IBA talaga ang nagagawa ng pera at koneksyon. Mabilis nga naayos ang lahat ng kailangan namin. Flight tickets, visa, hospital bills, bahay na matutuluyan sa America at hospital na lilipatan kay Baby Jr and etc. Ilang araw na hindi nagpakita sa akin si Kenzo. Ina-update niya lang ako ng mga bagay- bagay na may kinalaman sa pag-alis namin sa telepono every now and then. Ako naman ay naging busy rin sa pag-aasikaso ng mga bagay na maiiwan namin ni Mommy. Ang kompanya ni daddy ay ipinabebenta ko na lang din dahil mukha naman wala na kaming magagawa doon. Malaki ang mga bayaran namin sa mga tauhan ng kumpanya tatlong buwan na daw delay ang sahod. At marami pang mga bayaran ang ipinakita sa akin ni Tita Joan. Ibinilin ko nalang sa abogado namin na ibenta at bayaran ang mga bayarin na naiwan.

