NAGISING ako na parang may nagtatalo. Dalawang magkaibang boses ng babae. Both sound very familiar. Yes, of course! It's Kristen's voice and the cobra ex dear friend of mine, Pamela! Sandali ko silang pinakinggan lang. Gusto ko munang humugot ng napakaraming lakas para humarap sa kaaway. "Umalis ka na Pam... bago pa kita kalbuhin sa sobrang inis na nararamdaman ko sa'yo ngayon!" Si Kristen iyon mahina ang boses niya at pilit nagpapakahinahon. Siguro rin ay ayaw niyang malaman ko na naroroon si Anaconda, I mean Pamela. "Ganyan ka naman eh... Si Chantal lang ang mahalaga sa iyo! Kaibigan niyo rin ako pero feeling ko saling pusa lang ako sa inyong dalawa! At ngayon hindi mo man lang papakinggan ang side ko because I was already convicted without a proper trial? Of course ang nararamdaman

