“Agh! Hmmm sakit ng ulo ko ahhhhh.. anong nangyari?” nag-iinat na nasapo ni Violet ang ulo na kumikirot saka idinilat ang mata at itiningin sa paligid ng biglang manlaki ang mata ng makitang nasa magarang kuwarto siya. Agad na napatingin si Violet sa sarili sa ilalim ng kumot saka napamura ng mahina na nag papadyak sa kama na inilala ang nangyari kagabi habang kasama niya si Ivo.
“Are you going to make love with me, mester?” Natuptop ni Violet ang sasarili ng maalala ang sinabi niya kay Ivo. Siya pa talaga ang naka ibabaw sa dating asawa at nag hubad ng mga kasuotan niya habang ang walanghiya si Ivo ang dalawang index finger ay nakatutok sa kanya na parang cross. Pero ito naman siyang si Tanga inalis niya ang kamay ni Ivo at maharot niyang hinalikan ang labi ng dating asawa.
Gustong mapasigaw ni Violet sa sobrang buwisit sa sarili bakit ba niya iyon ginawa. Kainis naman talaga of all people pa talaga si Ivo pa, sana ibang lalaki na lang. Nag mamadali na bumangon at hinanap ang kanyang mga underwear kung nasaan dahil sa ala-ala niya siya ang nag hubad ng sariling kasuotan. Hindi lang niya maalala kung may naganap ba sa kanila ni Ivo na kahit anong alala niya hindi niya matandaan kung hanggang saan umabot ang kagagahan niya.
Buwisit ka naman talaga Janna Violet… of all people talaga ano ba naman yan… inis na wika pa ni Violet ng makita ang bra niya na nakasabit sa lampshade. Ang panty naman niya ay nasa kama lang natigilan siya sa pag ho-hook ng bra niya ng marinig ang pagkabuhay ng shower sa banyo. Oh my God! Nandun papala ang kumag na si Ivo naku talaga naman. Lalong binilisan ni Violet ang pag hahanap ng mga damit niya. Kailangan niyang maka-alis dahil hindi niya kakayanin na humarap dito na parang hindi niya na alala ang mga ginawa niya.
Madalas siyang makakalimutin, marami siyang bagay na nalilimutan pero bakit ang mga nangyari kagabi hindi niya malimutan. Sana man lang nalimutan na lang niya para naman hindi sobrang nakakahiya ang nararamdaman niya ngayon. Bakit ba kasi naubos niya ang dalawang boteng wine. Naalala pa niya na nakipag-agawan siya ng bote kay Ivo na ayaw pa nitong ibigay. Pero talagang ipinilit pa niya at talaga naman sinabunutan niya ito ng bongga.
“Kainis bakit ba ang guwapo-guwapo mo pa rin! Hindi ka ba tumatanda? Bakit parang hindi ka nagkaedad samantalang ako parang naging losyang ako.”
“Bakit mo kasi ako iniwan? Sabi ang mga babaeng laging na didiligan laging fresh… pero simula ng iwan mo ako wala ng dumilig sa akin kaya tuloy na lanta na ako ang sobra.. kainis ka naman kasi!”
“Haizt! Sh*t ka talaga! Janna Violet… sh*t!” napapasabunot na bulalas ni Vio habang iniintay ang pag bukas ng elevator saka nag mamadaling pumasok dun at nagulat pa siya ng mapagtanto na wala na pala siyang suot na contact lens at halos hindi na niya mabasa ang mga numero sa elevator kaya naman inilapit pa niya ang mukha sa mga number at tiningnan ang pipindutin bago nagulat ng makita ang reflection niya sa loob ng elevator ng magsarado na ang pinto.
“My god naman Violet!” inis na bulalas ni Vio na nag mamadaling kinuha ang wipes sa loob ng bag niya at nag mamadaling pinunasan ang mukha. Nag kalat ang lipstick niya ganun din ang mascara niya overall mukha siyang impakta. Ano na lang ang iisipin ni Ivo dahil sa ginawa at inasal niya kainis nanaman kasi bakit naman kasi ito pa ang dumating kagabi para iligtas siya.
-
-
-
-
-
“Nagkita na ba kayo ni Vio?” tanong ni Blue kay Ivo na nag mamop ng sahig sa loob ng coffee prince cafe’. Huminto naman sa pag ma-mop si Ivo na itinukod ang mop sa sahig saka itinukod ang baba sa tangkay ng mop habang naka patong ang dalawang kamay niya.
“Mukha ba akong manyak?” tanong pa ni Ivo sa mga kaibigan na naroon.
“Hindi naman pero mukha kang fu*kboy!” natatawang sagot ni Storm na nag aayos ng mga upuan.
“Wow! Coming from you talaga, hiyang-hiya naman ako sa’yo.”
“Bakit sinabi ba yun ni Vio sa’yo?” Tanong muli ni Blue, napa buga naman ng hangin si Ivo.
“Hindi ko akalain na ganun kababa ang tingin niya sa akin, hindi ko ba naiparamdam sa kanya na sincere ako. Na yung puso ko sa kanya lang talaga tumitibok.” wika pa ni Ivo na tinawanan ng mga kaibigan.
“Sabihin mo kasi sa kanya ng maayos ang reason mo at ipakita mo na hindi ka na tulad ng dati.” wika naman ni Doel.
“Na mas deserving mo na siya ngayon.” dugtong naman ni Ian.
“Sinabi ko na pero sabi niya past is past daw at wag namin balikan, kalimutan na lang daw namin lahat. Parte daw ako ng past niya na dapat ng kalimutan.” simangot pa ni Ivo na napapakamot ng tenga.
“Ang sakit naman! Kaya pa ba?” biro naman ni Storm.
“Pero hinalikan niya ako kagabi anong ibig sabihin nun?” tanong ni Ivo na tiningnan ang mga kaibigan isa-isa.
“May nangyari nanaman sa inyo?” bulalas naman tanong ni Blue sa kaibigan.
“Alis muna ako, kayo muna ang bahala rito, kailangan kong fresh air.” wika ni Ivo na basta na lang umalis.
“Hoy! Randell…” sigaw pa ni Blue na napalabas ng counter para sundan si Ivo na palabas na nag cafe’ pero pinigal na lang ni Ian na inakbayan ang kaibigan.
“Hayaan mo na, alam naman natin lahat na masama talaga ang tama ng nilalang na yan kay Violet noon pa man kaya ginawa niya ang lahat para ma approvahan siya ng Lola n’yo pero may sa mangkukulam ang lola mo aminin natin yun.” ani Doel,
“Sigurado naman ako na mahal din siya ni Violet.” tugon naman ni Blue.
“Kung ganun hayaan na lang natin si Ivo na dumeskarte, tiyak naman na kakayanin niya iyon. Si Ivo pa ba ang hopelessly romantic ng QC na handang gawin ang lahat para kay Ube.” wika naman ni Storm. Sumang-ayon naman si Ian at iba pa nilang kaibigan.
“May naisip akong paraan para matulungan natin sila na magkabalikan, game ba kayo?” biglang wika ni Ian na napangiti na ikinalingon naman ng lahat.
“Ano?”
“Gawin natin nasasakdal si Ivo at si Violet ang kukunin natin abogado.” ani Ian na tinawanan naman nilang lahat.
“Ano naman kaso?” tanong ni Blue.
“Edi rap*! Tutal ang dami naman gustong pikutin si Ivo kaya gamitin natin yun para magkalapit silang dalawa ulit dahil kung kilala ni Violet si Ivo hindi niya hahayaan na makulong si Ivo sa rap* case.” dugtong pa ni Ian, nagtanguan naman silang magkakaibigan na sumang-ayon.
“Sino naman ang kukunin natin rap* victim na papayag?” tanong naman ni Storm.
“Marami diyan basta the price is right.” sagot naman ni Doel.
“Siguraduhin n’yo lang na maayos n’yong magagawa itong plano mo Ian dahil patay ka talaga pag pumalpak. Tigok ka din sa asawa mo pag nagkataon.” wika pa ni Blue.
“Hindi yan kaya nga magtutulungan tayo diba.” wika pa ni Ian na kumpiyansa na sagot.
"Paano kung galit nga si Vio kay Ivo dahil sa pang-iiwan ni Ivo sa kanya."
"Mukha bang nasaktan si Vio ng iwan siya ni Ivo parang hindi naman saka diba sabi ni Ivo hinalikan daw siya ni Ube kagabi so ibig sabihin may something pa." napatango naman silang magkakaibigan.
"So game! Gawin na natin rap* suspect si Ivo, then kausapin mo si Violet na maging abogado ni Ivo." ani Ian kay Blue, na napatango na lang pero halatang nag dadalawang isip.
"Trust me! So kailangan natin humanap ngayon ng mag papanggap na victim." wika pa ni Ian.
"Kinakabahan ako sa plano mo, pakiramdam ko sa morgue ang deretso mo pag nalaman ni Tomas itong idea mo." iling ni Doel.