Chapter 9

1033 Words

DAHIL sa pagbabalik tanaw ng nakaraan. Tinanghali ako ng gising. Nagmumuni muni pa ako sa higaan ng marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Inot-inot akong bumangon at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang alalang alala na mukha ni Yaya Saling.  "B-Bakit po Yaya?" nag-aalala na rin ako dahil sa itsura ni Yaya saling. "May tumawag mula sa hospital may emergency daw sa kapatid mo! Nauna nang pumunta ang Mommy mo,sumunod ka nalang daw." "Sige po Ya maliligo lang po ako at susunod na kay mommy." Oh God sana walang masamang nangyari sa kapatid ko. Nag-aalala talaga ako ng sobra. Nanginginig ang mga kamay ko sa kaba habang hinuhubad ko ang pantulog ko. Halos wala ako sa sarili ko habang naliligo at agad na nagdrive papuntang hospital. Himala nga at hindi ako aksidente.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD