Chapter 3

2337 Words
Naalimpungatan ako dahil sa tunog na para bang hinihilang upuan. Mabilis kong dinilat ang mga mata ko at nagpasalamat dahil hindi gaanong maliwanag sa silid kung nasa'n ako.             Sandali... silid?             Agad na nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pilit kong pag-upo mula sa pagkakahiga... sandali, pagkakahiga. Kama. Diyos ko, nas'an—             “Makabubuti po sa inyo kung babalik kayo sa pamamahinga binibini,” halos mapasinghap ako nang marinig ang mahinhing boses.             Mabilis akong napatingin sa direksyon na pinanggalingan nito at isang pigura ang sumalubong sa'kin. It was a little lady in a neutral-colored uniform, nakayuko siya at may dalang tray na naglalaman ng isang baso ng orange juice.             “Maaari ko po bang ilagay ito sa mesa sa tabi niyo?" Napatingin ako sa bedside table bago kunot-noong tumingin muli sa kanya. Bakit kailangan pa niyang magpaalam?             "Siyempre naman, hindi mo na kailangang magpaalam," dali-dali siyang lumakad palapit sa akin at nang naipatong na nga ang tray sa mesa ay aktong aalis na nang hawakan ko siya sa kanyang braso. Napasinghap siya rito kaya lalo akong nagtaka.             “Ano nga ulit ang pangalan mo?” Tanong ko.             “Binibini, nagkakamali po kayo, isa lamang po akong Omega. Hindi po ako karapat-dapat sa magandang pakikitungo niyo.”             Magsasalita pa sanang muli ako nang biglang bumukas ang pinto ng silid, agad niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kanya at humakbang paatras. Hindi ko magawang alisin ang tingin sa babae dahil sa kakaibang kinikilos niya. Ano ba 'yong sinasabi niyang Omega?             “Iwan mo kami,” a deep voice resounded inside the room and immediately, I felt goosebumps rising on my arms and nape.             Kahit anong pilit ko ay hindi ko malipat ang tingin sa taong nagmamay-ari ng ‘di pamilyar na boses na iyon. Oo, natatakot ako. Hindi ko alam kung nasaang lugar ako, ang naaalala ko lang ay ang pagkahimatay ko kanina at ang malakas na pagtibok ng puso ko.             Hindi ko kilala kung sinuman 'tong kasama ko ngayon. I don't want to face him, what if he's a dangerous person? What if I was kidnapped from the event? What if—             “You should drink, it will give you a bit of energy,” sabi niyang muli.             My shaking hands reached for the glass and as I was about to take a sip, mabilis kong pinigilan ang sarili ko. No! Hindi mo kilala ang mga tao dito, pa'no kung may nilagay sila dito sa juice? It can be drugged for goodness' sake! Dali-dali kong binalik ang baso sa platitong pinagpapatungan nito bago ko naramdaman ang unti-unting paglapit ng lalaki.             I know the person is a male based on his voice and woodsy perfume. Hinila niya ang isang upuan – ang sa tingin ko'y gumising sa'kin kanina, at nilapit ito sa gilid ng kama. I automatically moved away from him.             “Look at me.” Hindi niya ito sinabi lamang kundi ito'y inutos niya. I immediately frowned, but before I could even snap at him he silently added, “please.”             Doon na bumilis ang t***k ng puso ko, it was as bad as earlier before I collapsed, but instead of pain, this one was out of... something light. Something great. Bakit ganto? Ano ba 'to? Sino ba siya?             Hindi ko na napigilan ang sarili ko at unti-unti nang inangat ang ulo ko. I nearly gasped, but my reaction isn't far from it. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng bahagyang pagbuka ng bibig ko. He's by far, the most gorgeous guy I've ever seen. I know, bawat tao ay may kanya-kanyang pananaw sa kagandahan but in my perspective, this guy that I'm facing right now is beyond the word handsome.             He has an olive complexion and jaw not-so sharp but so manly nonetheless, his nose is pointed complimenting his pink, soft-looking lips... and his eyes, God his eyes. They were a combination of hazel and gray, I can even see a bit of green in them. They were a set of orbs that pierce through your soul, either piecing it together or breaking it further.             “Who are you?” I unconsciously uttered. Pinanood ko kung pa'nong panandaliang sumara ang mga mata niya at nang muli itong bumukas, isang kakaibang emosyon ang bumalot rito.             “Jebediah.”             Jebediah. Jebediah Ford. Dito na ako tuluyang napa-singhap. Kung gano'n ay malaki ang posibilidad na nasa mansyon pa rin ako... oh my God! Mabilis 'kong tinakpan ang namumulang mukha ko gamit ang aking mga kamay.             “Nakakahiya...” bulong ko. s**t. Siguro ang daming taong nakakita kanina nung nahimatay ako. At kailangan pa talagang iwan ni Mr. Ford ang party niya para lang puntahan ako. Agad kong inalis ang mga kamay ko at tumingin muli sa kanya. He was already watching me with an amused expression, kaya naman muli akong napayuko nang bahagya.             “Uhm... pasensya na po Sir sa abala, ayos na naman po ako kaya maaari na po kayong bumalik. Sorry po talaga sa inconvenience, nakakahiya po sa inyo, at sa parents niyo.”             My breathing stopped when I felt the tip of his finger pushing my chin up for me to look at him again. “Look at me when you're talking,” sabi niya at nakita ko na lang ang sarili kong tumatango, “call me DJ, and you don't have to talk to me with formality. Hindi naman yata tayo nagkakalayo ng edad.”             “Okay po Sir—I mean, DJ. Okay DJ,” akala ko ay ngingiti siya ngunit nagsisimula pa lang tumaas ang gilid ng labi niya ay pinigilan na niya agad ito. I frowned in disappointment.             “Your name?” Tanong niya.             “Leto. Leto Katherine Manuel,” sagot ko.             He leaned back to his seat and unfastened the buttons of his black suit. “Katherine,” pili niya sa ikalawa kong pangalan. I stopped myself from correcting him, Kath – I prefer Kath more. “Daughter of Devin and Helen Manuel, sister of Dione,” he continued. Hindi na ako nagulat na kilala niya sila Papa't Mama, ngunit ang kinagulat ko ay kilala niya si Ate.             “Kilala mo ang kapatid ko?” Paninigurado ko.             “Yes. Cairo, her ma—boyfriend, is my bestfriend."             Siguro tinutukoy niya ang lalaking kasama ni Ate kanina. Inaasahan ko nang may nobyo ngang hindi sinasabi sa'kin si Ate ngunit nang marinig ko ito sa iba at mapatunayang totoo nga ang hinala ko, I felt a bit dismayed. Alam kaya ito nila Mama? Bakit hindi man lang niya sinabi sa'kin?             “Siguro hindi pa sinasabi ng kapatid mo sa'yo?” I shook my head in response. “I think it's for the better, isang buwan pa lang sila ni Cairo, baka hindi pa siya handang ipakilala siya sa'yo.”             I gratefully smiled at him, hindi ko naman maikakailang napagaan niya nang bahagya ang loob ko. What's with him? Halos isang oras ko pa lang siyang nakikilala at ganito na ang epekto niya sa'kin? What's going on with you Leto?             “So...” pagsisimula ko, “I think we should get back, lalo na ikaw.” Sabi ko at kasabay ng unti-unti ko nang pag-alis sa kama ay tumayo na rin siya. Nakakita ako ng isang full-length mirror sa gilid ng silid at lumakad papunta rito. My dress is already wrinkled and my styled hair is now messy.             I sighed, this will do, baka naman umuwi na rin agad kami matapos ang nangyari. Humarap na muli ako kay DJ at yayayain na sana siya nang mapansin ang hawak niyang paper bag.             “May mga naiwang damit rito ang kapatid ko, she's near your size so if you want to change... here,” abot niya sa'kin ng bag.             Nakakahiya naman kung tatanggihan ko kaya tinanggap ko na. He nodded towards a certain direction at nang tingnan ko iyon, isang pinto ang nakita ko. I walked towards it before opening and a bathroom greeted me.             I decided to tie my hair into a ponytail at nang matapos ko na ang pag-aayos rito ay tiningnan kong muli ang sarili ko sa salamin. Hindi tulad kanina na isang dress, ngayon ay isang jumpsuit na ang suot ko. Hindi ko alam kung babagay ba ito sa okasyon ngayon pero magrereklamo pa ba ako? At isa pa, I really like it – definitely my style, at mas komportable rin ito.             Lumabas ako ng banyo matapos ilagay ang gown sa loob ng paperbag, inaasahan kong wala na siya ngunit nagulat na lamang ako nang maabutan ko pa rin siyang nakatayo sa harap ng pinto. Nalipat ang tingin niya sa'kin mula sa phone niya at sandali akong tiningnan.             “I assume this is yours?” Nakita ko ang clutch ko sa kanyang kamay at kinuha ito.             I nodded, “yes, thank you.”             Sandali kaming natahimik, hinihintay ko siyang maunang lumabas o yayain man lang ako pero wala. Hindi siya kumibo at patuloy lang akong pinagmasdan. Siguro hinihintay niya rin akong magsalita? I was about to talk when he abruptly sauntered towards me, nanlaki ang mga mata ko nang makalapit na siya sa'kin at hahakbang sana paatras nang bigla siya yumuko at kunin sa'kin ang paperbag.             “Let me hold this,” bulong niya bago tumingin muli nang diretso sa mga mata ko. Yes, there were specks of green in them while the outer part of his pupils are a bit gray but brown dominates them. Such beautiful eyes.             “I want you to be ready Leto Katherine. Now that you met me, now that you entered this side of the world, many things will change. After this, you'll see me again and the second you look into my eyes, you'll be completely mine.” Hinatid ako ni DJ pabalik sa party at mula no'n ay hindi ko na siya nakita pa. He just greeted my parents and then that's it, he left then he never came back at the party.             Lahat ng sinabi niya sa'kin ay hindi mawala sa isip ko, who really is Jebediah Ford? Anong ibig niyang sabihin sa lahat ng sinabi niya? This side of the world? Completely his? Many things will change? What things?             Idagdag pa ang kakaibang kinikilos nila Mama't Papa mula nang dumating ako. Sinabi nila sa'king hindi na sila gaanong nag-alala dahil alam naman daw nilang safe ako kay Mr. Ford, they trust him. Pero bakit? Gaano na ba talaga sila katagal na magkakilala? And my sister, hindi man lang siya lumapit sa'min at bumati man lang! At parang wala lang iyon kila Mama, what's with them? Ano ba talagang nangyayari?             Now we're driving back home at sa oras na makarating kami sa bahay, kailangang masagot kahit dalawa man lang sa mga tanong na gumugulo ngayon sa utak ko.   Nakarating kami sa bahay nang mas mabilis kaysa kaninang papunta pa lang kami. Buong biyahe ay hindi ako nakatulog dahil siguro sa tulog ko kanina sa mansyon, isama pa ang mga iniisip ko. I was the first one to get out of the car at dali-daling pumasok sa bahay gamit ang spare key na nakatago sa plantbox sa may bintana. I turned on all the lights before walking towards the living room and sitting on one of our sofas.             Ilang saglit lang ay pumasok na sila Papa at base sa tingin na binigay nila sa'kin, alam na nilang kailangan nilang magpaliwanag. My father removed his suit and tie before sitting on the double-seater in front of me saka tumabi sa kanya si Mama.             “Anak, we know there are many things you wanna ask your mom and I pero before anything, gusto naming sabihin na may mga bagay na hindi pa namin masasagot sa ngayon, na pinaplano naman talaga naming sabihin sa takdang oras. It's for your own good, and we just don't want to burden you of some things,” paninimula ni Papa.             “Pero Pa, kailan? Kailan niyo pa po balak sabihin sa'kin? My mind is about to explode because of all the endless questions in it! Pa naman, I'm turning 18. Hindi pa ba sapat ang edad na iyon para isali niyo 'ko sa pamilyang 'to? I feel like I'm not part of this family.”             “Leto, don't you ever say that! Ginagawa namin 'to para sa'yo. Like what your Papa said, sasabihin din naman namin lahat sa'yo, hindi lang ngayon. Masyado pang komplikado, please anak, trust us.”             Wala na akong nagawa kundi bumuntong-hininga na lamang. “Pero si Ate... why was she—“             “Call her, she should be the one explaining to you,” tumango ako kay Mama. “Leto, there's one more thing we're meaning to tell you,” hindi ako nagsalita at hinintay lang silang magpatuloy.             “About why we brought you with us tonight," dugtong ni Papa. “Pinaplano namin ng Mama mo na lumipat na tayo ng bahay. In the town where we were earlier – five hours from here. Gusto muna naming malaman ng Mama mo kung ayos ba sa'yo yung lugar.”             “Town? There was a town in there? Hindi ba masyadong tago iyon Pa? And isn't the timing a bit wrong? I'm in my last year in high school, hindi po ba mahirap kung lilipat pa ako ng school?”             “Hindi mo lang nakita ang ma-taong parte ng bayan dahil nag-iba ng daan ang Papa mo pero it is a rather lively town Leto. The people there are close with each other and really kind, tiyak na magugustuhan mo roon. At ano naman ngayon kung lilipat ka ng school sa huling taon mo? Don't you want change? Dito na tayo nakatira simula nung sanggol ka pa lang, don't you want a new environment?”             Pinag-isipan ko ang sinabi ni Mama. Tama siya, mula pa bata ako ay dito na kami nakatira and I always thought about leaving. What if we really do transfer? I always dreamt about travelling into different countries, at ngayong mage-eighteen na 'ko, siguro ito na ang unang step para magawa ko iyon.             I have to be used to a different environment. And baka ito na rin ang solusyon para matakasan ko ang pambubully sa'kin nila Zanaya. A one way ticket to freedom.             “When are we leaving?”             Agad na nangiti ang mga magulang ko. "A month from now Leto, on your 18th birthday."             Isa lang ang nasisigurado ko, this can either be a birthday gift or a curse.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD