l about to enter our house when I saw my dad and his new family in the living room having fun. I felt a fang on my chest and jealousy at the same time at my 1-year-old brother, Austin. For the past 16 years leaving with my dad, this is the first time I saw him smile and laugh genuinely since the day my mom abandoned us.
Dad just came back from his business trip from Germany, I was excited to see him, but this is what I saw.
Yes, I admit, I am jealous of Austin dahil inaagaw niya ang attention ni Dad, but I can't force myself to get mad at him. Ano ba naman ang kasalanan niya? Mahal ko ang kapatid ko kahit hindi kami magkasundo ng ina niya.
While I'm staring at them I realised that I'm not needed here anymore. I moved back to the door. Lumabas ako para muling umalis, nasalubong ko naman si Ate Anna dala ang jacket ko na ipinakuha ko sa kanya sa kotse.
"Senorita, aalis po kayo? Kadarating niyo lang po diba?" nagtataka niyang tanong.
"Ahm... yes. May pupuntahan lang ako. In case dad asks for me, tell him I have dinner with my friends," pagsisinungaling ko. Hindi ko na hinintay pang sumagot siya at tinalikuran na.
"Pero, senorita! Nagpaluto po ang dad niyo ng paborito mong pagkain!" pahabol niya. Hindi ko na siya pinansin pa, naglakad lang ako papuntang guardhouse sa may gate ng bahay.
"May kailangan po ba kayo, Ma'am?" tanong ni Mang Delfin ng makita ako. Lumabas siya ng guardhouse.
"Can you please call a cab, I mean a taxi for me, Mang Delfin," pakiusap ko.
"Senorita? Taxi ho? Ala, E. Nariyan naman po ang inyong mga driver. Hindi na la-ang po kayo magpahatid," suhistiyon nito in Batangeneo accent. Nakakatuwang pakinggan.
"No need. I will go somewhere else and I don't need to bring a car, Mang Delfin," sagot ko.
"A. E. Sige ho. Tatawag la-ang po ako ng taxi, Senorita," anito. Tumawag ito sa landline na nasa loob ng post niya. Ilang sandali pa at nakatawag na raw ito ng taxi.
A few moments later the taxi came kinuha muna ng guard ang numero ng plaka nito bago ako pinasakay.
I said goodbye to Mang Delfin. I asked the taxi driver to bring me to Quiapo Church. Malapit lang naman kaya ilang sandali lang at narating namin ang simbahan. Agad akong nagbayad.
I came here not to go to the church, nandito lang ang taong nais kong makita at makausap sa tuwing nakakaramdam ako ng kalungkutan.
Napangiti ako ng matanaw ko siya. Agad akong lumapit sa kinaroroonan niya. Hindi niya ako agad napansin dahil abala ito sa mga bumibili ng paninda niya. Marami siyang paninda ngayon, ang mga paborito kong prutas.
Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Tulad ng dati maraming tao para magsimba at mamili sa labas ng simbahan.
Dumampot ako ng isang mansanas mula sa kariton para makuha ang atensiyon niya. "Pabili po ng isang piraso," kunwari'y sabi ko. Lumipad ang tingin niya sa akin at saka siya napangiti ng napakatamis ng makita ako.
"Ay, Constancia!? Nako kang bata ka. Pagabi na at narine ka pa apo." Sabi ng aking Nana Conching. Lumapit ako sa kaniya para mag-mano and hugged her. She was my mom's nanny before. Pero dahil wala na si mommy ay umalis na rin silang mag-asawa sa amin.
"Na-miss lang po kita Nana," palusot ko, but a part of it is true. May 3 weeks nang hindi ako nakadalaw sa kanila dahil naging abala ako sa school.
"Aysus...Batang ito. Halika, sandali at magbe-benta muna ako," aniya. Tumayo lang muna ako sa tabi niya at tumulong na rin. Dumami kasi bigla ang namili ng prutas.
Pinagtitinginan ako ng mga tao, marahil hindi sila sanay makakita ng isang banyagang tulag ko na tindera. Aside from my height ay namana ko rin ang mga mata ng Daddy, malaking bulas din ako kumpara sa mga kaedad ko.
Masaya ako na natutulungan ang Nana. Kahit wala na siya sa amin ay dinadalaw ko pa rin sila ni Tatay Aldo ang asawa niya. Dati ding driver ng Daddy, ngunit nang magkasakit at umalis ang mama ko ay umalis na rin sila sa trabaho at piniling mamuhay ng walang koneksiyon sa papa ko.
"Prutas po kayo diyan! 100 lang po ang tumpok! 250 ubas! Bili na..." Sigaw at tawag ko sa mga mamimili. Nakangiti lang ang Nana sa akin. Hindi naman ako nahihiya dahil hindi lang ito ang unang beses ko ginawa ang bagay na ito.
Sa tuwing nalulungkot ako at hindi libre ang mga kaibigan ko ay kay Nana Conching ang takbuhan ko o 'di kaya ay sa mga kuya-kuyahan ko. Kaya halos kilala na ako ng lahat ng tindero at tindera dito. Pero walang nakaka-alam kung ano ang totoong estado ko sa buhay. Kilala lang nila ako bilang apo ni Nana Conching. Sino ba naman ang mag aakala na ang anak ng may-ari ng isang oil company ay suma-sideline na tindera sa Quiapo?
"Isang kilong ubas at dalawang tumpok ng apple."
"Dalawa rin sa akin ineng."
"Kalahating ubas sa akin."
"Ubas rin ang akin, ne." Halos magkakasabay na sabi ng mga bumibili. Hindi naman magkamayaw si Nana kung sino ang uunahin.
"Isa-isa lang po mahina ang kalaban," natatawang sabi ko. Tinulungan ko na si Nana na magsupot ng mga prutas upang mas mapadali ang pagbebenta niya.
Pinagpatuloy lang namin ni Nana ang pagbebenta. Napansin ko na kanina pa nagba-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Pero hinayaan ko lang ito, hindi nagtagal ay napaubos namin ang paninda ni Nana. Maagang makakauwi ang Nana ngayon. Siguradong matutuwa ang Tatay nito na matiyagang naghihintay sa kanya.
"Salamat apo ha! Kung hindi mo ako tinulungan ngayon ay baka hindi ko napaubos ang paninda ko," sambit ng nana habang tinutulak namin ang kariton niya pabalik sa garahe nito.
Nana is 52 years old. Pero Kailangan magtrabaho dahil na-stroke ang asawa niya. Ayaw din naman tumanggap ng pera na galing sa akin. Yes, I have my own money aside from my monthly allowance from my Dad. Pero kahit anong pilit ko ay ayaw tumanggap.
"Wala po 'yon, Nana. Kayo pa ba? E. Malakas kayo sa akin," nakangiti kong tugon.
"O, siya. Hala, bilisan natin ng makauwi na tayo baka gabihin ka apo," anito at binilisan ang pagtulak ng kariton.
"Nana... Sa inyo po muna ako, ha..."
"Hindi kaba hahanapin ni Conrad apo? Alam mo naman ang Daddy mo. Mayat-maya kang hinahanap." not anymore Nana. gusto kong isatinig pero sinarili ko nalang.
"Saan mo iniwan ang sasakyan mo apo?" tanong niya.
"N-nag-taxi lang po ako, tinatamad po akong magmaneho," tugon ko.
"Oh siya. Tayo'y umuwi na. Dumaan na lang tayo kay Iska ng lutong ulam, sigurado maraming bagong luto iyon dahil biyernes," sabi ni Nana.
Natatakam tuloy ako sa narinig ko. Aling Iska eatery is one of the best in town, dinarayo ito sa Tondo. Malinis at masarap ang pagkain doon, nadiskubre ko ito nang minsang isinama ako nila kuya Jheck at Mac-mac para bumili ng ulam.
"Sige po. Sana may ginataang langka at gabi Nana," natatakam kong sabi.
Natawa naman si Nana sa itsura ko. Alam na alam kasi niya ang mga paborito ko at kung papaano ko 'yon lantakan sa isang upuan lang.
"Meron pa siguro apo," nakangiti niyang sabi.
Naghintay kami ni Nana ng masasakyan sa sakayan papuntang Tondo. Hindi naman nagtagal at may jeep nang dumating. Iba talaga ang pakiramdam ko kapag nakakasakay ako sa mga pampublikong sasakyan. Masaya at pakiramdam ko napaka simple ng buhay ko.
Ilang minuto lang ang tinagal namin sa biyahe. Pagkababa namin ni Nana ay mismong tapat na ng kainan ni Aling Iska, agad kaming lumapit doon para bumili. Napakaraming tao ang kumakain. Wala namang bago dahil hindi nawawalan ng costumer ang eatery.
Nakita agad kami ni Aling Iska. Ngumiti ito ng pagkagalakgalak. "Oh. Kasama mo pala ang magandang apo mo Aling Conching? Mabuti at mayroon pa akong ginataan, parang naramdaman ko kasing dadalaw ang batang are!" Sabi nito.
Sinuklian ko naman ng ngiti ang sabi niya. Napatingin ang mga kumakain sa amin, mga tricycle at jeepney drivers ang iba, ang iba naman ay mga taga rito din lang.
"Oo, Iska. Na-miss daw ang lola, e. Bigyan mo nga ako ng limang kanin, isang adobong baboy, sinigang na bangus, igado at ang paburito ng apo kong ginataan." Sabi ni Nana habang sinusuri ang mga nakailerang ulam na nasa malalaking kaldero sa harap ng kainan ni Aling Iska.
Nakatayo lang naman ako sa tabi ni Nana. Habang palinga-linga sa paligid.
"May gusto ka pa ba, apo?" tanong ni Nana sa akin.
Tinignan ko ang ibang laman ng natakpang ulam. "Gusto ko po ng Torta Nana, dalawa," sabi ko.
"Dalawa pa raw na torta, Iska!" pahabol ni Nana.
"Sige, sasamahan ko na rin ng tocino para sa maganda mong apo Aling Conching!" nakatawa nitong sabi. I can't wait to eat. I'm starving!
"Salamat po ate Iska," ani ko.
"Asus... Ikaw pa bang bata ka."
Naghintay lang kami ng ilang sandali at naibalot na lahat ni Aling Iska ang mga pakgain.
"Magkano lahat, Iska?" tanong ni Nana.
"650 ho lahat," aniya at inabot ang mga nakasupot nang pagkain.
Hindi ko na hinintay pa si Nana, agad kong hinugot ang dala kong isang libo sa side pocket ng aking yoga pants at mabilis na inabot iyon.
"Ako na, Constancia," awat ni Nana sa akin. Kumukuha ito ng pera sa kanyang beltbag.
Pero hindi ako papayag na siya ang magbayad sa mga pagkain. Inunahan ko na siya. "Keep the change na ate Iska. Salamat po," aniko sabay bitbit ng supot at hinila na si Nana.
"Salamat din Constancia!" habol ni Aling Iska.
"Sandali. Sabing ako na apo, e."
"Nana~ bayad na po. Tara, uwi na tayo, naghihintay na po ang tatay," sabi ko.
"Ikaw, talagang bata ka... Napaka mapilit," aniya. Inakay ko na siya sa daan papunta sa kanilang tinitirhang bahay. Bawat madaan namin ay binabati ako na parang artista. Kilala na nila ako dito. Dito ang takbuhan ko kapag naiinis ako sa bahay at busy ang mga kaibigan ko.
"Cons! Tagay!" tawag ni Berto sa akin sabay taas ng bote ng gin. Noong una kong punta dito ay takot na takot ako dahil maraming mukang masasamang tao tulad ni Berto dahil sa itsura nitong mukang goons. Pero habang tumatagal ay nakikilala ko sila. Mababait naman sila, kailangan mo lang pakisamahan.
"Tumigil ka Berto, isasama mo pa ang apo ko sa kalokohan niyo," pagtataray ni Nana ng makatapat kami sa kanilang nag-iinuman.
"Isang tagay lang naman Aling Conching. 'Di ba, Cons?" Anito at tumawa. Mukang may tama na ang mokong. Pinanlikan ko siya ng mata at sinenyasan ng manahimik gamit ang hintuturo sa aking bibig. Paniguradong magagalit ang Nana pag nalamang tumatagay ako paminsan-minsan para pagbigyan ang mga ito.
"Oo nga naman po Aling Conching. Minsan na nga nadalaw si Cons dito," sigunda pa ni Pido.
"Asus... Magtigil ka Berto, Pido!" Ani Nana at hinila na ako palayo sa kanila. I have 500 bills left in my pocket so I took it and crumpled at pasimpleng initsa sa kanila. Mabilis namang pinulot ni Berto iyon. Nilingon ko sila.
"Next time," senyas ko. Sumaludo naman ang mga ito sa akin at nag-pasalamat kasama pa ng iba.
"Ang galante talaga ni Cons ano?" Rinig kong sabi ng ibang kainuman nila Berto. Ganoon kasi ang ginagawa ko kapag inaaya nila akong tumagay, pag umiiwas ako ay nagbibigay na lang ako ng pang toma nila.
17 lang ako pero halos natikman ko na yata lahat ng klase ng alak. 14 ako nang mag umpisa akong uminom sa California, ganoon na nga ata ang kabataang lumaki sa ibang bansa. Pero noong tumira na kami dito ay nag lilo na ako, mahirap na lalo at mga kaibigan ko pa naman ay kung hindi mahinhin; nerd at matatalino. Mga walang oras mag inom.
Nang makarating kami sa bahay nila Nana ay sinalubong kami ng iika ikang si Tatay Aldo. Napangiti ito ng makita ako, nagmano naman ako sa kanya. Ganito si tatay dahil na stroke ito dati, kaya naapektuhan ang paglalakad niya.
"Mabuti at napadalaw ka apo," magiliw nitong sabi.
"Biyernes po kasi Tatay kaya dumalaw ako. Wala po kaming pasok bukas."
"Ganoon ba, apo? Siya, sige at tutulungan ko lang ang Nana mo," anito at saka iika-ikang sinundan si Nana sa kusina.
Pasalampak akong umupo sa luma nilang sofa. Iginala ko ang paningin sa buong paligid, maliit ang bahay, may isang kwarto, maliit na kusina, maliit na sala at may maliit na banyo. Lahat maliit.
Nagtataka naman kasi ako kay Nana kung bakit ayaw tanggapin ang mga tulong na ibinibigay ko. Kung papayag lang sana siya, maari silang tumira sa isang maliit na village, kung saan mas komportable ang tatay. Kaya ko silang ibili. Pero ma-pride din ang nana, ayaw pa rin.
Dalawa na lamang silang magkatuwang. Hindi sila nabiyayaan ng anak, ang ampon naman nila ay hindi na nagpakita ng mapatapos nila ito sa pag aaral. Walang utang na loob. Naiinis ako at gusto ko siyang hanapin para ipamuka sa kanya na maling abandunahin niya ang mga taong nagpalaki at tumulong sa kanya.
"Apo..." tawag ng tatay sa akin.
"Po?"
"Halika na, maghugas ka na ng kamay mo apo at ng makakain na tayo," sabi ni Nana. Tumayo na ako at tinungo ang hindi kalakihang lababo. Kahit anak mayaman ako ay hindi ako lumaking maarte, I can eat with my bare hands.
Pagkaharap ko sa mesa ay naroon na ang mga pinamili naming pagkain kanina ni Nana. Nakaupo na rin si Nana at Tatay, hinihintay na lang ako. Pagkaupo ko ay nagdasal muna kami. Tahimik lang ako respeto ko na lang sa kanila dahil hindi naman ako pala dasal na tao, kilala ko si Bro pero hindi talaga ako madasalin.
Matapos mag-dasal at magpa-salamat ay magana na naming pinagsaluhan ang hapunan. Basta silang dalawa ang kasama ko napaparami ako ng kain, sa bahay rin naman pero hindi tulad dito.