Chapter 4

2055 Words
Minutes ticked by, days passed and unconsciously, an entire month went. Eventually one morning, I found myself waking up with knocks echoing inside my room from the outside. Heto na ang araw na pinakahihintay ko – my eighteenth birthday.             Tumingin ako sa kabuuan ng kwarto ko at pinagmasdan itong mabuti, considering it was my last. Tatlong kahon na naglalaman ng mahahalagang gamit ko ang nasa sahig di kalayuan sa kamang kinalalagyan ko, katabi nito ang asul kong maleta at itim na backpack. We are really leaving huh? I really am.             And then I heard knocks again, mabilis akong tumayo, siguro kanina pa naghihintay sila Mama. Agad kong binuksan ang pinto at nanlaki na lamang ang mga mata ko sa naabutan.             “Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday... Happy birthday, happy birthday to you...” my mom, dad, sister and Kuya Cairo sang habang dala ni Papa ang isang simpleng vanilla cake na may kandilang korteng number 18 sa ibabaw.             “Don't forget to make a wish anak,” Mama reminded. May this be a good change and may everyone always be safe. Hinipan ko ang dal'wang kandila bago sila isa-isang niyakap.             “Happy Birthday Luna,” bati sa'kin ni Kuya Cairo bago guluhin – na naman – ang buhok ko.             Sa tuwing makikita ko ang isang 'to lagi na lang ginugulo ang buhok ko. As usual, I just slapped his hand away glaring at him, habang si Ate naman ay tumatawa sa tabi niya. After that night, nagkausap kami ni Ate at pinaliwanag niya sa'kin lahat. Tama nga ang sabi ni DJ – Ate just wasn't ready yet pero nawalan na siya ng choice kundi sabihin sa'min.             Yes, hindi rin alam nila Mama't Papa, pero hindi na raw sila nagulat pa dahil nasa tamang edad na naman daw si Ate. Mukhang mabait din naman si Kuya Cairo, na napatunayan agad namin. Though I know, there's more to it than what they told me. There always is.             Ngayon ay malapit na kami ni Kuya sa isa't isa because once, they stayed here for about four days – sila ni Ate. Ayun, masaya naman siyang kasama, mapang-asar nga lang talaga. If you're thinking about how he calls me with that strange nickname ‘Luna,’ kahit ako ay hindi alam ang tungkol dun, basta biglang tinawag na lamang niya akong gano'n. Sa tuwing tatanungin ko siya tungkol rito ay tatawa lamang siya. Siguro nasanay na lang rin ako, kahit si Ate minsan ay nahahawa na sa kanya – kaya sila bagay eh.             “You ready to leave Leto?” Tanong sa'kin ni Papa sabay akbay. I smiled at him and hugged him from the side before replying.             “Always ready Pa.”             “Good! Ligo na, baho mo na 'nak.”             Pabiro ko siyang tiningnan nang masama habang malakas naman siyang tumawa at bahagya akong tinulak papasok muli ng kwarto ko. Bago ko tuluyang maisara ang pinto ay bigla na lang niya akong pinahiran ng icing sa ilong at pisngi.             “Pa!” Reklamo ko pero halata namang mangingiti na 'ko – ang kulit talaga!             He laughed, “happy birthday my little Princess,” he said again before completely turning away, heading downstairs. And I finally smiled.     I fell in love with the house the first time I saw it, agad ko ring nalaman kung sino ang pumili ng bahay. This has been my mom's dream since I don't even know when – isang traditional American-style bungalow na may malaking espasyo sa harap at likod, giving her a chance to turn it into a garden.             Tinulungan kami ni Ate at Kuya Cairo sa paglilipat. May nahiraman si Kuya na truck at siya na mismo ang nagdrive nito kasama ang kapatid ko, habang kami naman nila Mama ay nasa SUV ni Papa. Gaya ng sinabi nila sa'kin noon, totoo ngang may mas sibilisadong parte ang bayan and we are at a subdivision-ish part of it.             Habang nasa byahe kami ay nadaanan namin ang papasukan kong University. It's a university with both high school and college pero magkahiwalay ang dal'wang departments. Base sa tinuro at nakita ko kanina, sobrang laki ng school. I have no idea kung pa'nong napunta ang ga'nong kalaking establisyimento sa isang tagong bayan na katulad ng Thea Artem.             Yes, that was what the town is called. Unique pero weird, sabi ni Mama may kinalaman daw kasi iyon sa history ng bayan, hindi na ako nagtanong pa.             My mom also explained that the town is rather economically successful dahil sa magandang leadership rito. The population are ranging from middleclass, upperclass to elites, no lowerclass dahil lahat ay nabibigyan ng opportunity sa field na gusto nila. Ang isa pang nalaman ko ay nag-aaral pala si Ate sa unibersidad na papasukan ko and her dormitory was just half an hour away from home. Ganun rin ang mansyon ng mga Ford na pinuntahan namin a month ago.             That leads me to thinking, mas malaki na ba ang posibilidad na magkikita kami ngayon?             Why am I even asking this? Ni-hindi ko nga alam kung dito ba talaga sila nakatira. Ang sabi sa'kin ni Papa noon, vacation house lang raw ang mansyon na ‘yon, hindi naman niya nasabing doon talaga sila nakatira. And even if we really saw each other again, I bet he already had forgotten about me.             Isang buwan din 'yun, maraming pwedeng mangyari sa tatlompung araw.             “Siya nga pala Hon,” tawag ni Papa kay Mama, nagsisimula na kami ngayong mag-ayos ng mga gamit. Bago pa kami lumipat ay nakapunta na rito sila Papa at naayos na nila ito – with furnitures and some new appliances. Ngayon ay iilang mga gamit na lang namin na galing sa lumang bahay ang dinadagdag namin at syempre yung mga personal. “The mayor invited us for dinner,” agad na kumunot ang noo ko, gano'n kabilis?             “That's great! Sino ba naman tayo para tumanggi?” Masayang sabi ni Mama.             “Kakalipat lang po natin, we're really gonna go?” Nagtatakang tanong ko.             Papa smiled, “tradisyon na rito para sa mga bagong lipat ang maghapunan kasama ang mayor at ang pamilya nito. Dahil nga medyo tago ang bayan at hindi ga'nong kilala, generations have stayed here and only a few have the guts to leave. Ganun rin ang mga hindi originally galing rito – minsan lang sila makaranas ng mga bagong-lipat so they welcome them wholeheartedly. 'Wag kang mag-alala, you'll imme-diately get comfortable with them, kilala mo na naman sila,” my curiosity spiked more.             “Kilala ko po sila?” Tanong ko. Napatingin si Papa kay Mama na para bang pinapasa na sa kanya ang pagsagot, at ito nga ang ginawa ni Mama.             “It's Mr. Mattheo Ford anak, this town's mayor,” agad na nanlaki ang mga mata ko.             Parang kanina lang iniisip ko siya. Parang kanina lang kinakalkyula ko ang mga posibilidad kung magkikita kami. Parang kanina lang unti-unti ko nang natatanggap na imposible nga ito at maaaring hindi na niya ako matandaan but this –  this chance, I can't avoid hope from growing inside my chest.             There's finally a way I could see the guy that has been haunting my dreams for the past month. The guy with the most mesmerizing eyes.             Jebediah Ford.   “Bakit ba sa tuwing papunta tayo sa mansyon ng mga Ford ay alalang-alala ka sa suot mo? I understood it the first time thinking you're nervous but Leto, it's just dinner.”             Napabuntong-hininga na lamang ako, lahat na lang ay napapansin ni Mama. Yes, I'm nervous... pero hindi naman ako ga'nong nagpapahalata – or not? Pero I'm trying!             Hindi tulad noon na gown ang suot ko, ngayon ay isang pink dress lamang. It's just dinner (like my mom said) kaya bakit ko pa gagaraan ang suot ko? Besides, pati naman sila ay hindi ga'nong kapormal ang suot.             “Susunod naman po sila Ate 'di ba?” Pag-iiba ko ng topic.             “Yes, susunod na lang sila, kailangan lang nilang magpalit ng damit. Cairo is close friends with the Mayor's son, kaya naman malapit na siya sa pamilya,” kahit alam ko na ito ay tumango pa rin ako.             Yes, I've been reminded of that fact almost every day I'm with Kuya Cairo, laging laman ng mga kwento niya si DJ. I can even say that I almost knew every basic thing about him now, from his favorite color – which is definitely black – to his most embarrassing moment – na hindi ko masasabi dahil apparently, isa iyong sikreto. Kahit gusto ko pang magtanong ng mga mas personal na bagay tungkol sa kanya, I can't seem to do it wanting the answers to come straight from DJ's lips, not someone else's.             “This is our first step in being a part of this town, so be at your best behavior Leto,” of course.             Inaasahan ko nang magpapaalala si Mama sa'kin besides, she won't be the mother I've known and grown up with without those repetitive reminders. But I love her for that. Mother knows best right?   “Welcome, welcome! Tuloy kayo,” masayang pag-anyaya ni Mrs. Ford. For the second time, I was awestrucked by how beautiful and elegant she looks. Inimbitahan niya kami sa living room at nang maka-rating rito ay agad akong umupo sa isang solo-seater, habang sila Mama naman sa double-seater sa tabi ko at si Ma'am Freya ay sa couch sa harap namin. “Thank you for accepting our invitation and welcome to Thea Artem!”             “Oh Freya, no need to be so formal, para namang hindi tayo magkakilala nito,” sabi ni Mama na ikinatawa nilang tatlo.             Hindi ko na namalayan ang awtomatiko kong pagmamasid sa buong silid. As usual, gaya ng ineexpect ko, engrande rin ang living area nila just like what I remember their ballroom looked like – yung pinagganapan ng business gala dati.             “Your daughter looks beautiful as ever,” doon ako nabalik sa realidad at dali-daling tumingin kay Ma'am Freya.             I slightly bowed my head, “thank you po Ma'am,” sabi ko sabay bahagyang ngiti.             She shook her head and chuckled, “oh no darling, call me Tita Freya okay? Your parents and I have gone way back...” she smiled brightly.             “Okay, pasensya na po – Tita.”             She clapped her hands once, “good! Sorry kung kailangan niyo pang maghintay ha? Nagka-emergency lang kanina si Mattheo pero paparating na rin 'yon.”             “Ano ka ba Freya, ayos lang, sakto na rin dahil paparating pa lang sina Dione. By the way, where's Jebediah? Hindi ba siya makakasalo sa'tin?”             Mabilis akong napayuko nang maramdaman ang pag-init ng mga pisngi ko. Marinig ko pa lang ang pangalan niya ay ganto na ang epekto sa'kin. We're not even that acquainted for goodness' sake! I'm acting like a desperate lovesick puppy, ugh!             “Ah that boy, hindi siya makakauwi ngayon because of university requirements, pero he's giving you his regards.” Napatango rito si Papa at ilang saglit lamang ay isang maid ang nag-excuse sa'min.             “Madame, narito na po sila Mrs. Aztel."             I almost gasped as my eyes gradually closed... anong? Please not her, please oh God.             “I hope you don't mind me inviting another family, they also just returned here after about 3 years.” Doon na pumasok ang mga bagong dating. Dahil sa tingin ni Mama ay napilitan na 'kong tumayo.             “Of course we don't mind,” sabi ni Papa.             “Charlize hi! Welcome!” Bati ni Tita sa ginang sabay beso rito. My heart sped up at the familiar couple. Why? I thought I'm finally free?             Eventually, the voice I'm dreading to hear resounded in my ears. “Tita! How have you been?” Masayang sabi nito. Ibang-iba sa tonong sanay akong naririnig mula sa kanya.             “Zanaya hello! I'm definitely fine, tara kayo rito, may papakilala ako,” yaya ni Tita sa kanila. Hindi ko magawang iangat ang ulo ko, I thought this was a gift? Only to find out this is actually a curse.             “Devin, Helen, Leto – these are mine and Mattheo's friends; Marcus and Charlize Aztel and their daughter Zanaya,” unti-unti kong inayos ang ekspre-syon ng mukha ko at inangat ang ulo ko, only to stare right through Zanaya. Sa una ay may gulat na ekspresyon sa kanyang mukha ngunit unti-unti ring nagkangisi rito. I knew she's trying to scare me pero hinding-hindi ako magpapatalo.             Tita Freya's next words almost made my knees buckle.             “Zanaya is also Jebediah's girlfriend.”             All hopes were shattered.             The second I look into your eyes you'll be completely mine.             What a big f*****g liar he is.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD