Lumalabas na si Violet sa korte, palibhasa ay pansamantalang malaya na. Nakasuot siya ng dark sunglasses, tahimik lang habang tinatabihan ng kapatid niyang si Blue kasama ang parents niya. May mga taong kinuha ang ama na haharang sa mga reporter na naka-abang sa labas na gustong makakuha ng scoop na pang headline lalo na ngayon temporarily na naka laya na si Violet. Ngunit hindi nila alam—mula sa loob ng isang sasakyan na may heavily tinted windows—may isang tao na tahimik na nagmamasid sa kanila. Nakangiti na pinapanood habang nag kakagulo ang mga reporter na makakuha ng scoop. Makikita ang kamay ng tao na may hawak na high-end surveillance camera. Naka-zoom in ito sa mukha ni Violet. Sa tabi niya ay maraming larawan—mga printed na photos ni Violet, Blue, maging ang judge at mga witness

