PROLOGUE

2411 Words
It's my daily routine to drop by at Morris office first before I attend my classes. A smile flashes on his secretary face when she saw me heading in her direction. "Good morning, Ms Petrov," she greeted me politely. I smiled back at her. "Good morning too. Is Mr D’aureville in his office?" "Yes, Ma'am. But he has a visitor right now, and Mr D’aureville said they can not disturb them," napakunot ako ng noo. Gaano na lang kaimportante ang pag uusapan nila at hindi puwedeng istorbohin? "This early?" I can't help myself to asked. Sa ilang beses ko nang pagpunta dito ngayon lang ito may maagang bisita maliban sa akin. This is very unusual. Alanganing tumango ang secretary ni Morris. Parang may naamoy akong hindi maganda, but instead of showing how upset I am, I fake my smile. "Y-yes, Ma'am. If you want Ma'am, I can inform Sir that you are already here," sabi nito. Napansin siguro niya ang pagbago ng timpla ng muka ko. Muka man akong dimonyita dahil sa aking mga mata kung paano ako tumingin masasabi mo kung kailan ako galit at hindi. "No. No need. Don't bother, as you said a while ago, don't disturb them it might be important. I just wait here until they are finished." "Sige po Ma'am. Anything I can offer you, Ma'am?" magalang nitong tanong. "No. Thank you. I'm good." Tinungo ko ang sofa na nasa waiting area sa labas ng opisina ni Morris. I seat down and get my phone from my black Chanel backpack. Para hindi ma-boring nag bukas ako ng mga social media accounts ko, may mga message from Ady, Sab and Aya. Binasa at nireplayan ko lang sila isa-isa, binisita ko rin ang IS ko at Twetty pero nagtaka ako, may ilang minuto na akong nakaupo dito at naiinip hindi pa sila tapos? I saw Morris Secretary standing up from her chair and walking towards the comfort room. Naisipan kong sumilip sa opisina ni Morris at magpaalam na lang dahil ayoko naman ma-late ulit ako. Hindi naman siguro kalabisan kung gagawin ko 'yon. Tumayo ako at tinungo ang pinto ng office niya habang palinga-linga sa paligid, everyone is busy on their desktop. I slowly open the door so I won't make a noise in case they are busy discussing something. But to my surprise, I saw my boyfriend sitting in his chair while kissing the woman sitting on his lap. His hands are on the woman's shoulder and legs. Hindi ko sila nakikita ng maayos pero sigurado ako na naghahalikan sila. Natawa ako ng mapakla, dahil hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Naninikip ang dibdib ko at parang pinipiga. Gusto ko na ring maiyak at sugurin sila pero hindi ko gagawin 'yon. I can't believe this. We are just five months in this relationship, ano ba naman aasahan ko sa kanya? He's older than me. Malamang hindi ako sinisiryoso nito, dahil una pa lang, ako na ang nag-insist sa relasyong ito. I love him so much to the point na naitago namin sa ama ko ang tungkol sa amin. I know this is not right dahil sa agwat ng edad namin, his my father's friend and business partner as well. Gusto ko man silang sugurin pero inisip ko, 'wag na lang, dahil mag mumuka akong talunan. So I better leave, hindi naman ako bayani para magpaka-martyr. Dahan-dahan kong isinara ang pintuan. Nakakahiya naman baka maistorbo ko sila. Umatras ako at ilang sandaling tumayo roon, I let myself calm first bago pa ako makagawa ng hindi maganda. Wala pa naman akong tiwala sa sarili ko, lalo na at ganito ang nararamdaman ko. Inhale exhale Constancia. Nang sa tingin ko ay kumalma na ang pakiramdam ko. I go and walk fast as I can para lang makaalis dito. Pagkasakay ng elevator ay nanginginig ang aking mga kamay na pinindot ang ground floor button kung nasaan naroon ang parking lot ng company building ni Morris. A few minutes later nandito na ako sa parking area, ang bigat pa rin ng paghinga ko, masakit pa rin ang dibdib ko. Naglakad ako patungo sa kung saan nakaparada ang sasakyan ko nang napadaan ako sa kotse ni Morris. Agad akong nakaisip ng paraan para makaganti sa lalaking 'yon. All this time pinaglaruan lang pala ako ng gago. Why not return the favour? I went to my car and open the front door, I took the baseball bat beside my front seat and my spare jacket. I go back to Morris's car. I stood in front of it and examine it first. It's the latest model Audi and I can't help to be excited about what I can do with this car. Where I can start? Should I start with the rare mirrors? Or the windshield? Or maybe the hood? Lintik lang ang walang ganti Morris. You don't know me yet, you messed up with the wrong b***h, baby... I wear my jacket first just to make sure not to get hurt once I hit the glasses. Pumwesto ako sa tabi ng kotse, inumpisahan kong hatawin ang windshield. Isang hampas, dalawa, tatlo, apat at sa ika-lima ay itinodo ko na ang aking lakas. Heaven! Warak na warak ang salamin ng sasakyan niya. Hindi pa ako nasiyahan at muling hinataw ng tatlong beses ang hood ng kotse. Ang sarap sa pakiramdam na mailabas ang galit na nararamdaman mo, feeling satisfied na ako nito. Makakahinga na ako ng maayos. Muli kong pinagmasdan ang nagawa ko. Ang galing ko talaga humampas, walang mintis. Sa lakas ng pag-hampas ko ay halos naalis na ang harapang bintana ng sasakyan. I'm, sure he will be furious once he finds out what I did, and I don't care. I'm not scared. Ginala ko ang paningin ko sa buong paligid, surprisingly wala man lang mga security guards na umawat sa akin. Walang CCTV camera sa gawing ito? Mga inutil! Walang mga silbi tulad ng amo nila. I took my phone from the back pocket of my denim pants and I open the camera to take some photos of this piece of precious art I made. Beautiful... Parang tanga kong sinasabi habang natutuwa sa nagawa ko. Ilang larawan pa ang kinuha ko na pang remembrance bago nagpasyang lisanin ang lugar. Bumalik ako sa aking sasakyan at mabilis akong sumakay dito. I sat in the driver seat and turned on the stereo, sakto ang tugtog naman ay, I FEEL GOOD Ni James Brown. Sinabayan ko itong kantahin at napapahead bang while manoeuvring my car. I drove the car out of the parking lot na parang walang nangyari, nakangiting kumaway pa ako sa security ng parking lot. Nginitian din ako ng SG ang hindi nila alam ay may ginawa nanakong kalokohan na tiyak ikakainit ng ulo ng amo nila. Tinahak ko ang daan patungong eskwelahan. After 20 minutes ay narating ko ang School, I park the car and go straight to my classroom. I didn't bother to tell my friends what I did earlier. Ayoko silang mawindang. We are having a conversation right now about this annoying tutor of Ady. "Ayaw mo noon, mapapasama siya sa listahan ng guys na pinaiyak mo?” natatawang tanong ni Sab. "Hindi ko nga siya type eh! Ang baduy-baduy kaya nun!” naiirita nitong saad kay Sab. I can't help myself not to ask Ady, talagang mabigat din ang dugo ko sa taong 'yon. Ewan ko ba. “Gusto mo bang bugbugin ko 'yon nang hindi na makapag-tutor sa iyo?” suhestiyon ko. Natahimik lang sila sa tinuran ko, just say yes Ady and I'll do it. "Gusto mo bang magkita ulit kayo ng daddy mo dito sa school? Pang-ilang bisita na ba ni Tito Conrad dito sa school? Ay ni kuya Morris pala. Maghunos-dili ka naman, baka ipatapon ka na noon sa Iraq.” pabirong banta ni Aya. Mas uminit ang ulo ko sa pagkarinig ng pangalan ng walang hiyang 'yon. “Hayaan mo siya, wala naman iyong time sa akin. Busy iyon sa mga negosyo niya. Pati sa the other woman niya,” mataray kong sagot sa kanya. "Baka gusto mo lang siyang makita kaya ka ganyan?” sabat naman ni Sab. Sino ba ang tinutukoy nila? Ang tatay ko ba o ano? Knowing my father, uutusan lang 'non si Morris dahil wala siyang oras ngayon sa dami ng inaasikaso niya. Masaya nga ako na makita sana ang dad kahit araw-araw pa akong gumawa ng kalokohan. Pero wala e. Mabuti na 'yung siya mismo ang makipag usap sa principal pero si Morris din lang ang uutusan niya. And speaking of the devil, nasa labas ang isa niyang tauhan, marahil alam na nito ang ginawa ko kanina sa kotse niya. Wala akong pakialam kung ano sabihin niya. Hindi na ako sumagot pa sa sinabi ni Sab dahil totoo naman kasi 'yon. At Kesa ako ang gisahin nila ipapaalala ko na lang na ipinapatawag siya ni Teacher Rose. "Hindi ba pinapatawag ka ni Ma’am Rose?” oh, di natigil siya. After Aya left naiwan kaming tatlo nila Sab at Ady sa kanya-kanya naming upuan, nag-uusap kung may itatanong o ikwe-kuwento. I ignored the presence of Morris bodyguard the whole time. Bahala siya sa buhay niya! Ilang sandali pa ang nakaraan nang may biglang nagkagulo at nagsitakbuhan sa kung saan. At dahil likas na mausisa kami ay nakiusyoso rin kaming tatlo. Nasa labas na kami nang masalubong si Aya, hinila siya ni Sab. Nasa quadrangle na kami at nakiusyoso, napamura ako sa loob ko ng mapagtanto kung ano ang pinagkakaguluhan ng lahat, may tanga pa lang gustong magpatiwakal sa rooftop. Akala ko naman kung ano na, magpapakamatay lang kailangan pa ng audience. Iginala ko ang paningin sa buong paligid, halos lahat na yata ng estudyante at guro ay narito na nakatingala sa itaas at nag-aalala. Napakunot nuo ako ng hanapin ng mata ko si Aya, nasaan iyon? Bigla na lang nawala ang luka. Kinalabit ko si Ady at Sab na nakatingala. "Nasaan si Aya?" tanong ko sa dalawa, naiirita na ako at gusto ko nang bumalik sa loob ng silid-aralan dahil umaambon na. Ayokong magkasakit dahil lang sa walang kwentang bagay. "Ay, oo nga! Nasaan iyon?" tanong din ni Sab. Nag umpisa na kaming maghanap sa paligid, hinila ako ni Ady sabay turo sa taas sa may hagdan paakyat kung saan naroon ang taong nais magpatiwakal. "Ayun si Aya, mukang aakyat pa ang luka!" sabi ni Ady na may halong kaba ang boses. "Omg! Ayah!" patiling sabi ni Sab, Napatampal ako sa aking nuo, may balak pa yatang magpakabayani ang isang 'to? Walang anu-ano ay hinila ako nila Ady papunta ng rooftop, naiinis ako dahil naapura ako. Kung hindi ko lang kaibigan si Aya nungkang aakyat ako doon para puntahan siya, hindi ako magsasayang ng oras. Ilang sanadali lang ay narating namin ang rooftop pero nagulat kami sa aming nadatnan. WTF? Ang nerd naming kaibigan nakikipaghalikan? At dahil biglang kumulo ang dugo ko sa nakita ko, napatakbo ako sa banda nila at agad na hinila si Aya paalis sa ibabaw ng lalaki. Ayokong magaya si Aya sa akin, hanggang ngayon masakit pa rin ang dibdib ko sa nakita ko kanina sa opisina ni Morris. Dahil sa lakas nag pag hila ko kay Aya ay hindi ko na namalayang muntik na itong malaglag. Nasa lalaki ang attention ko, hinila ko ito sa kwelyo at sinuntok ng malakas sa muka. I don't care if my fist gets hurt mailabas ko lang ang galit ko sa lapastangang ito. Muka namang walang balak lumaban ang lalaki base sa ekspresyon ng muka nitong bitak na ang kilay at bibig. Ilang beses ko pang binigyan ng malakas na sapak sa muka ang gwapong lalaki ng hilain ako ni Aya, pero ayoko pang paawat. Teka. Guwapo? Saan galing iyon? Iisa pa sana ako ng suntok nang mabilis akong hinila ni Ady at Sab palayo sa lalaki. Dinuro ko ang lalaki sa galit ko, napahawak ito sa panga at bibig. "Ikaw, kapag nakita pa kita ulit na aaligid-aligid sa kaibigan ko. Hindi lang 'yan ang aabutin mo! Paglalamayan ka talaga at reregaluhan pa kita ng kabaong!”galit kung banta. And I mean it. Nagpatianod na lang ako sa paghila nila Sab at Ady, at itong si Aya mukang may balak pang puntahan ang lalaki? Ako na ang humila sa kanya paalis sa lugar na iyon. Pinagtitinginan kami ng mga ka schoolmates namin ng makababa na kami, wala naman akong paki. Matapos ang insidente ay kinumpronta namin si Aya, at ayon nga, siya pa pala itong nanghalik. Nakaka mura diba? Gusto ko siyang kutusan. Pero dahil kaibigan ko siya sa utak ko na lang siya mumurahin. Hapon na nang maghiwa-hiwalay kami, nasa parking lot na ako ng school nang mkita ko ang tauhan ni Morris na matiyagang naghihintay sa harap ng sasakyan ko. Napalingon ako sa paligid, wala gaanong tao. "Ma'am, magandang hapon po. Pinapasundo po kayo ni Sir Morris," anito. Tinaasan ko lang ito ng kilay at nagdirediretso sa aking kotse. Agad na lumapit ang lalaki at humarang sa pinto ng sasakyan ko. "As far as I remember, I brough my car, so I don't need to go with you," sagot ko. "Ma'am, sumabay na lang po kayo sa amin. Iwan niyo na lang po ang sasakyan niyo dito at si Mando ang magmamaneho," sabi nito. Nag umpisa nang uminit ang ulo ko. "And who the hell are you to instruct me? Tabi. Isa!" banta ko. Kahit mas malaki ito sa akin ay hindi ako mangingiming ibalibag ng walang kahiraphirap. "Please, Ma'am. Sumunod na lang po kayo," pakiusap nito. At dahil matigas ang ulo ko, hindi ako nakinig. Lumingon ako kunwari at nang sinundan niya ang tingin ko ay hindi na ako nagsayang ng oras at tinuhod ang p*********i nito. Napaurong ito at patalon talon na sinapo ang hinaharap, halatang nasaktan dahil namimilit ito sa sakit. Sorry ka na lang kuya. Makulit ka, e. Sinamantala ko ang pagkakataon para makapasok sa loob ng aking sasakyan. Nakita ko sa salamin na nagsitakbuhan ang dalawa pang tao ni Morris para lumapit sa amin. Agad kong pinasibad ang kotse ng walang kalingon-ingon. Hindi muna ako uuwi. Tatambay muna ako sa BGC hanggang 7 pm, magpapalipas ng sama ng loob. Hindi pa man ako gaanong nakakalayo nang mag-ring ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa bandanh dashboard at tiningnan. Morris calling... Napailing lang ako at mahinang binato pabalik sa harap ng kot ang cellphone. Hinayaan ko itong mag-ring hanggang siya na ang kusang tumigil. Pinagpatuloy ko ang pagmamaneho.Manigas ka, svolach!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD