Katatapos ko lang maligo nang bumaba ako sa aming sala at para magtungo sa dining room para sa aking agahan. Today is Sunday and I'm planning to go out with my friends if they are not busy. Pero kung busy sila ay sa mga kuya na lang ako tatambay at sa hapon ay tutulungan ko na lang si nana Conching.
Naabutan ko si Dad at ang asawa nitong nasa hapag na at kumakain. Binati ko lang ang dad ko not his pretender and annoying Mistress. I kissed my dad's cheeks at saka na naupo sa upuang nasa left side niya.
"Good morning malyshka, how's your feeling?" ani dad. Kagabi kasi ay hindi ako lumabas ng kwarto para mag-dinner dahil kasabay nilang kumain si Morris. Iniiwasan ko pa naman siya dahil sa nangyari sa loob ng kotse niya last week.
"I'm feeling better now dad. Thanks for asking," aniko at saka naghintay na lapitan ng isa sa aming mga kasama sa bahay upang tanungin ang breakfast ko. Minsan kasi ay ayoko ng mga pagkaing nakahain sa mesa kaya nagpapaluto ako ng iba.
"Magandang umaga po, ano pong gusto niyong breakfast."
Nilingon ko si Aimee. "Good morning, ate. Do we have grenki?"
"Opo, meron po.."
"Ok. Make two for me and my usual sunny side up," she knows what i want kung sinabi kong usual. I want my sunny side up with a little bit of salt and pepper on the top.
I took a glance with my dad and his mistress.
Tahimik lang naman si dad pero ayoko ng tingin ng babaeng ito hindi ko talaga maiwasang mainis sa asawa ng dad ko. I don't know why pero sobrang init ng dugo ko sa kaniya.
"Sige po. Coffee or tea po?"
"English breakfast tea, please. Thank you," tugon ko at muling ibinalik ang tingin sa mesa at naghintay. Umalis na si Ate Aimee.
Pinagmasdan ko kung paano pakainin ni Magnolia si Austin. Halatang nagpapaka-trying hard lang itong maging isang ulirang ina. Napairap na lang ako at saka kinuha ang isang basong tubig sa harap ko para uminom.
"Malyshka, your 18th birthday is three weeks from now. I already asked Asunta to contact the planner for your birthday party, is there anything you want?" nakangiting sabi ni dad.
I put the glass on the table and look at him. Imbes na sagutin ko siya ay nagtanong ako pabalik. "How much it cost, dad?"
"Of what, malyshka?" takang tanong ni dad.
"Dad... We are talking about my birthday, right? I'm asking how much it cost."
Napangiti si dad, nakuha na nito ang tanong ko. "It's your 18th birthday so it's grand. I think including your gowns, venue, foods and your souvenirs around..." Napatingin siya kay Magnolia na parang nagtatanong kung magkano.
Sumimgit naman ito. "I think 5 to 6 million pesos."
Natawa ako sa sinabi ni dad at Magnolia. Gagastos kami ng ganon kalaki para lang sa birthday ko? Habang maraming tao ang nagugutom? No way! Hindi ako 'yung tipo ng babaeng matutuwa na gumastos para lang sa isang bonggang birthday.
"That much?" Aniko. Hindi sa kwini-kwestiyon ko ang kakayahan ni dad dahil marami naman itong pera pero ayoko.
"Yes, malyshka. Of course, it's your 18th birthday. I want to be extravagant. Money is not a problem. We can spend more than that amount," mayabang na sabi ni dad.
Napailing na lang ako. "Can you do me a favour, dad?"
"Yes. What is it?"
"I don't want to have a party. Can you just give me the money that you are going to spend on my birthday celebration?"
Napamaang si dad sa sinabi ko. Mukang hindi nito inaasahan 'yon.
"But, nakausap na ng papa mo ang organisers Cons," singit ni Magnolia. Eto ang pinakaaway ko, ang pinapakialaman ako sa mga gusto ko kaya tinignan ko siya ng masama.
"Did I ask your opinion?" Hindi ko mapigilang itanong. No one can do that to me.
Napayuko naman ito, umaarte na namang kawawa sa harap ng daddy ko. Gusto ko siyang tirisin at itapon sa labas sa galing niyang umarte. Aping-api ang peg ng hitad.
"Okay. Okay. Malyshka, Dad will give it to you. But, still. I will organise a party for you. Please, just let me do it for you. This is only happens once in your life time."
Ano pa magagawa ko? "Okay. Dad."
Hindi nagtagal ay lumapit na si ate Aimee para ihatid ang aking breakfast. Kumain lang ako at hinayaan si dad at Magnolia and ignore their presence.
Mabilis lang akong kumain kaya nagtaka si dad nang humigop na ako sa aking tea at saka tumayo na para sana umalis.
"Are you done? You didn't even finish your food, honey,"
Napatingin ako sa aking Plato at may isa pa ngang grenkin, I know it's bad not to finish your food pero busog na ako kaya hindi ko na kinain.
"Busog na ako, dad. And I'm in a hurry I need to go somewhere else."
"Is that so? Do you want me to ask the driver to--"
"No. thanks, dad. I can manage. By the way, I need the money today." Napatingin si dad sa akin ngumiti ito at tumango.
"Sure, honey. I will give you the blank cheque just put the amount you need. Okay?"
Natuwa ako sa sinabi ni dad, nilapitan ko siya at hinagkan sa pisngi. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa ulo. Hindi naman sadyang napadako ang tingin ko kay Magnolia na pasimpleng sumimangot. Wala naman akong pakialam sa kaniya I'm sure naiinggit na naman ito.
After talking to my dad I go straight to my room and change. I need to talk to my kuya-kuyahan, may naisip na akong idea kung saan ko gagamitin ang pera na ibibigay ni dad.
Mabilis lang akong nagbihis dahil black Ramones T-shirt, ripped jeans at converse shoes lang naman ang get up ko.
Dala ang maliit kong knapsack na naglalaman ng aking cellphone at wallet ay bumaba na ako sa aming sala para magpaalam kay dad.
Naabutan ko siya sa sala at mukang paalis din dahil nakabihis na ito. Kasama nito ang atrabida niyang asawa.
Napangiti si dad ng makita ako. "Are you leaving as well?"
"Yes, dad. I thought it's your holiday, where are you going?"
"We are going to Tagaytay. You wanna come with us?"
Umiling ako at saka bahagyang ngumiti. "No, dad. Kayo na lang."
"Okay. By the way here is the cheque, I signed it already so you can put the amount you want." And he hand me the cheque. Tinanggap ko naman 'yon at saka ko hinalikan sa pinsngi ang dad sabay irap kay Magnolia.
Umirap din ito sa akin pero hindi naman ako apektado. I can easily get rid of her if only I want. Hahayaan ko muna siyang matamasa ang magandang buhay huwag lang siyang gagawa ng ikakasama ng daddy ko.
"Thanks, dad. You are the best!" Matapos kong yakapin si dad ay nagpaalam na akong aalis. Habang palabas ng bahay ay inilagay ko sa aking bag ang cheque at kinuha ko rin ang aking cellphone para
i-message sina Ady at iba pa.
Nag-type ako ng message sa aming GC.
Me: Guys. Are you free today?
Ilang sigundo lang ay nag-seen na ang tatlo kong kaibigan.
Sab: Sorry, Con's. We're having a family bonding today.
Aze: Me too. My dad is not feeling well I need to look after him.
Ady: I'm busy today Con's. We're sorry.
Napasimangot lang ako sa mga reply ng mga ito. But I understand them. Pupunta na lang ako sa aking mga kuya.
Pagkalabas ko ng bahay sa halip na sa garahe ako pumunta ay dumeretsiyo ako sa malaki naming gate, nakita ko agad ang aming dalawang security guard na nakaupo sa kanilang post. Tumayo ang mga ito ng makita ako habang papalapit sa kanila.
"Magandang umaga po, Ma'am." bati nila sa akin.
"Good morning mga kuya. Kuya Poy, patawag naman ako ng taxi," ani ko.
"Ayaw niyo po bang magpahatid sa mga driver niyo Ma'am?"
Umiling ako. "No, kuya. Taxi na lang ako."
"Sige, ho. Tawag lang po ako."
"Okay. nga pala kuya Bert, may barya ka ba diyan? Papalit ako ng isang libo." Binuksan ko muli ang aking bag para ilabas ang aking wallet.
Inilabas nito ang pitaka nito at binuklat 'yon. "Wala po ma'am. LImang daan lang po ang pera ko," sagot nito.
"Oka na 'yan kuya, akin na 500 mo. Palit tayo nitong pera ko," sabi ko sabay abot sa kaniya ng 1000 bill.
"Ho?" alanganing tanong nito.
"Sabi ko, palit tayo kuya, 'yang 500 paghatian niyo na lang ni kuya Popoy pang chibog niyo," sabi ko at ako na mismo ang kumuha ng tig isang daang laman ng pitaka niya. Ipinalit ko roon ang ibinibigay kong isang libo kanina.
Napakamot lang ito sa batok, wala naman silang magagawa ung ako ang nagsabi. Hindi rin naman ako matatanggihan ng mga ito. Pagkasuksuk ko ng pera sa balet niya ay tinanguan ko siya sabay ngiti.
"Salamat po, ma'am."
"Maliit na bagay kuya."
"Ma'am. Nasa labas na po ang taxi, tara na po." Sabi ni kuya Popoy.
Sinamahan ako nito sa labas at saka kinuha ang plate number ng taxi bago ako pinasakay, ganito kautak ang mga security namin kaya mahal na mahal ko sila.
Nagpaalam at pasalamat na ako at sumakay sa taxi, sinabi ko kung saan ako ihahatid. Sa shop na lang ako ni kuya Jheck, sa kanya na lang ako magsasabi, sigurado rin naman na nandoon na si kuya Mac-mac.
Hindi na ako nag-text dahil baka hindi rin mabasa ng mgaa kuya ang text ko. Doon na lang ako tatambay para hindi ako ma-boring, sa kanila kasi ay hindi ko nararamdaman ang pangungulila.
Ilang sandali a ay narating na namin ang Tondo. Nagpababa ako mismo sa tapat ng shop ni kuya Jeck. As usual marami itong costumer na inaasikaso. Hindi nito napansin ang pagdating ko kaya dumeretsiyo na lang ako sa loob ng shop at naupo sa waiting area. Tinanguan ako ni Grace ng makita ako, ang cashier nila kuya.
"Daming costumer, ah!" kako kay Grace.
"May mga bago kasing dating na model ng helmet kaya nag-uunahan ang mga tao."
Kaya naman pala, naghintay lang ako hanggang sa makita ako ni kuya. Nilapitan ako nito at ginulo ang buhok kong naka pusod.
Umupo ito sa tabi ko at nagpunas ng pawis gamit ang kulay puti nitong towel.
"Aga mo yata, bunso?" tanong nito. Yes, they use to call me bunso because like what they said, i'm their little sister.
"Kuya alam mo anong araw na ngayon 'di ba?" paalala ko sa kaniya.
Bahagya itong nag-isip. "Oo nga pala! malapit na pasko. Anong gusto mong regalo?"
Umiling ako at napasimangot. Mukang nakalimutan niya ang birthday namin, magkasabay lang kami ni kuya ng birthday.
"You forgot?"
Kunwari ay nag-isip ito. Alam ko naman na bibibiro niya lang ako. "Ah. Oo nga pala, birthday ko," anito.
Mas napasimangot ako, pero kinurot lang niya ako sa pingi. "Ikaw talaga, 'di ka na mabiro. Syempre birthday nating dalawa at debut mo pa! Ano gusto mo regalo bunso?"
"Ayoko ng regalo, gusto ko ako ang magreregalo, kuya."
"So, anong plano? Anong atin?"
Iginala ko muna ang aking paningin bago sumagot. "I want to do feeding. Si kuya Mac, kuya?"
"Nasa shop ni Jay may pina-deliver ako. Mamaya nandito na 'yon. Sige. Tara sa loob at doon tayo mag-usap." Tumayo kami pareho, nagpaalam muna si kuya Jheck sa mga kasama niya para sila muna ang umasikaso sa mga costumers.
Pumasok kami sa opisina ng shop niya, pasalampak akong naupo sa sofa na nasa harap ng office table ni kuya.
Si Kuya naman ay naupo sa silya nito. Maganda ang opisina ni kuya malinis at puno ng mga bagong model ng helmet at iba pa.
"Ano na? Magpapa-party ba tayo?" Kuha ni kuya sa atensiyon ko.
Mabilis akong umiling. "No, kuya. Do you think how much we can spend if we feed Nana Conching area?"
"Sure ka? Papakain ka? Parang piyesta o Christmas party ganon ba?"
Tumango ako. "Yes kuya, para happy ang mga bata."
"Siguro kulang-kulang tatlong million. Sa pagkain palang, marami sila don, e. Puwede natin tanungin si Jawo tutal siya naman may kainan. Kaya non i-estimate ang magagastos."
"Okay, kuya. Can you please help me to in-cash my cheque?"
"Sige. Kelan ba? Ngayon na ba?"
Tumango ako at ngumiti. Kinuha niya ang ballpen sa lagayan nito para sulatan ang cheque.
"Yup! Now, ngayon. Pronto!"
"Sige, magmotor na lang tayo."
"No, kuya. We need your car. Mahirap na. Alam mo na!"
"Ikaw talaga! Sige, ilang milyon ba ang in-cash natin?" pabirong tanong nito.
"Wait. Let me think about it first. Kasiya na ba ang eight million kuya?"
Halos lumuwa naman ang mata ni kuya Jheck sa kaniyang narinig. Parang hindi ito makapaniwala. Dahil usually ay hindi inaabot ng isang milyon ang nakikita nilang hawak ko.
"Huy! Kuya. Ano na? I'm not kidding. Kaya, tara na?"
"Sure ka diyan bunso, a!? Baka magalit ang papa mo."
"Hindi, ako nga raw bahala maglagay kung magkano ang gusto at kailangan ko."
"Hu! Sana all!" ani kuya Jheck.
Nagtawanan lang kami dahil sa reaksiyon ni kuya. Sampong milyon nga ang inilagay ko sa cheque mahirap na kung ma-short kami mas okay na ang sumobra. Hihintayin na lang namin si kuya Mac para makaalis na kami.
Hindi nagtagal ay dumating na ang hinihintay namin, hindi na kami nagsayang ng oras, umalis kami gamit ang sasakyan ni kuya Jheck.
Nang nasa bangko na kami ay nagpaiwan na si kuya Jheck dahil baka pagkamalan raw siyang holdapper sa loob kung sasama pa siya.
Si kuya Mac-mac ang kasama kong pumasok sa loob, kaagad kaming hinarap ng teller ng makita ako. Tinawagan nila ang dad para kumpirmahin ang transaction dahil wala pa ako sa wastong edad at hindi basta-basta ang ilalabas kong pera. Sumagot naman si dad kaya ng makuha nila ang approval nito ay mabilis nilang ihinanda ang pera.
Para hindi mainip ay inabala ko ang aking sarili sa aking cellphone. May mensahe pala ang papa na nagsasabing mag-iingat ako. Ni-replay-an ko ito para magpasalamat. Isinunod kong basahin ang mensahe ng aking mga kaibigan habang pasulyap-sulyap kay kuya Mac na animoy boss na naka-dikwatro pa sa sofa na inuupuan nito.
Ilang sandali pa ay bumalik na ang teller dala ang aking pera. May mga papeles siyang pinirmahan at hindi nagtagal ay natapos na kami. Wala na kaming sinayang na oras at kaagad na umalis sa lugar.
Bumalik kami ng shop ni kuya Jheck at duon pinag-usapan ang plano namin sa nalalapit naming birthday. Napangiti ako ng marinig ang mga ideya ng aking mga kuya. Laking pasalamat ko rin na maliban sa tatlo kong mga babaeng kaibigan ay mayroon pa akong apat na kuyang matiyagang iniintindi ang lahat ng kawirduhan ko sa buhay.
"Jawo. Ikaw na bahala sa foods, kami na ni Mac sa venue at sounds. Si Jay na sa mga gamit at kay kapitan para kumuha ng permit."
"Areglado!" Sagot ng kuya Jay at Jawo
na naka antabay lang sa zoom.
Napangiti ako at saka nagpasalamat. Binalingan ko si kuya Mac-mac.
"Handa ka na ba sa party ng Tondo, bunso."
"Yes! Kuya." Excited na ako sa magaganap.