Napadilat ng mata si Violet ng maramdaman na hindi lumapat ang kamay ng general sa mukha niya kaya napatingin siyang muli rito. Naka kuyom ang isang kamao nito sa ere na halatang nag pipigil lang kitang-kita ang nag-aapoy na galit sa mga mata nito habang nakatingin din sa kanya. Matatag naman siyang tumayo ng deretso at taas noong humarap sa ama ni Charize, normal na reaction lang ng isang amang na sasaktan sa pagkamatay ng anak ang nakikita niya sa matandang general kaya hindi niya kailangan na matakot and beside malinis ang konsensya niya kaya bakit siya uurong matatakot. "You murdered my daughter. What kind of monster are you? Hiding behind the law like a coward!" mariin na wika ng general na ibinaba na ang kamay pero naka turo naman ang index finger nito sa mukha niya na kulang nalang

