Chapter 2

1841 Words
“You look fine Leto! Stop fussing about your dress,” my mom said from the passenger seat.             Pinigilan kong sagutin siya at bumuntong hininga na lamang. Wala naman talaga akong problema sa damit ko, it's perfect actually. Ako ang pumili nito kaya siyempre pipiliin ko na yung isang magiging komportable ako. Eto lang rin ang kaisa-isang gown na pinagkasunduan namin ni Mama. Ewan ko ba sa kanya kung bakit gusto niya na may parang kapa yung damit.             I'm just nervous, samahan pa ng sobrang pagka-inip. Halos apat na oras na yata kaming buma-byahe! I just woke up from my one-hour sleep, at ngayon heto pa rin ako, nasa loob ng kotse. Ngayon alam ko na kung bakit pinilit ni Mama na itaas ko na lang ang buhok ko at mag-light makeup lang, she doesn't want me to look like a zombie when we get there.             Now I'm watching the fast-changing scenery outside through the windshield, sobrang ibang-iba ito sa nakasanayan ko. Nasa kalsada pa rin naman kami at may mga kotse pa rin kaming nakakasalubong, pero mabibilang mo ang mga iyon. Idagdag pa na napapalibutan ng puno ang kalsadang tinatahak namin.             Base sa nakikita ko, parang bundok na 'to o gubat na may konting sibilisasyon. Sobrang tago naman yata ng lugar na 'to, are they sure dito talaga gaganapin ang gala?             Tatanungin ko na sana si Papa nang biglang lumiko ang kotse at ilang saglit lamang ay tinatahak na namin ang isang dirt road. Wala na kami sa dating konkretong kalsada, the ride is now quite bumpy, kaya agad kong sinuot ang seatbelt.             “Pa, tama ba 'tong dinadaanan natin?” nagtatakang tanong ko.             I heard him chuckling, “don't worry Leto, I've been here so many times to count. Gaganapin kasi ang party sa exclusive mansion ng mga Ford and they own almost the entirety of these lands.”             Agad na nanlaki ang mga mata ko sabay tingin sa paligid. Kahit puro puno ang nakikita ko, may mga bundok pa ring matatanaw. Woah! Yung totoo, ga'no kayaman ang pamilyang Ford na 'yon?             In a few minutes ay tumigil ang kotse sa tapat ng isang pares ng malalaking gates. Halos malaglag ang panga ko sa tanawin na naghihintay sa'kin sa harap. Ang unang mapapansin ay ang pila ng magagarang kotse sa harap ng sinasakyan namin, at kapag tinahak na nga ng mga mata mo ang istraktura 'di kalayuan, talagang mapapanganga ka na lang sa makikita mo.             Sa pagkakatanda ko sa mga nababasa kong libro sa Arkitektura, the mansion in front of us is a French chateau, a great example of French-baroque style to be specific. Ni-hindi ko nga alam na may ganto pala limang oras mula sa lugar namin! This is an aspiring architect's dream! Pero hindi na rin ako magtataka, tagong-tago ang lugar na 'to at base sa sinabi ni Papa, may nagmamay-ari na nito. It would be considered trespassing if ever one would try entering the land without permission.             “Pa, this is really... breathtaking,” biglang nasabi ko na lamang.             Nakita kong nangiti si Papa mula sa rear view mirror, “I knew you'll love it, just wait until you see the interior of the mansion.” Doon na ako nabuhayan, hindi naman pala masamang sumama ako rito.             Totoo ba talaga 'to? s**t. Wow.             Nabalik lang ako sa realidad nang maramdaman ko ang mahinang tapik sa balikat ko. Agad akong napatingin kay mama.             “Be on your best behaviour, okay Leto?” she said as I almost release an exasperated sigh.             Hindi naman ako bata, kung ituring niya ako para 'kong seven-year-old. Tumango na lamang ako at pinagpatuloy na nga namin ang paglalakad. Napuno ng magagarang damit at nagkikislapang mga alahas ang paningin ko. Siguro ay umaabot ng halos dalawang daan ang tao ngayon dito, pero kahit gan'on ay parang ang luwag pa rin ng silid kung nasa'n kami.             Nagulat ako nang marami-rami ring bumati kila Papa't Mama – lalo na nang makita kong kilala rin nila si Mama. Hindi rin nakawala sa paningin ko ang iba na nagpupukol sa'min ng nagtatakang mga tingin, pinigilan kong kumunot ang noo ko. What's wrong with them?             “Ito na ba si Leto?”             Mabilis na nalipat ang atensyon ko sa ginang na kausap ngayon nila Mama, agad ko siyang nginitian at bahagyang nag-bow. Ito ang turo sa'kin ni Papa simula pa noong una niya akong dinala sa firm nila. Sa tuwing may makikita raw akong mga taong related sa trabaho niya ay iyon ang gawin ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit pero siguro ay nakasanayan ko na siya kaya 'di ko na nagawa pang magtanong.             “Napakagandang bata, kamukhang-kamukha ka ng iyong ina,” komento niya muli.             Nalipat ang tingin ko kay Mama at naabutan rin siyang nakangiti ngunit agad akong nagtaka nang makitang tila pilit ito. Magsasalita sana ako nang biglang magpaalam ang matanda at yayain na muli kami ni Papa na magpatuloy sa pagpunta sa designated table namin.             Tama lang ang pwesto ng mesa namin, kahit hindi nasa pinaka-harap ay kitang-kita pa rin ang stage. Ilang saglit lamang ay nakita na namin ang pag-akyat ng isang lalaki sa podium.             “Good evening ladies and gentlemen, the program will start in a few minutes, please settle on your seats. Thank you.”             Pagbaba ng lalaki mula sa stage ay nilibot kong muli ang tingin ko sa buong lugar – nasunod naman ang pakiusap ng emcee at ngayo'y nakaupo na ang lahat.             Minutes passed and I'm starting to feel bored again, ako lang ang nag-iisang teenager dito sa table namin. Puro mga kakilala nila Papa ang kasama namin at ngayo'y sa kanila nakatutok ang atensyon nila. Hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan nila, puro business-business, ano namang alam ko ro’n? Nasa’n ba ang restroom?             Nang magpapaalam na ako kay Mama ay biglang bumukas ang entrance doors, mula rito'y nagsipasukan ang ilang mga tao. Ang iba'y magkakapares, ang iba grupo, meron ding mag-isa lang. Pero ang masisigurado mo sa kanila ay mas nakatataas sila sa lipunan kaysa sa kahit na sino sa mga nakaupong bisita. Lahat sila'y may kakaibang aura na para bang nagsasabing mas superior sila.             Merong ibang malalaman mo sa tingin pa lang na maykaya, pero ang pinaka nakapukaw ng atensyon ko ay ang isang grupo ng mga kalalakihang kasama sa mga huling pumasok. Lima sila na pinangungunahan ng isang tila  pinuno ng grupo. Bagamat halos pare-pareho sila ng suot na black suits, iba pa rin talaga ang tindig ng nasa gitna.             Ngunit mas nagulat ako nang makita ang isa pang pamilya na pumasok. The fact na kasama rito si Zanaya, I quickly felt confused. Anong ginagawa niya rito? 'Wag mong sabihing pati dito ay magkikita pa kaming dalawa?             Tiningnan ko ang dalawa niyang kasama – who were obviously her mom and dad. Ang eleganteng tingnan ng mama niya and her father looks like someone with authority. They could be one of the shareholders o kaya naman ay business associates ng mga Ford.             Nalipat ang tingin ko sa kasunod nilang pumasok, this time it's a pair – isang gwapong lalaki at napakagandang babae. Muntik ko nang kusutin ang mga mata ko sa sobrang ganda nung babae. Totoong tao ba siya? She could be a goddess for goodness' sake! Yung lalaki, oo may itsura din pero hindi kapantay nung ganda ng babae, ngunit kahit gan'on ay bagay pa rin sila. The guy seems cold and unattached while the girl tries to give genuine smiles to everyone.             Not-so soon after the pair, a guy walked in next. And what the – bakit ang daming gwapo't magaganda ngayon dito?! May itsura na nga, mga saksakan pa ng yayaman! Party ba 'to o meeting ng mga 'elites' kung tawagin nila?             Anyway back to the guy, mukhang may ibang lahi siya, he has this prince charming look in him at idagdag pa ang ngiting binibigay niya sa mga bumabati sa kanya. Bigla siyang nahinto sa paglalakad at tumingin sa likod niya, para bang may hinihintay. As if on cue, isang babae ang pumasok at dali-daling dumiretso sa lalaki.             This time, I audibly gasped. Nakanganga at nanlalaki ang mga mata akong humarap kay Mama na nasa tabi ko.             “Pa'no... Anong—“             “Not now Leto, we will talk about it later okay?” My mom said with finality.             Wala na akong nagawa at binalik na lang ang tingin ko kay Ate. Yes, my sister is here, with the said 'princely' guy and she looks so... in love. Ngayon ko napatunayan na malaki ang posibilidad na may tinatago nga sa'kin ang sarili kong mga magulang at kapatid. Agad na nawala ang natitirang saya na nararamdaman ko. Hindi na naman ako bata! Now I really need to leave.             “I have to use the restroom Ma,” paalam ko, she frowned.             “Not now anak, the Al—boss is about to enter. Later okay?” As usual, I have no choice but to comply.             The group of guys earlier stood up at biglang pumunta sa isle – ang daan mula sa entrance doors papuntang stage – at sila'y humilera sa gilid nito, tatlo sa kaliwa, dalawa sa kanan. Sunod na tumayo ay pitong kababaihan na nalalapit o mga ka-edad ko, galing sa iba't ibang mesa. Kasama rito si Zanaya na todo-ngiti. Sinundan nila ang pila nung mga lalaki kaya ngayon ay parehong anim na ang nakatayo kaliwa't kanan.             “Ladies and gentlemen, our dear friends and guests, let's all welcome our celebrant; Mr. Mattheo Ford with his ever-so lovely wife, Mrs. Freya Ford and their only son, the heir to the Ford Group of Companies, Jebediah Ford."             People rose from their seats and applauded kaya naman sumunod na rin kami at pumalakpak kasabay nila. A couple was the first one to enter, pareho silang nakangiti at makikita sa mukha nila na mabubuting tao sila. Sobrang simple rin ng mag-asawa, at kahit ga'nong kayaman ay hindi ka maka-kakita ng kung anu-anong kolorete sa katawan gaya ng iba rito ngayon. Ang gan—             Thump             My hand flew to my chest. What was that? Patuloy ang pagbilis ng t***k ng puso ko at ang abnormal na pagsakit nito, para bang gusto nitong kumawala mula sa dibdib ko. Kinagat ko ang aking labi at mabilis na tinukod ang kamay ko sa sandalan ng upuan. s**t.             “Leto?” Narinig ko ang pagtawag ni Papa sa'kin at naramdaman rin ang hawak niya sa braso ko. I just need to leave. Now.             “Pa,” saglit akong tumingin sa kanya at mabilis na nilipat ang tingin sa mga kasama namin sa table. “Please excuse me,” they all nodded and I hastily left while clutching my chest. Kayanin mo Leto.             I eyed the side doors at pinilit na pabilisin ang mga hakbang ko. Malapit na... konti na lang—             Thump             Damn it!             My balance slightly faltered as black spots slowly filled my vision. No. No please. Pilit pa rin akong naglakad nang maayos pero alam kong nagse-sway na 'ko sa bawat hakbang.             Thump             The pain became unbearable and I just can't take it all anymore. Napapikit na ako at nagpatalo sa kadiliman.             “So beautiful.”             That was the last thing I heard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD