Chapter 1

1873 Words
- CHANTAL - I was malling with my bestfriend Kristen, when I got a call and heard the bad news from one of our house maids. Tumawag daw ang secretary ni Daddy sa bahay. Sinugod daw sa ospital si Daddy dahil sumakit daw ang dibdib nito matapos ang meeting na pinuntahan nito. ''Relax Chantal, hindi naman siguro malala ang nangyari sa Daddy mo,'' pagpapatahan sa akin ni Kristen. On the way na kami ngayon papunta sa ospital. Sakay ng kotse ni Kristen at siya ang driver. ''Dad is healthy like a bull Kris. Why this? Paano? Bakit? Okey naman siya kaninang umaga. Sabay pa nga kami na nag breakfast eh.'' ''Ssshhh... Okay lang si Tito Fernando, bes. Huwag ka munang praning diyan," sabi sa sakin ni Kristen habang nakatutok ang mga mata sa daan. Sinubukan ko ikalma ang sarili ko. Ngunit patuloy pa rin sa pagpatak ng mga luha ko at tinatambol ang dibdib ko sa sobrang pag-aalala. Nanginginig din ang mga kamay at tuhod ko sa pag-iisip ng maaaring mangyari sa daddy ko. Pagdating namin sa hospital ay agad naming inalam kung nasaan ang Daddy ko. Itinuro kami ng nurse na napag tanungan namin sa emergency room ng hospital. Naabutan namin doon ang secretary ni Daddy mukhang nag-aalala rin habang naghihintay ng resulta. "Tita Joan, hows Daddy?" agad na tanong ko. ''Hindi ko pa din alam, Chantal. Naghihintay rin ako ng resulta,'' halata ang pag-aalala sa boses nito. Mahigit twenty years na siyang secretary ni Daddy. Maliit pa lang ako ay nagtatrabaho na siya kay daddy kaya parang pamilya na rin siya sa amin. Palakad-lakad ako sa labas ng emergency room. Puno ng takot ang puso ko. Matapos ang mahabang paghihintay sa wakas ay lumabas din ang doctor. Laglag ang mga balikat nito. Para akong binagsakan ng langit at na baon sa pinakamalalim na parte ng lupa. Matapos ko marinig ang sinabi niya. ''I'm sorry! We did our best, but he's gone!'' tinapik niya ang balikat ko bilang pakikiramay. Pagkatapos ay nawala na siya sa harap ko. Nanlambot ang tuhod ko at parang mawawalan ako ng ulirat. Agad akong inalalayan ni Kristen at inupo sa naroong bakanteng upuan.   Sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko ang halos patakbong paglapit ni Mommy kasama si Yaya Saling. Lalo akong pinanginigan ng katawan. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mommy. ''C-Chantal anak hows your Dad?'' mababakas ang pag-aalala sa boses nito. Hindi ako sumagot. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya na wala na ang lalaking pinakamamahal niya. Nang walang makuhang sagot, agad na pumasok si Mommy sa pintong nilabasan ng doctor kasunod si Yaya Saling. Gustuhin ko man sumunod sa kanila, hindi ko nagawa. Pakiramdam ko ay walang lakas ang mga tuhod ko para tumayo at hindi ko alam kung kakayanin ko makita ang katotohanan sa sinabi ng doktor. ''Nooooo Fernando... H-hindi totoo ito bumangon ka diyan parang awa mo na!!!'' naririnig kong hysterical na sigaw ni Mommy. Mas lalong lumakas ang pag-agos ng mga luha ko. ''Please, Kris tell me...this is just a bad dream! Hindi totoo ang lahat ng ito!" baling ko kay Kristen ngunit puno rin ng mga luha ang mga mata niya at niyakap ako ng mahigpit. ''Jesus Maria! C-Chantal ang Mommy mo...," narinig kong sigaw ni Yaya Saling mula sa loob ng pinasukan ng mga ito. Kahit nanginginig ang mga tuhod ko mabilis akong tumayo at sinundan sila Mommy kasunod si Kristen at tita Joan. Pagpasok ko ay tumambad sa akin ang walang buhay kong ama habang nakatakip ng puting kumot hanggang dibdib. Sa ibaba ng kama ay ang walang malay na si Mommy habang alalay ni Yaya Saling. ''C-Chantal ang Mommy mo may dugo!" si tita Joan at agad na dinaluhan si Mommy. Pitong buwan na buntis si Mommy. After twenty two years ay ngayon lang ako nasundan. Masyadong maselan ang pagbubuntis ni Mommy dahil sa edad niya.   Si Kristen ay agad na tinawag ang mga nurse na kalalabas lang para humingi ng tulong. Para akong hinipan ng hangin at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Habang nakatakip ang isang palad sa nakaawang kong bibig. Walang buhay ang ama ko at nanganganib ang buhay ng Mommy at kapatid ko sa nakikita kong dugo na umaagos sa pagitan ng mga hita niya. Parang gusto ko nalang sumunod sa Daddy ko. Hindi ko alam ang gagawin at uunahin kong lapitan. Kaya nanatili lang akong nakatayo habang nagkakagulo ang mga tao sa paligid ko. Namalayan ko nalang mag-isa nalang ako kasama ang walang buhay na katawan ni Daddy. Dahan-dahan akong lumapit sa kama na kinahihigaan niya. ''D-Daddy you’re so unfair! Wake up... p-please wake up! Hindi ko ito kakayanin ng wala ka... Paano na kami nila Mommy and my baby brother... We all need you! Please, please wake up!'' marahan kong inaalog ang walang buhay na katawan niya. Nawalan na ako ng pag-asa nang maramdaman ko ang unti-unting paglamig ng katawan nito. ''Nooooo... Why you do this to us, Daddy!" sigaw ko at patuloy na niyuyogyog ang katawan niya. ''Bes, you need to get hold of yourself! Tita and your baby brother need you right now," naramdaman ko ang marahan na pagtapik ni Kristen sa balikat ko. ''There's papers you need to sign. Manganganak na si tita Emerald through "C "section. Hysterical siya at hindi niya kakayanin ilabas ng normal ang kapatid mo,'' ''W-what? Hindi pa manganganak si Mommy. Seven months palang ang tiyan niya!'' naguguluhan kong sabi. ''Nagbleeding si Tita at dahil doon kailangan niyang ilabas ng mas maaga ang kapatid mo,' puno rin ng pag-aalala na sabi ng matalik kong kaibigan. Wala akong nagawa kundi ipagkatiwala ang pag-aasikaso sa katawan ni Daddy kay Kristen at Tita Joan. Matapos kong mapirmahan ang mga kailangan na dokumento ay agad na sinagawa ang operasyon ni Mommy. ''Yaya, bakit sa amin nangyayari ang lahat ng ito? As far as I know wala kaming sinasagasaang tao. Tahimik kaming namumuhay. Tumutulong din kami sa mga nangangailangan,'' kausap ko kay Yaya Meding na tahimik na lumuluha. Tulad ko sobra rin siyang nag-aalala sa kalagayan ni Mommy. Pangalawang ina na siya ni Mommy dahil siya ang nag-alaga dito mula noong maliit pa si Mommy at siya na rin ang katulong ni Mommy sa pagpapalaki sa akin. ''Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mo. Pero pagsubok lang ito na malalampasan din natin. Lakasan mo ang loob mo Chantal. Ngayon ka mas kailangan ng Mommy at kapatid mo. Saan pa kukuha ng lakas ang Mommy mo kung pati ikaw ay magpapakita ng kahinaan,'' malungkot na sagot sa akin ni Yaya. Pinahid ko ang mga luha ko. Tama si Yaya hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Mas kailangan ako ni Mommy ngayon at hindi ako pwedeng maging mahina. Kailangan ko ang lakas ko para sa susunod pang mga araw. Kailangan ko pa rin puntahan ang burol ni daddy. Sisiguraduhin ko lang na maayos ang lagay nila Mommy tapos haharapin ko naman ang burol ni Daddy. Sana nga kayanin ko pa ang mga pagsubok na ito. “God, please give me more strength to face this all!”     ---     MAAYOS ang naging operasyon kay Mommy. Ngunit kailangan i-encubator ang kapatid ko dahil sa kulang ito sa buwan. Ang malala pa may maliit daw na butas sa puso kaya kinailangan namin iwan muna sa hospital si Baby Jr. para sa mga pagsusuring kailangan gawin. Si Mommy ay nakalabas na apat na araw matapos ang operasyon. Nagpumilit siyang pumunta sa huling gabi ng burol ni Daddy. Hindi niya raw ako mapapatawad kung hindi ko siya hahayaan makita si Daddy bago ito ilibing bukas. Naiintindihan ko siya kaya kahit nag-aalala ako sa kanya wala akong magawa kundi payagan siya. Ako man ang nasa kalagayan niya ay ganoon din ang gugustuhin ko. ''Mommy, umuwi ka na kaya. Baka makasama sa'yo ang pagpupuyat," nilapitan ko siya habang walang tigil sa mahinang pagluha malapit sa kabaong ni Daddy. ''K-Kaya ko ang sarili ko, Chantal. I-Ikaw ang u-umuwi ilang a-araw ka nang walang m-mayos na tulog,'' humihikbi na sabi niya sa akin. Totoo naman iyon. Mula ng mamatay si Daddy swerte na kung maka tatlong oras ako ng tulog. Pagkatapos kong bisitahin si Mommy at kapatid ko ay sa burol na ako ni Daddy tumutuloy. Uuwi ako sa bahay ng alas kwatro ng umaga matutulog lang ako sandali tapos maliligo at pupunta ulit ng hospital kay Mommy at Jr. ''Mommy, I'm fine. Ikaw ang inaalala ko paano kung makasama sa'yo ang sobrang pag-iyak!'' ''K-Kahit naman u-umuwi ako hindi rin naman ako m-makakatulog doon anak. Nasa D-Daddy mo at k-kapatid mo ang isip ko. Kaya h-hayaan mo na ako dito. Gusto kong m-makasama ang Daddy mo,'' utal na pakiusap ni Mommy. Kung nasasaktan ako siguradong mas nasasaktan siya sa pagkawala ni Daddy. Kaya hinayaan ko nalang siya. I just hope na hindi ito makasama sa kanya. ''Okay Mommy pero kung may masakit sayo o may kailangan ka nandito lang ako,'' at niyakap ko ng mahigpit si Mommy. How I wish pwede ko angkinin lahat ng sakit at ako nalang ang makaramdam. ''Ako na ang bahala sa Mommy mo Chantal,'' mahinang tinapik ako ni Yaya Meding. ''Salamat po, Yaya!'' at hinarap ko na ang mga taong nakikiramay. ''Bes, idlip ka kaya muna. Ako na ang bahala rito,'' boses iyon ng pambansang bestfriend ng Pilipinas. Malaki talaga ang ipinagpapasalamat ko sa kanya. Kundi dahil kay Kristen hindi ko alam kung paano ko mapagkakasya ang oras at sarili ko sa lahat ng problemang pinagdadaanan ng pamilya ko ngayon. ''Salamat, bes! Pero okay lang ako. Maliit na sakripisyo para sa huling gabi na makakasama ko si Daddy.'' 'Hmm, tumawag pala si Arthur kanina. Kinakamusta ka at sobrang humihingi ng sorry dahil hindi ka niya masamahan. Nag-aalala rin siya sa'yo, sobra. Kung pwede nga lang daw ay lilipad siya dito para masamahan ka," imporma niya sa akin. Ang tinutukoy niyang Arthur ay ang magaling kong boyfriend na kung kailan pinakakailangan ko siya ay saka naman wala sa tabi ko. Sa pagkakaalam ko ay nasa America siya at ipinadala ng pamilya niya for business trip. Kung bakit kay Kristen siya tumawag iyon ay dahil nawawala ang cellphone ko. Hindi ko    alam kung saan napunta matapos kung matanggap ang tawag sa nangyari kay Daddy hindi ko na alam kung saan ko nalagay ang cellphone ko. Araw-araw na tumatawag si Arthur sa bahay man o kay Kristen wala akong sinasagot sa mga iyon. Sobra akong nagtatampo sa kanya. Umalis siya ng walang paalam sa akin. Ang masaklap pa sa isang kaibigan ko pa nalaman na isang Linggo na pala siya na nakakaalis at hindi ko manlang alam.   Business trip daw ang pinuntahan at anim na buwan mawawala. Hindi ako tanga. May palagay ako na ayaw sa akin ng pamilya niya sa hindi ko malamang dahilan. At ang pag-alis ni Arthur ay paraan ng parents niya para mailayo siya sa akin. Mag-iisang taon na kami ngunit hindi ko maramdaman sa pamilya niya ang pagtanggap sa akin. "Tatawag daw siya ulit mamaya at nagmamakaawang kausapin mo daw sana siya,'' dagdag na imporma ni Kristen. Pinsan nga pala niya si Arthur. ''Ayaw ko muna siyang kausapin, bes. Masyadong puno ang utak ko ng maraming problema. Ayaw kong dagdagan pa,'' malungkot kong sabi kay Kristen at mukhang naiintindihan naman niya at marahang tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD