"Grabe, ang tagal na natin 'di nakalabas ng ganito. Akala ko sa court ka na talaga titira masyado kang dedicated sa work mo, so kumust? You won the case, grabe yung napanood ko sa new ibang klase lumaro ang kalaban mo buti na lang Blue is really one hell of a lawyer." napabuga naman na ngumiti si Violet na tumingin sa isang grupo na tumutugtog ng isang jazz music. Nasa isang fine dining restaurant sila ni Alodia kasama nito ang asawa kanina pero saglit itong nag excuse dahil may kakausapin lang daw sa phone kaya umalis muna sandali kaya sila na lang ang naiwan. "Sinabi mo pa, akala ko madidiin talaga ako sa kaso na yun buti na lang talaga pumanig sa amin ang langit." "Yes! But let me ask you something medyo bother kasi ako sa nabalitaan ko kay Kuya Doel na inihahanap mo si Kuya Ivo ng

