Chapter 13 Turbulent Thoughts

1454 Words
          Nang gabing iyon, Tila hindi nanaman dapuan si Brielle nang antok. Kaya naman napagdesisyunan niyang lumabas muna nang silid at pagkuwa'y tinungo niya ang terrace. Tumambad muli kay Brielle ang malamig na simoy nang hangin. Kaya naman bigla ay napayakap si Brielle sa kanyang katawan.           Dinama muna niya ang gabing iyon sa tagaytay upang sa gayun ay mapahinga muna niya ang kanyang isip. Simula kasi nang pumayag siya sa kasunduan nila ni Nathan ay tila hindi na niya nabigyan nang time ang sariling maglibot.           Kaya naman kahit na plano ni Brielle na dalawin ang kanyang ama at kapatid ngayong araw ay wala na siyang nagawa pa. Dahil muli ay si Nathan na naman ang nagdesisyon para sa kanya.           Bigla ay nakaramdam siya nang lungkot nang sandaling iyon. Hindi niya maintindihan ang sarili at kung ano ba talaga ang rason niya sa pakikipagkasundo sa binata. Hanggang kelan ba niya hahayaana ng sarili na maging sunod sunuran kay Nathan.            Malalim na ang kanyang pagiisip nang bigla ay napukaw ang kanyang atensiyon. Biglang lumitaw sa kanyang gilid ang bulto ni Johnny. Kaya naman laking gulat niya sa paglitaw nito at pagkuwa'y tinapik ang kanyang balikat.            ''Hey Brie, Mukha atang malalim ang iniisip mo diyan?'' Tanong nito sa kanya at pagkuwa'y tinitigan siya. ''A-ano ang ginagawa mo dito? Hindi ko alam na naririto ka pala, Kainis ka naman bigla kang sumusulpot bigla bigla!" Naiinis niyang wika sa binata.            "Well, Kahapon pa ako nandito, Kakagising ko lang kasi and then nakita kita, baka kailangan mo lang nang makakausap I'm free'' Nakangiting wika nito sa kanya. ''Hmm, Pwede ba muna tayong mag coffee? Ang lamig kasi dito.'' Nakangiti niyang pakiusap sa binata at pagkuwa'y niyaya na siya sa kusina.           ''So, ano bang timpla mo sa kape? May sugar or plain black lang?'' Tanong ni Johnny sa kanya. ''Konting sugar lang at medyo matapang ang kape'' Nakangiti niyang paliwanag sa binata kaya naman nagtaas ito nang kilay at pagkuwa'y iniabot na sa kanya ang pinatimpla niyang kape sa binata.            "Tara! doon ulit tayo sa terrace" Paanyaya nito sa kanya kaya naman sumunod agad siya dito. ''So, Sinama ka pala ni Nathan dito?'' Seryosong tanong nito sa kanya. ''Yes, wala sana sa plano ko dahil balak ko puntahan ang family ko, Kaso sabi gusto daw ako makita nang daddy niyo.'' Seryoso niya din sagot kay Johnny.                        "Pwede ba magtanong sayo?'' Seryosong tanong muli ni Johnny. Kaya naman bigla ay napakunot ang noo niya. ''Sure, what is it?'' Nakangiti niyang tanong sa binata. ''Do you love my brother?'' Seryosong tanong nito. Bigla ay tila may bumara sa lalamunan ni Brielle nanag marinig ang tanong ni Johnny sa kanya.                          Ngunit bago niya nasagot ito ay tila lumalim muna ang kanyang pagiisip. Na tila hinahanap ang tamang isasagot sa binata. Hindi nagtagal ay nakahanap na siya nang isasagot dito. ''Actually, Alam kong alam mo na pagpapangap lang lahat nang ginagawa namin, Kaya naman siguro nasagot ko na ang tanong mo?'' Malungkot na sagot ni Brielle kay Johnny.                           Bigla ay napabuntong hininga naman si Johnny na at pagkuwa'y tumingin sa malayo. "Bakit mo pala naitanong?" Bigla ay nagkaroon nang kuryosidad si Brielle at tinitigan ang binata. ''Brie, pwede bang ako nalang ang mahalin mo?'' Bigla ay nasabi ni Johnny sa kanya ang mga katagang iyon na agad naman ikinagulat ni Brielle.                          ''A-ano ba ang sinasabi mo diyan Johnny? Nagbibiro ka ba?" Muli ay seryosong tanong ni Brielle sa binata. ''Hindi ako nagbibiro Brielle I'am serious." Muli ay sagot naman ng binata sa kanya.                          Bigla tuloy nagkaroon nang katahimikan sa pagitan nilang dalawa nang sandaling iyon. Lalo tuloy nadagdagan ang isipin ni Brielle. "Johnny, Hindi ko pa masasagot ang tanong mo dahil masyado naman atang mabilis." Sagot ni Brielle kay Johnny at pagkuwa'y tangkang tatayo na si Brielle upang bumalik sa silid ay mabilis nitong napigilan ang kamay niya.                              "Wait Brielle," Bigla ay nasambit  ni Johnny pagkuwa'y mabilis na ginawaran nang halik ang labi ni Brielle. Kaya naman tila natuod ang dalaga sa kinatatayuan at pagkuwa'y namilog ang mga mata. Tila naman maya nagkakarera sa bilis ang dibdib noon ni Brielle. Dahil hindi niya inakala na bigla siyang hahalikan ni Johnny nang walang pasabi.                                         Tila iba ang mga halik na iyon ni Johnny sa kanya na tila may pagsuyo nitong ninanamnam ang mga labi ni Brielle. Kaya naman sa halip na itulak ni Brielle ang binata ay tila kusang sumusunod ang kanyang mga labi sa binata.                             Nang bumalik ang ulirat ni Brielle bigla ay naitulak niya si Johnny at pagkuwa'y kumaripas nang takbo papasok ng silid ni Nathan. Bigla ay nakaramdam nang guilty ang puso ni Brielle noong oras na iyon na tila may nagawa siyang kasalan kay Nathan.                            Kaya naman nang makapasok na siya sa loob ng silid ni Nathan ay dahan dahan niyang isinarado ang pintuan. Ngunit ang kanyang isang kamay ay patuloy paring nakahawak sa kanyang labi. Hindi siya makapaniwala na hinalikan siya ni Johnny nang ganoong kabilis at walang pasabi.               Hindi malaman ni Brielle ang gagawin nang gabing iyon. Kaya naman sa halip na tumabi sa higaan ni Nathan ay napili nalang niyang mahiga sa sofa. Dahil ayaw niyang maistorbo ang pagtulog ni Nathan. Dahil alam niya sa sarili niya na hindi naman siya agad makakatulog basta basta dahil sa ginawang paghalik ni Johnny sa kanya.                Kaya naman muli ay nagulo ang kanyang isipan at napalitan nang pagiisip sa ginawa sa kanya ni Johnny. Kaya tuloy nasira lalo ang kanyang planong pagtulog dahil sa isipin na iyon. Tila at kahit anong baling ang gawin niya ay parin siya tamaan nang antok.                Kaya dali dali ay kinuha na nalang ni Brielle ang kanyang telepono. At pagkuwa'y hinanap ang mga paborito niyang games upang laruin. Para narin mawala sa kanyang isipan ang mga halik na iyon ni Johnny sa kanya.                Ngunit tila ata naramdaman ni Nathan na hindi parin siya natutulog at pagkuwa'y bigla itong bumangon. At nilapitan ang noo'y si Brielle na serysong seryoso sa paglalaro ng candy crush.                "Hey Babe, Come on dito ka na matulog sa tabi ko'' Malambing na pakiusap ni Nathan sa kanya. Kaya naman bigla ay binitawan na niya ang nilalaro at ibinaling kay Nathan ang atensyon. ''Hindi pa kasi ako inaantok Nathan, Pwede bang dito muna ako sa sofa'' Paliwanag niya sa binata.                "No, Tara na itigil mo na yang paglalaro mo at ilang araw ka nang puyat." Mariin na utos nito at pagkuwa'y kinuha ang kamay niya at tinulungan makabangon si Brielle at dinala na sa kanilang kama. Naiilang man si Brielle ay wala nang nagawa pa at humiga nalang sa tabi ni Nathan.                "Babe, Let me sleep beside you, Can I hug you my wife?" Malambing na pakiusap nito sa kanya. Muli ay hindi nanaman alam ang isasagot ni Brielle. Hanggang sa mabilis siyang niyakap ni Nathan at pagkuwa'y idinantay ang mga binte nito sa kanyang katawan.                ''Nathan, ano ba yang trip mo? gawin daw ba akong unan'' Naiirita niyang wika kay Nathan. "Please let me hug you like this" Malambing na pakiusap muli nito sa kanya. Kaya naman wala na namang nagawa pa si Brielle at hinayaan na lamang niyang gawin siyang unan ni Nathan hanggang sa makatulog ito.                 Hindi naman nagtagal at inantok narin siya dahil bigla ay naging komportable na ang kanyang pakiramdam. Tila nagustuhan ng kanyang katawan ang ginawang pagyakap at pagdantay sa kanya ni Nathan.                 Kinabukasan nagising si Brielle sa mahigpit na pagyakap sa kanya ni Nathan. Kaya naman nang imulat niya ang kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang gwapong mukha nito. Pagkuwa'y pinagmasdan niya ang mukha nito na noo'y tulog na tulog.                 Bigla ay may sumilay na ngiti sa kanyang labi dahil tila ito isang bata na walang kamuang muang na natutulog. Tangkang hahawakan na sana niya ang pinsge nito nang bigla ay magmulat ito nang mata. Kaya naman dali dali ay naialis niya ang kamay niya sa tangkang paghawak.                ''Good morning babe, How is your sleep?" Nakangiting bati nito sa kanya at pagkuwa'y ito ang humawak nang pisnge niya. Bigla naman naasiwa si Brielle nang sandaling iyon sa ginawa ni Nathan ay bigla ay naibaling niya ang tingin sa labas nang bintana.                ''Are you avoiding me again?'' Seryosong tanong nito sa kanya. ''Huh? Bakit naman kita iiwasan." Mabilis niyang sagot sa binata. ''Okay if its not, well tara na let's go home" Nakangiting pahayag nito sa kanya at pagkuwa'y hinawakan siya sa beywang at mabilis na itinayo.                Kaya naman bigla ay napatili si Brielle dahil bigla ay kiniliti siya nito sa tagiliran.                     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD