Matapos ang pagkikita ni Sora at ng anak nya bagamat ang pagkakaalam nito ay pamangkin ito ni Max ay masaya parin si Ford dahil nasilayan na ni Sora ang anak nila.Pinangako nya sa kanyang sarili na pagkatapos ng lahat kahit hindi maalala ni Sora na may anak sila ay ipapaalam na nya na si Miracle ay bunga ng pagmamahalan nila. Walang mapaglagyan ang saya ng puso nya ng makita nya ang mga mata ni Sora na masaya habang hawak hawak ang kanilang anak.Alam nyang magaan ang loob ni Sora sa anak nila kahit wala syang kamalay malay na anak nila ang kinakarga at nilalaro nya.May times na gusto nyang sabihin kay Sora na anak nila si Miracle ay pinipigilan nya ang kanyang sarili dahil hindi pa iyon ang tamang oras. Inabot ng hapon ang pakikipaglaro ni Sora kay Miracle na magpasya na silang umuwi dah

