakbo na ulit kami. Tumakbo lang kami nang tumakbo hanggang sa wala na ang lalaking humahabol sa 'min. Tumigil naman muna kami saglit para huminga. "Imaculate wala na ang lalaking humahabol sa atin! Nailigaw natin-" "Jusko Shine!" Gulat na sigaw ko. Tumulo ang mga luha ko ng may tumamang palaso sa ulo ni Shine. Mulat siyang namatay, hindi ko alam na mangyayari ito. Jusko, nahihibang na ba ang mga tao? "Takbo binibini takbo!" Sigaw ng isang bagong lalaking may hawak ng pana at palaso. Nang mapalingon ako sa kaniya ay nasa taas siya ng isang puno at naka-upo. Malaki pa ang ngisi niya sa labi at parang nasisiyahan pa siya sa mga nangyayari. "742 participants left out of 1066." Anunsyo nung boses na nag-uutos sa amin. Tumakbo na ako at iniwanan si Shine na wala ng buhay. Kahit labag sa loob kong iwanan siya, wala akong magagawa. Kailangan ko rin iligtas ang sarili ko. "Mahahabol na kita binibini!" Sigaw nung lalaking may hawak na palaso. Malapit na nga niya akong mahabol, tatlong dipa na lang ang layo ko. Kailangan ko pang bilisan! Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makalabas ako ng gubat. Bumungad sa akin ang isang ilog. Hinihingal na ako at napapagod. "Ahh!" Gulat kong inda. Muntik na akong matumba nang madaplisan ako ng palaso sa tagiliran ko. Ramdam na ramdam ko ang kirot at pag-agos ng dugo mula sa sugat. Diniinan ko ang parteng nadaplisan kahit masakit para matigil ang pagdurugo. Napakagat labi naman ako dahil sa sakit. "Huli ka!" Sigaw nitong lalaki. Nahabol na niya ako at hinila sa buhok. "Bitawan mo ako. Maawa ka na." Pakiusap ko at napaluhod sa sahig dahil sa hapdi at panghihina. "Sige, sabi mo eh!" Sigaw nitong lalaki. Bigla nga niya akong binitawan at itinulak sa sahig. Napasalampak ako sa sahig at tumama pa ang labi ko sa bato. Nalalasahan ko na ang dugo mula sa sugat ko sa labi. "Paalam binibi- ahh!" Nanlaki ang mata ko ng may biglang humampas ng bato sa ulo ng lalaki. Ligtas na ba ako? "Jusko Imaculate!" Si Fau pala! Mangiyak-ngiyak akong niyakap ni Fau. May sugat na rin siya sa braso, halata na sa mukha niya ang pagod. "Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ko kay Fau. "Wala ito, ayos lang ako. Jusko Imaculate, dalawa na ang napapatay ko. Gusto ko nang makalabas dito." Sabi ni Fau at tinulungan akong makatayo. "555 participants out of 1066 left." "Kanina pa 'yan, nabubwiset na ako. Sila ang may kasalanan nito siguro nakidnap tayo." Bulong ni Fau habang naglalakad kami papasok ng gubat. Pumasok kami sa isang kweba. May mga tao rin sa loob, may isa pang matandang umiiyak. "Iha ayos ka lang ba? Ako si Lola Tina." Pagpapakilala nung matanda. Inalalayan ako ng matandang umupo sa sahig. Inilibot ko naman ang aking tingin sa mga kasama namin dito sa kweba. May isang babae, isang lalaki at si Lola Tina ang kasama namin ni Fau. "Jusko, anong nangyayari. Matanda na ako, hindi ako makakatagal sa larong ito." Mahinang hikbi ni Lola Tina habang pinupunasan ang sugat ko sa tagiliran. "Imaculate siya si Wendy at 'yang lalaki naman si Marcus. Nagkita-kita kami kanina habang hindi pa nag-uumpisa at nagtago. Mabuti na lang at narinig ko ang boses mo kaninang sumigaw." Sabi ni Fau. "Maraming salamat, Fau. Jusko, anong gagawin natin?" Tanong ko. "Hindi ko alam, kailangan nating mabuhay. Kailangan natin makalabas dito, paniguradong hinahanap na tayo ng mga magulang natin." Sagot ni Fau. "498 participants left out of 1066." Anunsyong muli nung boses. "Marami na ang namamatay. Ano ba ang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Puro dahas at sariling kapakanan ang iniisip." Mahinang sabi ni Lola Tina. "Malapit na bumaba ang bilang sa 490. Mag-iintay na lang ba tayo rito?" Tanong ng babaeng kasama namin, Wendy yata ang pangalan niya. "Anong gusto mo lumabas tayo at magpakamatay?" Sarkastikong tanong ni Fau. "Hindi, iniintay ko lang na magpatayan tayo rito!" Sigaw ni Wendy na ikinagulat naming lahat. "Ano ba bitawan mo 'yan!" Sigaw ko. Napigilan ko si Wendy ng akmang sasaksakin niya si Fau ng basag na salamin. Baliw na ba ang isang ‘to? Traydor siya! Wala siyang awa! "Mga bata tigilan niyo 'yan! Hindi sagot ang karahasan!" Sigaw ni Lola Tina at sinubukan kaming pigilan ni Wendy. Nag-aagawan kami ni Wendy sa basag na piraso nang salamin ng bigla niya akong itinulak. Napaatras ako at muntik pang matumba sa sahig. "I-Iha." Gulat na gulat ang mukha naming lahat nang masaksak ni Wendy si Lola Tina sa tiyan. "Pakialamera kang matanda ka!" Sigaw ni Wendy. Hinila ni Wendy ang basag na salamin papalabas sa tiyan ni Lola Tina kaya umagos palabas ang dugo ng matanda. Biglang nagdilim ang paningin ko. Nagbabadya na rin tumulo ang luha sa mga mata ko. "Tangina ka mamatay ka na!" Sigaw ko bago sinugod si Wendy at itinulak siya ng malakas. Nawalan siya ng balanse at tumumba sa sahig. Nahimasmasan ako bigla dahil sa nagawa ko, tumama ang ulo niya sa bato. N-nakapatay ako. J-jusko, nakapatay ako.Nakapatay ako! "F-Fau, ayoko na umalis na tayo rito." Nanghihina akong napahagulgol at umupo sa sahig. Ramdam ko namang niyakap ako ni Fau at Marcus. "Mga ate wala na si Lola Tina. Wala na rin si A-Ate Wendy." Mahinang hikbi ni Marcus sa tabi ko. "Pasensya na kayo. Huwag kayong magalala, magtutulong-tulong tayong makalabas dito." Sabi ko sa pagitan ng paghikbi. Dinasalan muna namin ang katawan ni Lola Tina at Wendy bago kami umalis. Kahit ganoon ang nangyari, biktima lang rin si Wendy ng larong kinasasangkutan namin ngayon. "Congratulations participants! 490 out of 1066 left. Ipinagbabawal na ulit ang pagpatay." Sabi nung boses na hindi namin alam kung saan nang gagaling. Leviathan ang pakilala niya. Sino ang walang pusong 'yon? Lumabas na kaming tatlo ng kweba at tumingin sa paligid. Ang kaninang gabi pa ay ngayo'y umaga na. Para kaming mga robot na pinaglalaruan at pinapasunod sa gusto nila. "Ay kabayo!" Nagulat ako ng biglang may pumutok na flare sa langit. Napatingin kaming tatlo roon. "Sundan niyo ang pinanggalingan ng flare. Welcome to the annual Pawn Games, opisyal na kayo ngayong kalahok sa laro. Have a good day." Huling anunsyo bago nawala muli ang boses sa paligid. Pawn Games? Ano ba 'tong pinasok ko? Makakalabas pa kaya kami rito? Jusko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Sana ay panaginip na lamang ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD