Chapter 2

983 Words
DALAWANG araw mula ng mailibing si Daddy ay nagdesisyon akong harapin ang negosyong naiwan ni Daddy. Bilang panganay na anak ay responsibilidad ko ang mga naiwan niya. Nakakunot ang noo ko habang binabasa isa-isa ang mga papeles na naiwan ni Daddy sa ibabaw ng mesa niya. Bigla akong kinabahan ng mabasa ko ang isang papeles na may nakasulat na pangalan ng isang bangko. Naiintindihan ko ang ibig  sabihin niyon ngunit hindi ko maintindihan kung bakit may ganoong papeles si Daddy. Agad akong tumayo at tinawag si Tita Joan na nasa labas lang ng pinto ng opisina ni daddy. ''What does this mean, tita?" walang ligoy kong tanong habang ipinapakita ang papeles na hawak ko. Naglikot ang mga mata ni tita Joan. ''I-I'm sorry Chantal, but I believe iyan ang dahilan ng atake sa puso ng Daddy mo.'' ''What? Meaning totoo ito? Why? How? Paanong nagkaroon ng ganito ka laking utang si Daddy?" sunod-sunod kong tanong. Twenty Million plus interest ang kailangan bayaran ni Daddy sa bangko! Nagyuko ng ulo si Tita Joan. ''I'm sorry Chantal matagal ng lugi ang kompanya. Niloko kasi ang Daddy mo ng isang kasosyo niya sa negosyo noon at itinakbo ang pera. Umutang siya sa banko para makabawi ngunit masyadong malaki na ang naging damage sa kompanya at hindi na makaahon pa ang Daddy mo.'' Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko kay Tita Joan. All this years pagwawaldas lang ng pera ang ginagawa ko ngunit wala akong narinig mula kay Daddy. Kaya hindi ko alam ang tunay na estado ng kompanya. Nang matapos ako ng business management. Sinabi ko kay Daddy na magtatrabaho ako sa kompanya namin ngunit palagi lang niyang sinasabi sa akin na ''The company is doing fine anak. Enjoy your life with your friends lang muna. I will tell you when it's time for you to work for our company.'' ''Maraming mga ari-arian sila Daddy pero bakit ang mansion pa ang ginawang qualateral ni Daddy?'' ''Matagal nang wala ang mga sinasabi mong mga ari-arian Chantal. Isa-isa na silang naibenta ng Daddy mo at ang Mansyon na lang ang tanging natitira at tulad ng nabasa mo riyan hanggang sa susunod nalang na buwan ang palugit na binibigay ng banko at pati iyon ay mawawala na rin sa inyo.'' Nanghina ang tuhod ko sa sinabi ni Tita Joan. Dahan-dahan akong umupo para hindi tuluyang bumulagta sa mga pasabog na nagpuputukan sa mukha ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at marahang minasahe. ''God, why this? Why me? Kailan matatapos ang delubyo sa pamilya ko?'' ''S-Si Mommy alam niya ba ito?" nauutal kong tanong. Marahan ang pag-iling ni Tita Joan. ''Alam niyang nakasanla ang mansion pero sa pagkakaalam niya ay nababayaran ng Daddy mo ang interest nito.'' ''Tita paanong pinaniwala kami ni Daddy that nothing is wrong? Paano niya nagawa sa amin ni Mommy ito?" humihikbi na ako. Hindi ako takot maghirap. Mas takot ako sa maaaring maramdaman ni Mommy. Baka hindi niya matanggap baka bumigay na rin siya at hindi na niya kayanin pa ang lahat ng ito. ''Fernando loves you and your Mommy so much, Chantal! He did and tried everything para maisalba ang lahat ng hindi niyo kailangan mag-alala.'' ''Oh my... Daddy I want to hate you for this! For making me feel like a bad daughter. We are your family! Bakit kailangan mong solohin ang lahat?'' mahina kong bulong sa hangin. Matagal na palang may problema ang kumpanya, and Daddy were doing the best he can para maisalba ang kompanya ng hindi namin ni Mommy  kailangan baguhin ang mga nakasanayan naming luho sa buhay. I spent my father's money kahit sa hindi naman kailangan na mga bagay tulad ng pagbili ng mga mamahaling sapatos,damit, bag,alahas etc. Kahit hindi ko pa naman halos naisusuot o nagagamit lahat ng mga napamili ko sa mga nauna ko pang mag shopping. Kapag may nagugustuhan ako binibili ko agad. Mayaman kami! Maraming pera si Daddy! Iyon ang alam ko, dahil never ko naramdaman na naghihirap na pala kami. Walang sinabi si Daddy. Ni wala akong idea sa status ng kabuhayan namin.   ''I'm really sorry, Chantal!'' nakayukong sabi ni tita Joan. "Pinapayuhan ko lagi ang Daddy mo noon na ipaalam sa inyo ng Mommy mo ang totoong kalagayan nang kabuhayan niyo. Matigas ang ulo ng Daddy mo. Mas gusto niyang solohin ang problema. Akala niya kakayanin niya pa maibangon ang lahat nang hindi niyo kailangan malaman ngunit hindi na siya nakabangon. Tuloy-tuloy ang pagkalugi nito." Lumuha na rin si tita Joan habang pinag tatapat sa akin ang lahat. Gusto kong magalit sa kanya dahil hindi niya sinabi sa akin ang totoo noon. Pero  anong magagawa ni Tita Joan  kung si Daddy ang ayaw sabihin sa amin ang totoo. ''Tita, please set me an appointment at Salameda bank. The soonest possible!" sabi ko nalang sa kanya. ''Okey!" at iniwan na ako ni tita Joan. Hindi ko alam kung may paraan pa para maisalba ang lahat. Ang alam ko lang kailangan kong kumilos habang may panahon pa. Sa kangkungan kami pupulutin kapag nagkataon. Paano na si Mommy at ang kapatid ko? Hindi pa man nakakalabas ng hospital ang kapatid ko. Wala na palang uuwiang bahay.   Saan ko sila ititira kapag wala akong nagawang paraan?   "Daddy help me! Malapit na akong masiraan ng ulo. Anong gagawin ko? Bigyan mo ako nang maraming lakas ng loob na malampasan ko ang mga problemang naiwan mo sa akin," umiiyak na bulong ko sa hangin. "You're so unfair! You’re so unfair… Hindi mo man lang kami winarningan sa mga mangyayari. You pamper us with everything... And now you left us with nothing!" Para akong tanga na nakatingin sa apat na sulok ng opisina ni Daddy. Kinakausap ang sarili at hindi alam ang gagawin. Nanlalabo ang paningin ko sa mga luhang walang tigil sa pagpatak. Hinayaan ko nalang na umagos. Mauubos din naman siguro itong mga luha ko kapag napagod na ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD