Nang umagang iyon tila bigla ay nailang si Brielle kay Johnny. Bigla kasi niyang naalala ang mga kaganapan sa kanila kagabi. Hindi parin siya makapaniwala sa mga sinabi nang binata nang gabing iyon. Kaya naman nang paalis na sila ni Nathan upang magpaalam nang umuwi.
Laking gulat ni Brielle nang bigla ay nagsalita si Johnny at pagkuwa'y nagpaalam sa kanya. ''See yah around Brie." Nakangiting paalam nito sa kanya. Kaya naman bigla ay natuod si Brielle at pagkuwa'y tinanguan nalang si Johnny.
"Let's go babe," Pagyaya ni Nathan sa kanya na tila nagiba ang timpla ng mukha. Kaya naman dali dali ay nagpaalam na sila sa ama at lola ni Nathan. At pagkuwa'y tinungo na nila ang sasakyan.
''Are you Okay babe?" Bigla ay natanong ni Nathan sa kanya. Simula kasi nang lisanin nila ang rest house ay hindi mawala sa isip ni Brielle ang mga ikinilos ni Johnny sa kanya. Tila may kung anong gumugulo sa kanyang isip nang sandaling iyon.
Kaya bigla ay napukaw na naman ang kanyang pagiisip. ''Okay lang naman ako Nathan, Don't mind me" Nakangiti niyang sagot sa binata. At pagkuwa'y itinuon na nito ang pagmamaneho, Habang siya naman ay tila malayo ang tanaw habang tahimik na nakaupo sa loob nang sasakyan.
Maya maya pa ay biglang tumunog ang message alert tone nang kanyang telepono at pagkuwa'y sinipat ni Brielle. Bigla ay napakunot ang kanyang noo dahil sa mensahe na kanyang natangap. ''Nathan pwede mo ba akong idaan sa opisina? Nagkaroon kasi kami ng urgent meeting about sa project na hahawakan ko.'' Paliwanag niya sa binata.
"Okay, do you wan't me to wait you there?'' Nakangiting tanong nito sa kanya. ''Hindi na nathan, Baka kasi matagalan ang meeting namin at mainip ka?'' Muli ay paliwanag niya sa binata. ''No, Okay lang isa pa wala naman ako gagawin'' Muli ay mungkahi nito kaya naman wala nang nagawa pa si Brielle at pagkuwa'y pumayag narin.
Nang marating na nila ang opisina na pinapasukan ni Brielle. Dali dali ay lumabas si Brielle nang sasakyan at mabilis na tinungo ang kinaroroonan nang pagmemeetingan nila. Naiwan naman si Nathan na nakatingin sa pagtakbo ni Brielle papasok nang building nang opisina nito.
Dahil ipinangako ni Nathan kay Brielle na hihintayin niya ang dalaga hanggang sa matapos nito ang meeting. Napagpasyahan muna ni Nathan na bumisita sa malapit na mall sa building na pinapasukan ni Brielle. Ngunit pagkapasok palang ni Nathan sa loob ng mall agad ay dinumog siya nang ilan sa mga fans niya.
Kaya naman napilitan siyang pagbigyan ang pagpapakuha nang mga ito ng litrato sa kanya. Makalipas ang ilang minuto agad niyang tinungo ang botique na kanyang iniindurso. Nang makita siya nang manager nang branch na iyon ay dali dali siyang inasist.
Plano kasi ni Nathan na bilan si Brielle nang bag. Noon kasing nakaraang araw na umuwi ito ay napansin niyang tila may tastas na ang bag na gamit ni Brielle. Batid niya na maganda naman ang trabaho ng dalaga. Subalit gusto parin niya itong surpresahin, Dahil tila ginugusto na nang kanyang puso ang mapasaya ito.
Nang makapili na siya nang bag na ireregalo sa dalaga, Agad ay ipinabalot niya ito sa cashier at pagkuwa'y binayaran at umalis na siya sa botique.
Samantala, si Brielle naman noo'y tila nasa hot seat nang mga oras na iyon. Dahil sa tindi nang kabang nadarama. Dahil sa naging masusing paguusisa nang may ari nang kanyang hahawakang proyekto.
Kinakabahan man si Brielle ay pinili parin niyang maging mahinahon at kalmado. Upang maiprisinta niya nang maayos ang adhikain nang kanyang proyekto. Naging bigla kasing masusi ang may ari ng building na kanyang idedesenyo. Kaya naman napilitan ang board directors nila na magkaroon ng urgent na pagpupulong nang araw na iyon.
Ngunit makalipas naman ang Isang oras na pagpapaliwanag niya sa mga ito ay agad din naman nagustuhan ang kanyang plano. Kaya naman nang matapos na ang pagpupulong na iyon ay agad siyang kinamayan nang mayari at ilang kawani nito.
Kaya ang noo'y kabadon kabado na si Brielle ay tila nabunutan nang tinik. At pagkuwa'y nakahinga nang malalim, Hindi nagtagal at nagpaalam narin siya sa board directors nila.
Bigla kasi ay naalala niya si Nathan na naghihintay sa kanya. Kaya naman agad niyang kinuha ang kanyang telepono at mabilis na hinanap ang numero ng binata. At pagkuwa'y tinawagan upang ipaalam dito na tapos na ang kanyang meeting.
"Hello, Nathan? pababa na ako, Saan ka nag park?'' Tanong ni Brielle kay Nathan. ''Hi babe, andito ako sa mall na malapit diyan, Hintayin mo lang ako at papunta na ako diyan.'' Paliwanag nito at pagkuwa'y binaba na nito ang telepono.
Kaya naman habang hinihintay ni Brielle si Nathan. Bigla ay natakam siya sa Korean food's na itinitinda sa labas nang kanilang building. Kaya naman dali dali ay tinungo niya ang korean food stall at bumili nang mga itinitinda dito.
Habang naghihintay kay Nathan naisipan muna ni Brielle na umupo sa gilid nang korean food stall na kanyang binilan. At pagkuwa'y sarap na sarap niyang tinusok tusok ang binili niyang fish cake. Hindi nagtagal at naubos na niya ang isang cup na kanyang binili. Ngunit tila bitin siya kaya naman bumili muli siya at binilan din niya si Nathan nito para ipatikim niya sa binata.
Hindi nagtagal at tumatawag na si Nathan sa kanya dahil naroon na ang binata. Dahil inululuto pa ang kanyang ibang biniling pagkain ay pinaghintay niya muna ito sa sasakyan.
Ngunit laking gulat niya nang bigla itong bumaba sa sasakyan at pagkuwa'y pinuntahan siya sa kanyang binibilhan. Kaya naman tila nakilala agad nang dalawang crew ang binata at agad namilog ang mga mata nito. At pagkuwa'y nagpakuha nang litrato sa binata.
Kaya naman si Brielle noo'y tatawa tawa kay Nathan. Tila kasi ito napipilitan sa pagpapakuha nang litrato kasama ang dalawang kilig na kilig na crew sa binata.
Dahil napansin ni Brielle ang pagkailang ni Nathan. Kaya naman bigla ay inalok niya ito nang noo'y kinakain niyang korean Spicy rice cake or Tteokbokki kung tawagin sa korean. Noong una ay tila hindi maipinta ang mukha ng binata.
Ngunit hindi nagtagal at tila nagustuhan din ito ni Nathan. Kaya naman nagtake sila ni Brielle ng pagkain iyon at iba pang korean food's.
Habang nasa daan hindi maiwasan ni Brielle na hindi tikman ang ilan sa kanilang tinake out. Kaya naman para matikman din ito ni Nathan ay sinusubuan din niya ito habang nagmamaneho. Kung titignan tuloy ay tila sila totoo nang magkasintahan.
Dahil ay kulang na lang ay formal gesture at panliligaw ni Nathan kay Brielle. Masaya silang bumiyahe pauwi sa malaking tahanan ni Nathan nang araw na iyon.
Nang makauwi na sila sa bahay ng binata. Masaya silang sinalubong nang mga katulong ni Nathan lalo na ang matandang katulong na si Manang pacita. ''Magandang hapon po mga Mam at sir." Nakangiting bati ni Manang pacita sa dalawa.
"Kamusta manang? Kumakain ho ba kayo ng korean food's?" Nakangiting tanong ni Brielle sa matandang katulong. ''Naku mam Brielle, ano ba iyang korean foods na iyan?" Tila inosenteng tanong nito sa kanya. Kaya naman ay agad niyang iniabot ang paper bag na may lamang korean food's.
"Naku Mam, Brielle! para ngang masasarap ang mga ito" Nakangiting sagot ni Manang pacita na tila manghang mangha sa pagkain habang binubuklat ang paper bag na ibinigay ni Brielle.
"Masasarap ho iyan Manang," Nakangiti niyang paliwanag sa matandang katulong at pagkuwa'y nagpaalam na siya sa mga ito. Habang si Nathan naman ay kanina pa pala nakaakyat sa kwarto nito.
Kaya naman dali dali narin pumanik si Brielle sa kanyang silid at pagkuwa'y naligo na at nagpalit nang damit pang tulog. Pasado alas singko narin kasi nang hapon nang makauwi sila Nathan sa bahay.
Kaya tuloy bigla ay nakaramdam si Brielle nang pagod at antok. Habang hinihintay ni Brielle na makatulog siya bigla ay may sunod sunod na kumatok sa pintuan nang kanyang silid. Kaya naman bigla ay napatayo si Brielle at pagkuwa'y binuksan ang pinto.
Tumambad naman kay Brielle ang noo'y nakangiting si Nathan at pagkuwa'y may paper bag na iniabot sa kanya. "For you babe, I hope you like it" Nakangiting iniabot nito sa kanya ang paper bag na di niya mawari kung ano ang laman. ''Thank you, Ano ba ito at nag abala ka pa?" Tanong ni Brielle kay Nathan.
"Just open it babe." Muli ay sagot nito kaya naman dali dali ay binuksan niya ang paper bag at napalaki bigla ang mata ni Brielle. Nang ilabas niya mula sa paper bag ang kulay light brown na sling bag na may tatak na louis vuitton.
Hindi man siya mahilig sa mga signature bag's ay tila namangha siya sa ganda nang taste ni Nathan pagdating sa pagpili nang bag na pambabae. "Thank you Nathan, grabe ang ganda thank you talaga" Nakangiti niyang abot tenga ang pasasalamat niya sa binata.
"You're welcome my wife." Nakangiti nitong wika sa kanya. Tila naman bigla ay nagulat nanaman siya sa sinabi ni Nathan at tinawag nanaman siya nitong "wife" kuno. Maya maya pa ay nagsalita muli ito. ''By the way babe, one week akong mawawala dahil, mayroon akong business trip sa palawan'' Paliwanag ni Nathan sa kanya.
Bigla tuloy may ilang parte ng puso ni Brielle ang bigla ay nalungkot nang marinig ang pagpapaalam ng binata. Kaya pala siya nito niregaluhan ay isang linggo pala itong mawawala.
"Ganoon ba, Sige magiingat ka doon huh" Malungkot niyang paalala sa binata na tila naman nahulaan ni Nathan ang kanyang dinaramdam ng sandaling iyon. ''Are you sad, na mawawala ako nang one week?" Muli ay nakangiti nitong tanong sa kanya.
"Huh? Ako malulungkot hindi noh, busy rin ako paano kita iisipin'' Mahina niyang sagot kaya naman hindi ito naintindihan ni Nathan. ''What? what are you talking?" Nakakunot noong tanong muli ng binata kay Brielle.
"Ah, sabi ko busy rin ako'' Nakayukong sagot niya sa binata. ''Okay so paano I will pack my things na bye for now babe." Nakangiting paalam nito sa kanya at pagkuwa'y hinalikan siya sa pisnge at biglang niyakap.
Kaya naman hindi na natiis ni Brielle ang sarili at pagkuwa'y sinagot narin ang yakap ng binata. Maya maya pa at nagpaalam na ito sa kanya. At muli ay bumalik siya sa kanyang silid na tila nalulungkot ang kalahati nang kanyang puso sa pagalis ni Nathan.