After ng ilang minutes muli na silang bumalik sa korte para ituloy ang hearing mas lalo ng tumaas ang kumpiyansa ni Blue na mailalabas na niya ang kapatid niya at wala ng magagawa ang mga ito sa hawak nilang mga ebidensya na hindi inaasahan ng mga ito. Muling tahimik ang buong courtroom habang tinatawag ni Blue ang forensic analyst sa witness stand. Hawak ni Atty. Blue Chua ang folder na naglalaman ng official results ng crime lab. "Please state your name and your credentials for the record." utos ni Blue sa babaeng nasa witness stand para manumpa. "Forensic Specialist Sara Reyes, PNP Crime Laboratory – 12 years of experience in DNA and fingerprint analysis." pakilala nito sa korte saka nanumpa ng lahat ng sasabihin nito ay pawang katotohanan lang. "Did you personally examine the suspe

