Kinabukasan maaga nagising si Brielle ngunit tila may hang over pa ang kanyang katawan simula nang may mangyari sa kanila ni Nathan. Bigla ay pinamulahan ng pisnge si Brielle dahil sa naging kaganapan sa kanila ni Nathan noong gabing iyon.
Paano't pumayag siyang ipagkaloob ang kanyang pagkakababae sa lalaking hindi naman niya naging kasintahan. Oo nga at mag asawa sila sa mata ng publiko ngunit hindi sa mata ng binata ayon narin sa naging kasunduan nila.
Kaya naman bigla ay nabatukan niya ang kanyang ulo dahil sa nagawa niyang iyon. Ngunit ang ilang parte naman ng kanyang puso at isip ay tila hindi nagsisisi dahil sa init na nadama niya ng gabing iyon. Tangkang tatayo na si Brielle mula sa higaan ng bigla ay kumirot ang ibabang parte ng kanyang katawan.
Ito na nga siguro ang sinasabi nilang sore, pagkatapos ng kanyang first night. Bulong ni Brielle sa sarili. Hindi nagtagal at tumayo na siya sa kanyang higaan at pagkuwa'y lumabas na nang kanyang silid. Dahan dahan ay tinungo niya ang kusina upang magtimpla nang maiinom ng umagang iyon.
Ngunit bigla ay nagulat siya sa paglabas ni Nathan mula sa kusina. Bigla ay pinamulahan ng pisnge si Brielle nang magkatitigan sila ng binata. ''How's you sleep?'' Seryosong tanong ni Nathan sa kanya. ''O-okay naman'' Nahihiya niyang sagot dito. ''Okay are you hungry? If you wan't sabay na tayo?'' Tanong muli ni Nathan sa kanya.
Hindi naman malaman ni Brielle ang isasagot sa binata dahil bigla siyang nailang dito simula nang may nangyari sa kanila noong gabi. ''Ah, eh kasi hindi pa ako nagugutom at saka plano ko sanang pumunta muna sa bahay namin?'' Naiilang niyang paalam sa binata. Ngunit tila nag iba ang mood nito nang sinubukan niyang magpaalam dito.
''Okay if thats what you wan't go ahead'' Mariin nitong sagot sa kanya at pagkuwa'y hindi na siya kinausap pa at bigla itong tumalikod sa kanya. Naiwan namang nagtataka si Brielle dahil sa ikinilos nito sa kanya.
Kaya naman nang matapos siyang kumain nang agahan, Dali dali ay nag ayos na siya nang sarili at pagkuwa'y mabilis na lumabas sa silid. Excited si Brielle dahil muli ay makakasama niya ang kanyang ama at kapatid.
Bago umalis ay hinanap muna niya si Nathan upang makapagpaalam rito. Ngunit nang itanong niya sa mga katulong kung nasaan ang binata ay nadismaya siya dahil nakaalis na pala ito ng bahay. Kaya naman nagpaalam na siya sa mga katulong na bibisita sa kanilang bahay at pagkuwa'y lumabas na nang bahay.
Nang marating na niya ang waiting shed tila naman ata dumalang ang sasakyan nang mga oras na iyon. Dahil wala ni isang gustong magsakay sa kanya dahil ang karamihan ay may pasahero nang nakasakay. Naiinip man siya sa tagal nang sasakyan ay tiniyaga nalang niya mag intay ano't makakasakay rin siya.
Makalipas ang mahigit kalahating oras na paghihintay ay wala paring sasakyan na dumadaan sa lugar na iyon. Laking pagtataka niya kaya naman napilitan si Brielle na lakarin nalang hanggang sa labas ng subdivision na iyon.
Maya maya pa at sunod sunod na busina ang narinig niya mula sa kanyang likuran at tumambad sa kanya ang sasakyan ni Nathan. Kaya naman bigla ay nagulat siya sa binata nang tumapat na ang minamanehong sasakyan nito sa kanyang gilid at pagkuwa'y binusinahan siya muli.
Hindi nagtagal at binuksan na nito ang bintana nang sasakyan. ''Hey, Maglalakad ka nalang ba diyan? Come on hurry sumakay ka na'' Utos nito sa kanya kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi sumakay na sa sasakyan nito.
''Sumama ka muna sa akin today may pupuntahan tayo'' Suhestiyon nito. ''What? Saan naman tayo pupunta?'' Mabilis niyang tanong sa binata. ''Dad's wan't to meet you today so weather you like it or not you'll come with me" Paliwanag nito sa kanya kaya naman wala na namang nagawa pa si Brielle kung hindi pumayag sa binata.
Habang nasa biyahe bigla ay tinamaan siya nang antok kaya naman ipinasya muna niyang isandal ang ulo sa gilid nang bintana. Maya maya pa ay nararamdaman niyang tila inihinto nito ang sasakyan at pagkuwa'y inaayos ni Nathan ang pagkakasandal nang kanyang ulo. ''Hey, Babe wake up! I'm going to lower your seat.'' Mahinang bulong sa kanya ng binata.
Kaya naman bigla ay nagmulat si Brielle nang mga mata at pagkuwa'y hinayaan niyang ayusin ni Nathan ang kanyan upuan. ''Thank you'' Nakangiti niyang pasasalamat sa binata at pagkuwa'y nginitian lang siya nito at pinatakbo na muli ang sasakyan.
Muli ay pinagpatuloy lang ni Brielle ang pagtulog dahil tila siya antok na antok noong oras na iyon. Hanggan sa marating na nila ang kinaroroonan ng bahay ng ama ni Nathan.
Sunod sunod na tapik ang pinakawalan ng binata sa balikat ni Brielle kaya naman bigla ay napamulat muli si Brielle. At pagkuwa'y umayos nang upo at ibinalik niya sa dati ang pagkakaayos nanag kanyang kinauupuan.
''Babe, We already here'' Wika nito ng binata ''Ah, nandito na pala tayo? Sensiya na inantok kasi ako sa biyahe natin'' Nakangiti niyang paliwanag kay Nathan. ''It's okay babe come on bumaba na tayo'' Pagyaya nito sa kanya at pagkuwa'y bumaba na sila ng sasakyan
Tumambad kay Brielle ang malamig na hangin ng lugar at tila kay sarap sa pakiramdam. Kaya bigla ay naitanong niyang kay Nathan kung nasaan sila. ''Anong lugar ba ito at para atang ang lamig?'' Nagtatakang niyang tanong sa binata.
"We're here at tagaytay city babe nandito kasi ang resthouse namin'' Paliwanag nito sa kanya at pagkuwa'y niyaya na siya nitong makapasok sa loob ng bahay bakasyunan ng binata.
Bigla naman silang sinalubong nang nakangiting matanda na sa tantiya ni Brielle ay lola ni Nathan. Kaya naman dali dali ay nagmano siya sa matanda at pagkuwa'y humalik sa pinsge nito. ''Gradma, Meet my wife" Pagpapakilala nito sa kanya sa matanda. ''Magandang araw po'' Nakangiti niyang sagot sa matanda.
''Okay iho apo, pumasok na kayo nitong asawa mo at tila ata at nilalamig na siya'' Pagyaya nang matanda sa kanila. Kaya naman dali dali ay pumasok na sila sa loob ngunit bigla ay nanginig ang katawa ni Brielle dahil pati pala sa loob ay naka aircon parin.
Kaya naman inutusan ni Nathan ang isa sa katulong nila na ikuha nang sweater si Brielle. Kaya naman habang naghihintay sila ay nagdala ang isa pang katulong nang kanilang mainit na maiinom. Dali dali ay iniabot ni Nathan kay Brielle ang mainit na kape upang makatulong upang hindi siya lalo ginawin.
Maya maya pa ay biglang labas nang ama ni Nathan mula sa kwarto nito kasama ang kaninang lola ni Nathan. ''Nathan anak, Kamusta na? long time no see mukha atang busy na busy ka?'' Tanong nito sa kanya at pagkuwa'y ibinaling ang tingin kay Brielle. ''Siya na ba itong daughter in law ko?'' Nakangiting tanong ng daddy ni Nathan sa kanilang dalawa.
''Yes dad, Please to meet you my wife, Brielle'' Pagpapakilala muli nito sa kanya sa ama at pagkuwa'y lumapit si Brielle sa Daddy ni Nathan at humalik sa pisnge. ''Magandang araw po kamusta po kayo?'' Magalang niya muling pangangamusta.
''Okay naman iha, Ikaw ba iha ano ang pinagkakaabalahan mo sa buhay?'' Tanong ng Daddy ni Nathan sa kanya. '' Nagdidisensyo po ako nang mga uri nang bahay" Paliwanag niya sa ama ni Nathan. ''Oh, so you are an architect iha?'' Nakangiting tanong sa kanya nito. ''Yes po!'' Sagot niya muli sa ama ni Nathan.
''Magaling ka siguro iha, What's your name again?'' Muli ay tanong nito sa kanya. ''I'am Brielle Santos po'' Magalang niyang pagpapakilala muli sa sarili. ''Oh, Iha I thought kasal na kayo ni Nathan huwes? Diba dapat ay Brielle Santos Dela Torre na ang aplido mo?'' Biro nito sa kanya.
Kaya naman bigla ay nagsalita si Nathan. ''Ofcourse Dad, Dela torre narin siya nasanay kasi siya sa surname niya'' Tila impit nitong ngiti sa ama at pagkuwa'y niyaya na sila nang matanda na magmeryenda.
''Babe, next time kapag iniintroduce mo ang sarili mo gamitin mo ang surname ko okay?'' Bulong nito sa kanya at pagkuwa'y hinapit siya sa balakang. Kaya naman bigla ay nagulat si Brielle sa ginawa ni Nathan sa kanya.
''Iho, Nagkausap na kami ng Mommy mo at gusto niya ding makilala si Brielle ang asawa mo'' Nakangiti muli nitong tanong kay Nathan. ''Yes dad, Kapag umuwi na si Mommy I will introduce her'' Nakangiting sagot ni Nathan sa ama.
Makalipas ang pagkukuwentuhan nila nang araw na iyon hiniling nang lola ni Nathan at daddy nito na huwag muna silang umuwi ni Brielle. Upang makabonding pa sila nang dalawang matanda. Kaya naman wala nang nagawa ang binata at pagkuwa'y pumayag na sa hinihiling ng mga ito na huwag munang umuwi.
Kaya naman bigla napangiwi si Brielle kay Nathan dahil mayroon pa siyang plano ngayong araw. Ngunit nakiusap naman agad ang binata sa kanya na pagbigyan muna nila ang kahilingan nang kanyang lola at ama. Kaya muli ay wala nang nagawa pa si Brielle at nanatili muna sila roon.
Maya maya pa ay dinala na siya ni Nathan sa silid na tinutuluyan nito tuwing nagpupunta roon ang binata. ''Huwag mo sabihing dito din ako matutulog?'' Tanong ni Brielle kay Nathan. ''Ofcourse, alangan naman sa ibang kwarto ka matulog edi nakahalata sila daddy at lola'' Paliwanag ni Nathan kay Brielle.
''Okay kahit sa sofa nalang ako matulog'' Mungkahi niya kay Nathan. ''No tabi tayong dito sa kama malaki naman ito at kasya tayo'' Mariin na pahayag nito. ''What? eh, malikot ako matulog'' Paliwanag ni Brielle kay Nathan.
Kaya naman sa halip na makipagtalo si Nathan kay Brielle ay mabilis nalang itong pumuwesto nang higa sa kam at pagkuwa'y ipinikit na ang mga mata. Kaya naman bigla ay nainis si Brielle at napakamot nalang sa kanyang ulo.