"Sometimes the happy ending that you expected is a nice part of the story but there are times that before the happy ending came there were moments of trials that will try your love just to protect the one you loved the most." - Author CHAPTER 30 -SORA/ERICKA P.O.V- Maraming nagsabi na pagmagkasama nyong hinaharap ang pagsubok at buo ang tiwala mo sa taong minamahal mo ay walang imposible at lahat magagawa mo.Tatlong araw ang lumipas ng magpasya si Ford na tapusin ang problema na humahadlang sa pagsasama naming dalawa,nang umalis sya para puntahan ang mga kaibigan nya at gawin ang plano nya para sa mga taong naging dahilan ng paghihirap namin ni Ford ay lubos ang pagdarasal ko na maging ligtas silang lahat lalo na si Ford.Kasama ko sina Mama at Papa noon ma nagdarasal para sa kaligtasan

