Chapter Four

2711 Words
I was enjoying eating my lunch in our dining room when I saw nanay Anna crying. "What happened to you Nanay? Why are you crying?" I asked. Nagbaba siya ng tingin at parang ayaw magsalita. I saw her left cheek a bit red, parang may bakat pa ng mga daliri. Napatiim bagang ako, mukang alam ko na ang nangyari, I mean sinong may kagagawan nito. "Wala 'to, Yumi anak," hindi siya makatingin ng diretsiyo sa mga mata ko. Talaga ngang may tinatago ito. Ibinaba ko ang hawak kong kubyertos at saka mataman ko siyang pinagmasdan. "Sasabihin niyo po ba sa akin o ako na po ang bahalang magtatanong sa mga nakakaalam kung anong nangyari sa inyo?" Hinaplos niya ang kaniyang pisngi. Her face turns pale, halatang kinabahan siya. She knew me. "A-anak, ayos lang naman ako, kasalanan ko rin naman," aniya sa akin. Pero hindi ako naniniwala hindi ko mapapalampas ito. "Why did you let her hurt you?" "Hayaan mo na anak," halatang pilit ang ngiti niya. Napapikit ako at napakamot sa aking kilay. Naiinis ako dahil, Nanay Anna is one of our longest servants since I was 10 years old and I can't accept the fact that some b***h mistreat her. She is already 50 years old for God's sake! Tumayo ako ng walang pagdadahan-dahan kaya napaurong ng malakas ang silyang inuupuan ko na naglikha ng ingay. Napaatras din sa gulat si Nanay Anna. Naglakad ako pero naka ilang hakbang pa lang ako ay pinigilan na ako ni nanay Anna. "Anak, utang na loob. Hayaan mo na, okay lang naman sa akin," makaawa nito sa akin. Nilingon ko siya na naniningkit ang mata. "No! She hurt you. Hindi ako makakapayag!" umiiling kong sabi. I went inside the house and ask where my father's mistress was. Siya lang naman ang kaaway ng lahat dito sa bahay. "Nasa garden po," Sagot nila sa akin. I didn't wait for them to follow me, tinungo ko ang garden. And there is the culprit, nakaupo ito sa gazebo habang abala sa pagbabasa ng Chanel magazine. Naglakad ako palapit sa kinaroroonan niya. "Oh. Hi, Yumi," nakangiting bati niya sa akin. Napakaplastic ng gaga! "Why did you hurt Nanay Anna?" diretsiyahang tanong ko sa kaniya. "Ah, 'yon ba? Sabi ko kasi i-handwash ang damit pero ihinalo niya sa iba pang labahin. Ang mahal-mahal pa naman ng Hermes t-shirt na 'yon," she said exaggeratedly. Kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng 'to. Gusto kong isungalngal sa kaniya ang sinasabi nitong damit. "And why did you asked her to washed it? It's not even her job!" napataas na ako ng boses. I can't stand her presence. "Anak, hayaan mo na," awat ni Nanay Anna sa akin na nasa likuran ko lang. She is holding my left arm while trying to drag me away from Magnolia. Tiningnan ko lang siya at ibinalik ang tingin kay Magnolia the mistress. I called her that all the time dahil totoo naman. My dad can't marry her because my parents are not yet divorce. "'Naman pala? Di sana ay sinabi niya ng hindi nasira ang damit ko," maarte niyang sabi. Naningkit ang mga mata ko sa mga sinabi niya. "So, are you saying that it's her fault?" Nagngingitngit kong tanong. "Yes," tugon niya. "Really?" I ask her with my sarcastic voice. Nahagip ng mata ko ang juice na nakapatong sa mesa, kinuha ko 'yon. Napatingin siya sa akin at pekeng nginitian, siya namang sinabayan ko ng saboy ang hawak kong juice sa muka niya. You deserved that bitch... Nabigla siya at napatayo dahil sa ginawa ko. "O-oh my God!" Tili niya. Natawa naman ako sa itsura niya. Para siyang trying hard na magpakasusyal kahit nabasa na. Agad niyang dinampot ang table napkin at pinunasan ang kanyang muka. "Ano bang problema mo, Yumi?!" Bulyaw niya na mas nagpainit pa sa ulo ko. "Don't shout at me! And stop calling me that name! We are not close." sabi ko. "I will surely tell this to your Dad," banta niya sa akin. A creepy smile flashed on my lips. "Go ahead... Should I be scared?" Galit na galit niyang tinapunan ng tingin si Nanay Anna at dinuro. "Kung hindi ba naman kasi tanga tang--" I didn't let her finish her sentence. I don't like the way she points her fingers at nanay. I grabbed her hair and pull her to the poolside. Nagpupumiglas siya pero hindi ko siya binitiwan, ang mga ate ko naman ay pilit akong inaawat habang ang mga reaksiyon nila ay nag-aalala. " ty chertovski der'mo!" I can't help myself to cursed in Russian. "Bitiwan mo ako!" nagpupumiglas niyang sabi. Kinaladkad ko pa rin siya kahit panay ang awat sa akin. "Anak, tama na." si nanay Anna na pilit akong pinipigilan. Naroon din sila Ate Sally, Mercy at Aimee sa aking daraanan. "Out of my way!" bulyaw ko sa kanila. Takot silang nagsitabi at hinayaan ako. Matagal na rin naman akong nagtitimpi sa babaeng ito kaya dapat lang sa kaniya ang gagawin ko. "Patigilin niyo siya, Sally! Yumi! Nasasaktan ako!" sigaw niya. I don't care wala akong pakialam kahit maubos pa lahat ng buhok niya o mapuno siya ng bangas sa buong katawan. "Ikaw na babae ka. Matutu kang lumugar at huwag mong sasaktan ang sino man sa mga tao dito!" Aniko habang kinakaladkad siya ng dalawa kong kamay. Pilit niya akong pinipigilan pero wala siyang magagawa dahil hamak na mas malaki at malakas ako sa kaniya. "Senyorita. Maghunos dili ka. Parating na ang daddy mo," nag-aalalang paalala ni Ate Mercy sa akin. Sa halip na tumigil ako ay mas hinigpitan ko pa ang hawak sa buhok ni Magnolia namimilipit na ito sa sakit pero wala man lang akong maramdaman ni katiting na awa. Dinala ko siya sa pool at walang pag aalinlangan na itinulak siya. I saw how she panic, para siyang puno ng saging nang bumagsak ito sa tubig. Nagkukumahog siya at pilit inaangat ang katawan para makahinga. I know she can not swim. Ang mga ate ko ay hindi na rin magkamayaw, all of them are worried. "Diyos ko pong mahabagin!" It's nanay Anna ng makita si Magnolia na nasa tubig na mukang nawawalan na ng lakas at hangin. Panay ang kawag nito, sigurado ako na marami na siyang nainom na tubig. "Help! Yu.mi--" hinging tulong nito. Namewang pa ako at pinanood lang siya. "Senyorita... baka mapano si Ma'am Magnolia!" Ate Mercy said with her teary eyes. Sinenyasan ko sila. "Walang tutulong! Hayaan niyo siyang malunod," bulyaw ko sa kanila ng makita ko silang gustong tumalon para saklolohan ito. Napatingin sila sa akin sa hindi makaniwalang ekspresyon. Iyon ang tagpong inabutan ng dad at ni Morris. Hindi alintana ni dad na mabasa ang suot nitong americana at mamahaling sapatos. Kaagad na tumalon ang dad sa tubig at dinaluhan ang babae niya, niyakap niya ito sa bewang at hinila sa gilid ng pool. I saw my dads face, he is worried. Tinulungan ni Morris na maiahon ng daddy si Magnolia, naiinis ako dahil muka pang nag aalala si daddy. At ang babaeng hitad ay nag iinarte pa. Tuluyan kita diyan e! Dad gazed at me with disbelief. "Are you okay, Magnolia!?" tanong niya sa nakahiga at paubo-ubong si Magnolia. "C-conrad p-papatayin a-ako ng a-anak mo," umaarteng sumbong ng hitad kay dad. Niyakap pa niya ang dad, I just rolled my eyes and look at her. Binuhat ni dad ang hitad papasok ng bahay, I hate the way my father giving her attention. "Mercy!" tawag ni dad habang papasok. "Sir?!" pahabol sa sunod ni ate Mercy. I'm just watching them without any reaction. Im not scared of my father's wrath. "Get ready the hot bath for Magnolia, Anna! you come with us." rinig kong mando ni Dad. Sunod sunod na pumasok sila Nanay Anna at ate Mercy. "Baka gusto mo rin sumunod sa loob ate Sally?" Sarkastikang tanong ko ng makitang nakatulala si ate Sally. "Ah... Opo, senyorita..." tugon nito at pumasok na sa loob ng bahay. Naiwan akong nakatayo sa poolside ng ilang sandali, ang akala ko ay mag-isa na lang ako dahil pumasok na si ate Sally kanina yun pala ay mali ako. Morris is just behind me a few inches away from me. "What do you think your doing Yumiko?" may diin nitong tanong sa akin. Napabuga ako ng hangin at Inirapan ko siya dahil naiinis din ako sa kanya, lagi na lang siyang nakikialam sa buhay ko. Hindi ko naman siya kaano-ano. "Doing what?" patay malisya kung tanong. Nakapamulsa ang dalawa niyang kamay sa kaniyang bulsa. " Stop playing innocent Yumi, you know what I'm talking about. What you did is not right, you almost killed her, " paninita niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at sinalubong ko ang mga tingin niya, hindi ako magpapatalo sa kanya. "I'm not playing innocent, and she deserved it." "Deserved? Do you hear yourself? Your getting worse." "Oh. Yeah!? You judge me without knowing what really happened? Your unfair." "Then tell me what happened," aniya at lumapit sa akin. Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang papalapit siya sa akin, tumigil siya sa mismong harapan ko. Matangkad siya sa akin, I'm 5'6 and his 6'3 kaya napatingala na lang ako sa kanya. "For what? You already judged me. And stopped scolding me, you're not my dad!" Inis kong sita sa kanya. Yumuko siya ng bahagya para maglapit ang muka namin. "I'm not, I just want you to understand that what you did was wrong. What will happen to you if she dies? You probably go to jail!" Galit niyang sabi. Nalanghap ko pa ang mainit at mabango niyang hininga, pero hindi puwede ito. Nang uuyam ang kanyang mga mata. Sobrang lapit niya sa akin na halos maghalikan na kami. Bigla akong pinagpawisan at napalunok ng wala sa oras. Kaya umatras ako ng bahagya, nababahala ako dahil iba ang tinatakbo ng isip at damdamin ko while staring at his handsome face. "Honestly, i don't give a F*CK! That will be fun," Nakatingala kong sagot sa kanya. Napailing siya. "Don't use that words to me, Yumi. I'm still older than you. And its not suitable for a young lady like you to talk that way." paalala niya sa akin. Ano naman pakialam ko? Your are just my dad business partner who happens to be my dad's appointed as my guardian. "Wala kang paki!" inis kong tugon. Tatalikod na sana ako ng haklitin niya ako sa braso pabalik sa kaniya. "One more rude word and I'm going to punish that sweet mouth of yours," mahinang banta niya sa akin. Tinitigan niya ako sa mata pababa sa aking mga labi. Sheete! Naalala ko na naman ang naganap sa loob ng kotse niya. Nag-init ang aking muka sa sinabi niya. "Get your hands of me. Go inside and help my dad with that blyat!" "Stop being rude Constancia." He said in warning tone. Tinaasan ko siya ng kilay at sinamaan ng tingin. "Rude? if you don't want me to be rude. Just. leave. me. alone!" pagtataray ko sa kanya. I hate people being manipulative. Frustration is visible on his handsome face. I know I'm rude, but this is me. I can't change who I am, if they hate me, then not my problem anymore. Hindi pa rin siya umalis sa harapan ko, matigas din ang ulo nitong tulad ko. Kung ayaw mong umalis di ako na lang mag-adjust. I walked away from him. "Where are you going?" tanong niya. I gave him a last peek. Nakapamewang na siya ngayon. "None of your business, kuya--" sagot ko na diniinan ang salitang kuya. Pagkatapos non ay saka walang lingon ko siyang iniwan. Mabuti na lang at hindi na siya sumunod. Pumasok ako sa bahay at kinuha ang aking mga gamit. Hindi ko na binalikan ang naiwan kong tanghalian. Maybe I can go somewhere else to eat. I took my keys from the key bowl and drive my car out of our compound. Maybe I can go to kuya Jawo kainan at tatambay na rin. Alam ko naman na masisira ang araw ko kapag mag-stay ako sa bahay. I called my friends and as usual they are all busy. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Puro sila aral, ayaw man lang mag-relax. Masyado silang seryoso sa buhay. Sa daan ay walang gaanong traffic kaya mabilis lang ako nakarating sa pwesto nila kuya Jawo. Mabuti na lang at may bakanteng paradahan kaya naka pag-park ako kaagad. Dala ang maliit kong black pouch at cellphone ay bumama na ako. Katulad ng madalas ay maraming tao. People are looking at me with amazement on their face. Hindi na ako magtataka dahil hindi na ako nag-abalang magbihis kanina, I'm in my pambahay get up. Black Havaiana's slim flip flops, black denim short-shorts, and white loose t-shirts. Pumasok na lang ako ng basta sa kainan at humila ng upuan sa may bakanteng mesa. Kinawayan ako ni kuya Jawo ng makita ako. Lumapit ito sa akin at naupo sa silyang nasa harap ko. "Oh. Anong atin? Itatanong mo na ba kung anong menu natin sa party mo?" tanong niya habang nakangiti. "No. May tiwala naman ako sa'yo kuya. Alam ko naman na hindi na kita need i-brief." Iginala ko ang aking mata, kinawayan at binati ako ni ate May na asawa ni kuya Jawo ng makita din ako. Nakaupo ito sa loob ng counter. "Salamat naman. So anong atin?" "I'm hungry," aniko. Natawa ito na parang hindi naniniwala. "Okay... Ano gusto mong pagkain? Ipapahanda ko sa ate mo." "May kanin at gintaan pa kayo kuya?" "Meron pa yata, sandali titingnan ko. Ano pa ba gusto mo?" "Kahit ano huwag lang matinik kuya," tugon ko. "Okay... sige. Upo ka muna dito. hu!" Tumayo ito at umalis muna, lumapit ito sa counter para tignan pa ang mga ulam na available sila. Hindi ko maiwasang igala ang paningin ko habang naghihintay. Napako ang atensiyon ko sa isang mesa. Naroon ang masayang pamilya na kumakain. Apat sila, ang mag-asawa at dalawang babaeng anak na sa tingin ko ay nasa 9 at 6 years old. Bigla akong nakaramdam ng inggit. Muka lang silang mga ordinaryong tao base sa mga kasuotan nila pero hindi doon nakuha ang atensiyon ko kundi ang mga ngiti at galak ng mga ito sa muka ay tunay. Tahimik ko silang inobserbahan. "Papa. Sana sa susunod ulit na birthday ko kakain tayo ulit dito, hu!? O kaya sa jolibee naman po," anang bata. Birthday pa pala ng bata. "Oo anak. Basta kapag may pera na ulit tayo. 'Di ba, mahal?" sabi ng ama at hinawakan pa sa kamay ang nakangiti nitong asawa. napangiti ako ng hindi ko namamalayan. Nawala ang atensiyon ko sa kabilang mesa ng ilapag ni kuya Jawo ang tray na may laman na pagkain. "Kumain ka na." Binistahan ko ang mga nasa harap ko. Umuusok pa ang kanin at mga ulam. Mukang pinainit pa ito. "Thank you kuya." "Maliit na bagay. Sige, kumain ka na." Tinilungan ko siyang ilagay sa mesa ang mga pagkain. "Kuya upo ka muna dito." Hindi naman nag-atubili si kuya Jawo. Umupo muli ito sa silya. "Do you know them?" tanong ko at bahagyang lumingon sa pamilyang nasa kabilang mesa. Ngumiti si kuya bago sumagot. "Oo. Si kuya Jessie 'yan at ang pamilya niya. Runner namin 'yan dito." "Runner niyo lang? No permanent work?" tanong ko. Inumpisahan ko ng kainin ang mga pagkaing nakahain. "Dati siyang sweeper ng Munisipyo pero natanggal tapos pumasok na construction worker, day off niya raw ngayon dahil birthday ng anak niya." Napatango naman ako habang ngumunguya. "Masipag 'yan, matanda na pero panay pa rin ang kayod para sa mga anak. Naawa nga ako dahil limang daan lang daw ang budget sa treat niya sa pamilya niya kaya dito na lang sila kumain." Bahagya naman akong natigil sa pag-nguya at napatingin ulit sa gawi ng pamilya. Masaya pa ring nag-uusap ang mga ito na animoy walang problema. Naantig ako sa kwento ni kuya Jawo about this kuya Jessie and I want to do something to make them happy. Bahagya akong dumukwang palapit kay kuya Jawo para bumulong. "Kuya. Can you do me a favour?" "Sure! Ano 'yon?" Sinabi ko sa kaniya ang nais ko. I just hand him my black card so he can use it to buy what I'm asking for this family.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD