"Grabe babae ba nakatira dito?" tanong ni Railey ng pumasok sila sa unit ni Violet ng puntahan nila iyon para mag hanap ng proof na baka puwedeng makatulong sa kaso ng dating asawa. "Hindi na siya nakapag linis Pa, dahil sa nangyari dinampot na agad siya ng pulis." katwiran naman ni Ivo na isa-isang dinampot ang kalat sa sahig ang sapatos na hinubad ni Violet at ang coat nitong malaman na inihagis siguro nito sa sandalan ng sofa kaso nahulog naman. "Saka na aksidente po siya ng araw na yun." ani Ivo na napasunod sa ama ng pumasok ito sa silid ni Violet at tinungo ang office table ni Violet na nasa loob na din ng kuwarto. Napatingin naman si Ivo sa kama kung saan noon madalas may masarap na sagupaan na nangyayari. "Parang mas ikaw ang gusto niyang patayin kesa kay Charize." wika ng ama

