"Hey! Are you okay?" tanong ni Ivo na puno ng pag-alala ng magdilat ng mata si Violet at napatingin sa paligid. "Where am I?" tanong pa ng dalaga na sinapo ang ulo na kumikirot. "Nasa emergency room ng hospital." hinaplos naman ni Ivo ang buhok niya na hinalikan pa siya sa noon, sakto naman na lumapit ang isang doctor. "Mr. Razon, we’ve stabilized her. CT scan shows no internal bleeding, but she suffered a blunt force trauma to the head. But she’s still under observation." turan ng doctor na muling tiningnan muna ang dalaga. "Is she going to be okay?" tanong naman ni Ivo. "Physically, yes. She needs rest, we suspect she may have hit her head against broken glass from a shattered table, possible accident. We’re monitoring her for any signs of concussion." sagot pa ng doctor, nabanggit

