KAARAWAN ni Kenzo bukas. Bukas rin ang araw na balak ko na siyang sagutin. Bukas, finally ay magiging officially boyfriend ko na siya. Nakausap ko na si Arthur at sinabi ko sa kanyang mahal ko si Kenzo. Si Kenzo ang pinipili ko sa kanilang dalawa. I saw him hurt but he still wishes me happiness. "I love you Chantal! Pero kung siya ang makakapagpaligaya sayo hindi ako magiging hadlang sa kaligayahan mo. Kung sasaktan ka niya, always remember na nandito lang ako para sa'yo!" madamdamin na sabi sa akin ni Arthur. The last thing na gugustuhin kong mangyari ay ang saktan siya. Pero mas masasaktan ko lang siya kung paaasahin ko lang siya sa wala dahil si Kenzo naman talaga ang tinitibok ng puso ko. "Are you sure about this? Si Kenzo ba talaga ang mahal mo at wala na talagang pag-asa ang pins

