Napapangiti naman ang isang nilalang habang may subo-subong lollipop sa loob ng isang cyber shop at busy na nag lalaro ng isang online game. Hindi siya makapaniwala na ang isang magaling at matapang na abogado na kinatatakutan ng kapwa nito abogado ay napaka daling na trauma. Nagawa agad nitong makalimot na marahil dahil sa nangyari kay Atty. Charize Señerez, perfect crime na sana ang ginawa niya kaso malas lang ni Atty. Violet Chua bigla itong sumulpot sa scene. Hindi naman ito kasama sa scene, ang gusto lang naman niya ay malaman kung gaano kagaling mag manipula ng batas ang isang Nelson Señerez. Ang tagal niyang pinag planuhan ang lahat ilang taon ang ginugol niya para lang paghandaan ang isang perfect crime. Ginaya pa talaga niya ang isang pelikula na napanood niya para lang maging m

