"Claire’s testimony... was too clean." usal bigla ni Violet habang naka-upo si Violet sa tabi ng bintana at naka tanaw sa labas na ikinalingon sa kanya ng pamilya niya na sakay ng van na pauwi na sa kanila. "Clean is good, Vio. It matched the recovered audio. It cleared your name." tugon naman ni Blue na nakatingin sa kapatid na hindi naman lumingon na nanatiling nakatingin sa labas. "I know. But that’s exactly what’s bothering me." tugon pa ni Violet sabay buga ng hangin saka lumingon sa pamilya niya na para nagulat pa si Violet ng makita ang buong pamilya niyang naroon. Halata naman nag-alala ang mga ito ng makita ang pag ka confuse ng mukha sandali ni Violet na ipinilig ang ulo saka ngumiti na lang ng bahagya. Hinanap ng mata niya si Ivo na marahil bumukod ito ng sasakyan kasama si

