NAUNA akong makarating sa napag-usapan naming lugar. Hindi ko alam pero may takot akong nararamdaman. Paano kung nagbago na ang isip niya? Paano kung narealized niyang I don’t worth that much pala. Kasi ang dami namang babaeng naghahabol sa kanya ng hindi niya kailangan mag spend ng millions. Paano na kami kung nagkataon? Paano na ang Mommy at kapatid ko? Ano ang magiging buhay ko sa piling niya? Gagawin niya ba akong kept woman? Nagkatuluyan ba sila ni Pamela? Payag ba akong maging kabit kung nagkataon? Kaya ko bang kasama siya sa iisang bubong? Napakaraming tanong na lalo lang nagpapa nerbyos sa akin. Hindi ko tuloy namalayan na nasa harap ko na pala siya. Masyado akong naging busy sa pag-iisip. "Hi!" bati niya at naupo sa harap ng upuan ko. Nag-order siya ng kape sa waitress na para

