“Kapal ng mukha! Idedemanda ko talaga siya… No, Dad! Hiniya niya ako sa harapan ng maraming tao sa loob ng isang fine dining restaurant, anong akala niya hahayaan ko lang siyang gawin sa akin yun, I’m Janna Violet Chua the most feared attorney in town kaya pakisabi po kay Lola yung lalaking gusto niyang kilalanin ko ay pangalawa sa pinaka hayop na nakilala ko sa balat ng lupa.” gigil na talak ni Violet habang kausap ang ama sa kabilang linya ng cellphone.
“Sige na ako na bahala sa lola mo, sinabi ko na kasi na wag mo ng sundin ang lola mo tigas ng ulo mo tingnan mo tuloy ang nangyari sa’yo. Palagi ka na lang kasi na sunod sa gusto niya.” galit na wika ng ama, bigla naman nag bago ang mood ni Violet ng maalala ang lola niya at maayos itong naki-usap na i-meet daw niya ang anak ng kaibigan nito. Maayos naman itong naki-usap kaya pumayag siya. Abogado din daw at balak na dito na sa pilipinas mag work.
“Matanda na po si Lola at ayaw ko lang siyang malungkot, sooner or later mawawala na din siya sa atin kaya gusto ko lang na maging masaya siya habang kasama pa natin siya.”katwiran ni Vio,
“Masaya? E paano ka naman, come on! Vio, you're living your life ____.”
“Dad! I’m okay, kaya ko naman, sige na po.”
“Ayan ka nanaman lagi kang I’m okay, kanina gitil na gitil ka na. Ngayon I’m okay. It’s not okay and it’s okay not to be okay sometimes at hindi kailangan sundin mo lahat ng utos sa’yo ng lola n’yo.”
“Sige na po Dad, babye na!” iwas ni Vio sa sermon ng ama tungkol sa lola niya. Stress na nga siya sa ka blind date niya ang dami pang naging ganap sa korte tapos sasabay pa ang Daddy niya parang nakaka drain ng mentality. Itinago na ni Vio ang cellphone sa bag saka lumingon na nagulat pa ng makita si Ivo.
“What the hell are you doing here? Sinundan mo pa talaga ako dito?” bulalas ni Vio na ikinasalubong ng kilay ni Ivo na at ikinakunot ng noo. Lasing ba si Vio, magkasama silang nag check-in kanina para lang ipakita sa Atty. Jonijay na yun na hindi ito isang babae basta na lang pinag sasawaan. Magsasalita na sana si Ivo ng biglang magtaas ang kamay si Violet sabay sapo ng noo saka bumagsak ng upo sa sofa na parang bigla itong napagod na sumandal bago pumikit.
“Iwan mo na lang ako dito mag-isa, puwede ka ng umalis. Thank but no thanks sa ginawa mo kanina. Kaya ko naman ipag tanggol ang sarili ko kanina kahit hindi ka dumating.” ani Vio na ikiniling-kiling pa ang ulo na parang nag s-stretching ito ng leeg.
“Alam ko, sadyang epal lang ako pasensya na.” ani Ivo tumalikod at nag tungo sa wine bar ng VIP suite na kinuha nila at nag hanap ng wine na masarap.
“Can I have some of that? Get one for me—and a glass too. I need it to clear up my mind.” wika pa ni Vio na nakalingon sa kanya. Tumango naman si Ivo na kumuha ng isa at dalawang wine glass saka bumalik sa tabi ng dating asawa bago maingat na binuksan ang bote ng wine at nag salin sa dalawang baso.
“Ulirang apo ka pa rin pala hanggang ngayon?” ani Ivo hindi sumagot si Violet na tiningnan ang hawak na wine glass na iniinom na nito.
“Dapat ba hindi?” tanong ni Violet.
“Hindi masamang sumalungat ka din minsan lalo na kung matanda ka naman na para mag pasaklaw pa sa lola mo.” ani Ivo lumingon naman sa kanya si Violet na parang gusto paduguin ang nguso niya sa sama ng tingin nito.
“Alam mo bang candidate ako for prosecutor position? Meron nag recommend sa akin na maging parte ng DOJ imagine that nakakaproud diba, dahil yun sa lola ko.” Huminga ito ng malalim na muling lumagok ng wine sa baso.
“Ikaw? May bago ba sa’yo? Maliban sa pagiging addict mo sa mga online game at pakikipag harutan sa mga babae?” tanong ni Violet na pagak naman na tinawan ni Ivo. Hindi pa rin siya makapaniwala na ganun na ang tingin sa kanya ni Violet, noon pa naman alam na nito na mahilig siyang mag laro ng mga online game pero never siyang nakipag harutan sa mga babae. Oo, friendly siya at alam naman niya ang limitation niya at lalo higit hindi niya gustong bigyan ng dahilan si Vio na mag selos noon. Ngunit sa paki-alamera nitong lola naging iba ang dating kay Violet ng pakikipag kaibigan niya sa mga babae.
“Isa na akong Senior Engineer sa power plant namin.”
“Hmm… talaga ba? Paano nangyari yun dahil kayo ang may-ari?” ngisi ni Vio,
“Syempre hindi, nagtrabaho muna ako bilang assistant engr. ng isang senior site engr. Bago ako unti-unting na promote. Hanggang naging Senior Engr na din ako.” wika ni Ivo,
“Talaga ba bakit parang ang hirap paniwalaan? Si Randel Ivo Razon nag trabaho bilang assistant? Bakit mo naman ginawa yun? Anong gusto mong patunayan.” natatawang wika pa ni Violet.
“Gusto kong patunayan sa lola mo na hindi ako batugan at hindi ka nag kamali ng piliin mong maging asawa ko. Siguro nga naging biglaan ang kasal natin at aksidente lang ang lahat pero ng mahalin kita hindi aksidente yun, kusa ko yun naramdaman kaya patutunayan ko sa lola mo na mali siya.” tumawa naman muli si Violet na nag salin ng wine sa baso.
“Oh! Tapos?”
“Babawiin kita.” lalo pang tumawa si Violet na ininom ng deretso ang wine na medyo na paubo pa ng bahagyang masamid.
“Dahan-dahan naman kasi and mind you mataas ang alcohol content ng wine na yan tiyak lasing ka mamaya.”
“Bakit pag nalasing ba ako pag sasamantalahan mo ako? Pag sasawaan mo ulit ako? Pagkatapos ano sorry, ibang klase ka talaga!” iling ni Violet habang ng uuyam na ngumiti.
“Alam mong hindi ganun yun,”
“Ows! Talaga ba? Gusto mong paniwalaan ko ang statement na yan. Makinig ka and read my lips. Noon kahit gustong-gusto na kitang iwan dahil sa mga maraming bagay, hindi ko ginawa alam mo kung bakit? Dahil na niniwala ako sa matrimony of marriage. Ginusto kong maging asawa mo kaya kailangan kong panindigan. Ganun dapat dipa as long as hindi mo ako sinasaktan physically walang dahilan para sukuan kita.” huminga ng malalim si Vio na bumaba na ng upo sa sahig at sa mismong bote na siya uminom na pinigilan pa ni Ivo pero hindi pumayag si Violet na minura lang si Ivo.
“We are verbally abused, hanggang doon lang tayo away-away non-stop na away pero s*x-s*x …S*x walang katapusan na s*x sa tuwing mag-aaway tayo after that bati na ulit tayo. Ganun kababaw ang relationship natin noon. Ganun ka simple lahat na dadaan mo sa s*x ang galing mo kasi sa kama.”tumawa pa si Vio na umiiling.
“Bakit pakiramdam ko tingin mo sa akin minahal lang kita dahil sa s*x?” inis na tanong ni Ivo. Lumingon naman si Violet kay Ivo saka tumikwas ang sulok ng labi.
“Bakit hindi ba? Kaya ka naman talaga lumapit sa akin noon kasi you adore my body, you love my slender body. Hindi ka naman lalapit sa akin kung hindi ako sexy. Nagkataon na maganda at s*xy ako at hindi kita pinapansin noon kaya na challenge ka.”
“Ano naman akala mo sa akin f*ck boy?” galit na tanong ni Ivo.
“Bakit hindi ba?” balik tanong ni Vio.
“Hindi! Kapatid ka ni Blue na matalik kong kaibigan tingin mo ba papayag si Blue na pagnasaan kita ng ganun na lang. At ganun ba kababa ang tingin mo sa sarili mo. My God! Vio your more than that, hindi ka pang kama lang at hindi kita ginawang parausan. Masyado ka lang masarap kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko for wanting you every minute.” wika pa ni Ivo na parang na pu-frustate kung paano ipapaliwanag ang sarili ng hindi sila mag-aaway.
“Then why?” mahinang tanong ni Vio.
“Bakit hindi mo itanong sa lola mo?” napalingon naman si Violet kay Ivo sa sinabi nito.
“Yes, you heard it right! Itanong mo sa lola mo kung bakit napilitan akong panindigan ang desisyon ko na iwan ka. Akala mo ba gusto ko ang ginawa ko, No! Violet, dahil iyon ang pinaka maling desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko pero kinailangan kong gawin para sa’yo.” mariin na wika ni Ivo saka napamura ng mahina na ipinatong ang wine glass sa mesa na wala ng laman saka tumayo at nag palakad-lakad sa harapan ni Violet.
“I messed up bigtime, It was a mistake for f*cking you that day pero hindi ko mapigilan. At hindi ko na mabawi ang mga salitang binitawan ko dahil pag ginawa ko yun mas double ang sakit na mabibigay ko sa’yo.” marahas na bumuga ng hangin si Ivo saka lumingon kay Vio na nakatingin lang sa kanya ng tahimik.
“Hindi ako batugan, hindi ako na asa sa’yo. I am who I am, and I want to set you free from the world your lola built for you... a world that clipped your wings before you even learned to fly. I want you to be happy kasama ako, hindi para sirain ko ang pangarap mo. Gusto ko lang maranasan mo na maging malaya carefree at maging ordinaryong babae.”
“Tingin mo ba, by saying all those things, something will actually change?” tanong ni Violet na umiling.
“No, but at the very least, I want you to know that I loved you and you were never just a s*x slave to me." huminga naman ng malalim si Violet na tumungga ng alak sa bote.
“Past is past! Let’s forget everything—I’ve changed, and so have you. We’re divorce. I’ve heard your side of the story, and everything is clear to me now.” bumuga ng hangin si Violet saka inalis ang bara sa kanyang lalamunan.
“I want you back.” ani Ivo na tinawanan naman ni Violet na umiling.
“I don’t want to, I’m sorry. Like I said, the past is past. Let’s just forget everything that happened. And you… you’re part of the past I want to leave behind. If it’s not too much to ask, I hope that’s not a crime.” matatag na turan ni Violet.
“Violet.”
“Let’s keep it professional, Mr. Razon. You’re a stranger to me now—just my brother’s friend and an ex from the past. That’s all there is to it. Let’s not make this personal.” wika pa ni Vio na hindi na umimik pa at uminom na lang habang kinuha ang cellphone at nag dudutdot dun habang nakatingin na lang si Ivo na napabuga ng hangin na muling na upo sa sofa.
"Mag papa blood test saka ako bukas, kaso kinakabahan ako." wika naman ni Ivo na ikinahinto ni Violet sa pagdutdot ng cellphone at ikinalingon sa binata.
"Bakit ka naman kinakabahan?"
"Kasi baka malaman nilang ikaw ang type-__ko!"
"Matanda ka na Mr. Razon, kakadiri na ang pick-up line mo." iling na lang niVio.
"Yan ang akala mo... Naramdaman mo ba yung kaba ko?"
"Huh?" kunot noong tanong ni Vio.
"KABA-liwan ko sa'yo." wika pa ni Ivo na sinapo ang dibdib sabay kindat na ikinangiwi pa ni Violet pero deep inside gusto nyang mapangiti pinigilan na lang niya.
"He’s still the same Ivo I once knew—the same man who made my heart race and fall in love." bulong ni Violet sa isipan niya na muling tinungga ang bote ng wine.