"Si Atty. Violet nasa loob ba siya?" tanong ni Ivo ng makasalubong si Claire na parang nabato balani ng makina ng malapitan si Ivo, ilang beses na niyang nakikita ang dating asawa ng amo niya pero sa tuwing makikita niya ito lagi pa rin siyang na s-startruck. "Hey! Are you okay?" tanong ni Ivo na ikinaway pa ang kamay sa harapan ng mukha nito. "Ahhh sorry po Sir, opo nasa loob po si Atty." turo pa ni Claire sa saradong pinto. "Puwede ba akong pumasok may dala kasi akong lunch para sa kanya." agad naman umalis sa pinto si Claire. "Salamat! Ms. Beautiful." puri pa ni Ivo sabay kindat dito saka pumasok na sa loob ng office ni Violet. "Goodafternoon meses, nag dala ako ng lunch para sa'yo." bungad ni Ivo kay Violet na busy na busy sa mga papers na halos mapuno na ng mga files ang ibabaw n

