Nakatingin si Violet sa baso ng tubig na hiningi sa assistant ng doctor na kasama ng kuya niya sa loob ng clinic, hindi na siya sumama sa loob. Ayaw niyang marinig ang resulta ng test na ginawa sa kanya, na iirita siya sa kuya niya oo aminado siyang nagiging makakalimutin siya lately pero tingin naman niya wala naman siyang sakit. Hindi ba normal na maging makakalimutin lalo na kapag marami ka na talagang iniisip. Napaka OA lang ng kuya niya although na iintindihan naman niya ang point nito nag-aalala lang ito sa kanya dahil ilang araw din siyang nakulong dahil sa isang kasong wala naman siyang kinalaman. May mga times na oo natutulala siya at hindi niya alam kung anong iniisip niya pero alam niya nakatulala talaga siya hindi lang niya maalala kung ano nga ba ang iniisip niya bakit siya na

