Nasa receiving area si Claire, isang intern na abogado na inutusan ni Violet na humarap sa bagong client na gustong kunin ang serbisyo niya para sa kasong gusto nitong isampang r*pe case ‘di umano sa ex-boyfriend nito. Marami pa siyang ginagawa kaya si Claire ang inutusan niyang humarap dito at siya naman ay lumabas muna para bumili ng sariling inumin. Nasakit ang ulo niya sa kasong binabasa niya kaya kailangan muna niya lumanghap ng polluted air ng Metro Manila. Kaya ibinilin na lang niya si Claire sa assistant niyang dalawa na naroon sa mismong office niya bago tuluyan na lumabas. Hectic ang schedule niya para sa araw na ito at sa mga susunod pang mga araw kaya sobrang busy talaga sila kaya naman tumanggap na siya ng intern na tutulong sa kanila na padaliin ang ilang trabaho nilang hawak

