“Ano? Rapist sino?” napatayo si Railey mula paglilinis ng inidoro sa loob ng banyo nila ng pumasok ang isang anak na lalaki at sabihin na dinampot daw ang kuya nito sa power plant ng mga pulis dahil daw sa kasong rap* na isinampa rito. “Si Kuya Ivo, nang rap* ng ex niya?” parang nang-iinit ang punong tenga ni Railey sa naririnig. “Ulitin mo dahan-dahan yung slowmotion from the top.” utos ni Railey sa anak na si Juan Miguel a.k.a Onemig. “Si Violet sinampahan ng kaso si Kuya Ivo ng rape.” “So tama nga ang dinig ko, nang rape ang Kuya Ivo mo kaya dinampot siya ng pulis.” “Yes, Dad!” “Ang ni-rape ng kuya mo ay EX niya tama?” “Yes, Dad!” “Kaya sinampahan siya ng kaso ni Ube ng rape tama?” “Yes, Dad.” “So, sa madaling salita ni-rape ng kuya mo si Ube kaya ngayon dinampot siya ng m

