Chspter 3

2127 Words
NANDITO ako ngayon sa harap ng Salameda Bank. Hindi ko alam kung papasok na ba ako o mag stay muna ako sa loob ng kotse ko. May ilang minuto pa ako bago ang takdang oras ng appointment ko. Nanginginig ang kamay at tuhod ko sa Nerbiyos. Paano kung hindi nila ako pagbigyan sa hihingin kong dagdag na ilang buwan pa na palugit? Sabi sa akin ni Tita Joan ay iyon din sana ang hinihiling ni Daddy ngunit hindi ito pinagbigyan ng bagong nakaupong CEO ng Salameda bank. Paano ko sasabihin kay Mommy? Araw-araw siyang nasa hospital at binabantayan ang kapatid ko. Kaya ko bang dagdagan pa ang paghihirap niya kapag sinabi ko ang totoong kalagayan ng kabuhayang naiwan ni Daddy? At sa susunod na buwan ay kailangan na naming lisanin ang mansion! At hanggang ngayon wala pa akong alam na pwede namin lipatan. Saan ako kukuha ng pambayad ng bills sa ospital ng kapatid ko? "Oh God please help me. Ngayon lang ako humihingi ng pabor sayo. Sana matulungan mo ako!" mahina kong panalangin saka ako nag desisyon na pumasok na sa loob ng bangko. Hindi ako pwedeng malate lalo at napakalaking pabor ang kailangan ko mula sa kanila. Dumeretso ako sa isang mesa kung saan sa tingin ko ay ang secretarya ng big boss. ''Good morning! I'm Chantal Valdez and I have an appointment with Mr. Salameda," ngumiti ako ng bahagya ngunit hindi ko tinanggal ang sunglasses na suot ko. Ilang araw na akong walang tulog at mukha na akong zombie sa mga eyebags ko.   Gumanti rin ng ngiti ang magandang sekretarya na kung hindi ako nagkakamali ay halos kasing edad ko o di kaya ay matanda lang ng isa o dalawang taon sa akin. "Please have a sit, Miss Valdez. My ongoing meeting pa kasi si Sir sa loob," at tumingin ito sa pinto na nakasara. "Okey, thanks!" sabi ko at naupo sa naroong upuan. Ilang minuto na akong naghihintay ngunit hindi pa rin ako tinatawag ng sekretarya. Mukhang natagalan yata ang meeting ng kung sino ang nauna sa akin. Ano kaya ang pakay? Katulad din ba ng kung ano ang kailangan ko? Patingin-tingin ako sa relong pambisig ko.  Napapansin ko ang parang nagsisimpatyang patingin-tingin sa akin ng sekretarya. Hindi ko nalang pinansin. Malamang ay alam niya kung ano ang ipinunta ko dito. Kaya siguro nagsisimpatya ang tingin niya sa akin. Almost thirty minutes na akong naghihintay ng sa wakas ay bumukas ang pinto ng opisina. Lumabas doon ang isang napakaganda at sexy na babae. Hindi ko napigilan na sundan siya ng tingin. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Marga San Jose isang sikat na modelo at kadalasang cover ng mga fashion magazine. Nakasunod pa rin ang tingin ko sa babae ng kunin ng sekretarya ang attention ko. "Miss Valdez pwede na kayong pumasok." Huminga ako nang malalim saka tumayo at pinasalamatan ang secretarya. Tinanggal ko muna ang sunglasses ko saka hinarap ang pinto. Nanginginig ang mga kamay ko ng hawakan ko ang door knob ng pinto ng opisina. "Goodluck Chantal! Prepare yourself for the worst!" bulong ng isang bahagi ng isip ko. Inihanda ko ang pinakamatamis kong ngiti para sa kung sino mang nasa loob ng opisina.     Parang malalaglag ang panga ko ng mapagsino ko ang lalaking kampanting nakaupo sa likod ng magarang office table. Nakatingin ito sa papeles na sa tingin ko ay ang record ng utang ni Daddy. God of all people, Kenzo Fontivilla Salameda talaga? My biggest enemy! Siya pala ang bagong CEO ng Salameda Bank.Gusto kong pagsisihan kung bakit nawala sa isip ko na mag research bago ako sumugod sa lugar na ito. Sa dami ng iniisip ko...nawala sa isip ko ang posibleng connection ng lalaking ito sa Salameda Bank. ''Huwag ka nalang magsayang ng laway Chantal! Walang puso ang taong kaharap mo ngayon! Go before he crash you into tiny pieces!" bulong ng isang bahagi ng utak ko. Ngunit para akong nahipan ng masamang hangin. Gusto kong kumaripas ng takbo palabas sa lugar na iyon ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko sa sobrang kabiglaan. Lumipat ang tingin niya mula sa mga papeles na hawak papunta sa akin. Pinagtakhan niya siguro ang hindi ko na paghakbang palapit sa kung saan ako dapat uupo. “Mr. Valdez---" nakita ko ang biglang pagsasalubong ng mga kilay niya at panandaliang pagrehistro ng pagkabigla sa mukha niya ng makita ako. May palagay akong hindi niya rin inaasahan ang pagkakita sa akin. "What a pleasant surprise, Miss Valdez!" aniya nang makabawi sa pagkabigla. "Have a sit! Don't worry,  I don't bite," dagdag na sabi niya ng makita siguro ang pag-aalangan ko. Lumapit naman ako. "G-Good morning, Mr. Salameda!" bati ko ngunit hindi pa rin tumitingin ng diretso sa kanya. Tinatambol ang puso ko na halos kumawala na sa katawan ko. Pakiramdam ko isa akong tuta na pagkatapos makilala kung gaano kalaki ang kaaway sa harap ko ay nabahag ang buntot ko. "So Mr. Valdez sent his beautiful daughter this time… Akala ba niya ay mababago niya and desisyon ko kapag ganito kaganda ang haharap sa akin?" nang uuyam ang boses niyang wika. Biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Napakawalang puso talaga niya para magsalita ng masama sa taong pumanaw ng dahil sa panggigipit na ginawa niya. Namumuhi ko siyang tiningnan at nakatayo ko siyang hinarap. "Wala ka pa rin kwentang tao, Kenzo Salameda! How dare you to talked bad about the person who can no longer depend himself!" nakalimutan ko na kaya pala ako narito para humingi ng awa hindi para makipag-away. "Salamat nalang sa panahon, goodbye!" at mabilis ko siyang tinalikuran. Mas gugustuhin ko pang matulog sa bangketa kaysa makiusap sa walang pusong taong ito. Bago ko pa nabuksan ang pinto ay naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. "Wait, Chantal..." Nilingon ko siya at galit na pinaglipat-lipat ang tingin sa mukha niya at sa kamay niya na hawak pa rin ang braso ko. "I'm sorry about your father! I did not know…." mababang loob na paumanhin niya. "What can I expect from someone like you? Salamat nalang at aalis na ako..." matabang kong sabi sa kanya hindi ko na pinatapos sa kung anuman na sasabihin niya. "I said I'm sorry! Why you never give me a chance to explain myself?" binitawan nga ang kamay ko hinarangan naman ang dadaanan ko. "Wowww great, just great!" nang uuyam kung sabi. "Tungkol pa ba ito sa kasalukuyan o tungkol na rin ito sa nakaraan?" "What?" parang nagugulohan niyang tanong. "Nothing. Let me go! Kalimutan mo nalang na nagpunta ako dito... Kung alam ko lang na ikaw pala ang nakaupong bagong CEO nitong bangko hindi na sana ako nagpunta rito. Sinayang ko lang ang oras nating dalawa," walang buhay kong sabi sa kanya. Sinubukan ko ulit na dumaan palabas ngunit mas lalo niya pang hinarangan ang pintuan. "Ganito na ba kalaki ang galit mo sa akin? Na mas gugustuhin mo pang maging homeless kaysa ang humingi ng pabor mula sa akin?" "No, hindi ako galit sayo Kenzo..." Totoong hindi na ako galit kay Kenzo. Anuman ang nangyari sa pagitan namin noon ay nakalimutan ko na iyon. "Namumuhi ako sa'yo, Mr. Salameda!" pagkamuhi ang nararamdaman ko sa kanya ngayon dahil siya pala ang walang pusong tao na huling nakausap ni Daddy. "Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang Daddy ko! Kung pinagbigyan mo pa sana ng kahit ilang buwan na palugit si Daddy hindi sana siya inatake sa puso at namatay! Kapiling pa namin sana siya ngayon. May ama pa sana kami ng kapatid ko at may asawa pa sana ang Mommy ko ngayon!" Kung ibang tao pa sana ay baka hindi ako nagalit dahil ginagawa lang nila ang trabaho nila. But not Kenzo Fontivilla Salameda! Dinagdagan na naman niya ang mga kasalanan niya sa akin na kinalimutan ko na sana. "I'm sorry! Hindi ko alam na siya ang Daddy mo. I'm just doing my job! I'm really sorry! I really am!" paghingi niya ng paumanhin sa akin. Kinabig niya ako at dinala sa dibdib. Nagpumiglas ako ngunit malakas siya. Walang kahirap hirap niya akong nadala sa matipuno niyang dibdib. Kaya namalayan ko nalang na nakakulong na ako sa mga bisig niya. Basang-basa na ang polo niyang suot ng payagan niya akong ilayo ang sarili sa kanya. Inalalayan niya akong maupo sa mahabang sofa na naroroon. Hindi niya binibitawan ang kamay ko habang masuyong pinapahiran ang mga luha ko ng isang kamay gamit ang panyong kakulay ng necktie niya. Pinagmasdan niya ako at mukhang may gustong sabihin. "I-I'm sorry about your parents mansion! Wala na akong magagawa tungkol doon...but if you want I can use my own money from my own pocket to help---" Hindi ko siya pinatapos magsalita. "No! Hindi ko kailangan ng limos mula sa'yo. Mas nanaisin ko pang matulog sa bangketa kaysa tumanggap ng kahit anong tulong mula sa'yo!" Tumayo ako ulit at aalis na nang bigla siyang nagsalita. "Be mine then, kapalit ng halaga ng mansion niyo…” Marahas ang naging paglingon ko sa kinauupuan niya. "Come again?" tanong ko ng inaakala kong nagkamali lang ako ng pandinig. "I said... stay with me kapalit ng halaga ng mansion niyo," pag-uulit niya. "A-Are you buying me?" hindi makapaniwala kong tanong. "YES! Your parents mansion's worth plus the interest. Kapalit mo!" "Nagpapatawa ka ba? Tatawa na ba ako ngayon?" "I'm serious!" "Then you’re insane!" "Think about my offer Chantal... Call me before the end of this month when you change your mind,” narinig kong sabi niya bago ako tuluyang lumabas ng opisina niya. Hindi ko na siya nilingon. Hindi ko ipinagbebenta ang katawan ko.   ---   SA coffee shop na pag-aari ni Kristen ako tumuloy pagkagaling ko sa Salameda bank. "Is it true, bes?" puno ng pag-aalalang tanong sa akin ni Kristen. Nagkunwari akong hindi ko naintindihan ang tanong niya. "Totoo ba ang ano?" umupo ako sa paborito naming upuan sa may bandang terrace ng coffee shop. ''Bes, kaibigan mo ako. Hindi mo kailangan itago sa akin," may pagtatampo sa boses ni Kristen. Si Kristen naman ang umiwas ng tingin sa akin. "Come-on, bes. You can tell me! Sa tingin ko marami na rin naman ang nakakaalam. May pakiramdam nga ako na ako nalang ang walang alam at syempre si Mommy na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano sasabihin sa kanya." "I-I heard it from tita Eliza," ang Tita Eliza na sinasabi ni Kristen ay ang Mommy ni Arthur. Kapatid ng Mommy ni Kristen ang Mommy ng boyfriend ko. "Doon siya nag lunch kanina sa bahay. Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila," huminto ito muna sandali at nagsisimpatyang hinawakan ako sa kamay. "I don't know if I should tell you this but I believe that you need to know." May hinala na ako sa kung ano ang sasabihin ni Kristen pero hinayaan ko siyang tapusin ang kwento niya. "They did not sent Arthur to go to US just for a few Months business trip. Pinaalis siya ng parents niya para ilayo sa'yo." Boooommmm! Isa na namang pasabog sa mukha ko. Mayroon pa ba? Please, paputukin niyo na para isahan nalang! Baka kung sa susunod pang mga araw ito puputok, bigla nalang ako bumulagta at hindi ko na kayanin. "Matagal na daw nilang alam na nalulugi na ang kompanya ng Daddy mo. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw nila sayo para kay Arthur. Nang malaman daw nila na formal announcement nalang ang kailangan para e-declare ang bankruptcy ng kompanya niyo agad na nilang pinaalis si Arthur bago pa makabit ang pangalan nila sa inyo." Hindi ko namalayan tumutulo na naman ang mga luha ko. Hinubad ko ang sunglasses ko at pinahiran ang nag-uunahan kong mga luha. Niyakap ako ni Kristen. "I'm sorry bes! Kausapin mo na kaya si Arthur. I heard hindi niya alam ang plano nila tita Eliza. They deceived Arthur para umalis!" Sunod-sunod akong umiling. "Mas mabuting huwag nalang kaming mag-usap. Ano ang laban ko sa parents niya? Noon nga na pabagsak palang kami inayawan na nila ako, ngayon pa kaya na wala nang natira sa amin," humihikbi kong sagot. Mahal ko si Arthur pero pagod na akong lumaban. Wala na akong lakas. Kulang nalang magkagutay- gutay na ang puso ko sa lahat ng pinagdadaanan ko ngayon. "Bes don't give Arthur up without a fight. You love him and I'm sure mahal ka niya. Ipinaglalaban ka niya sa parents niya. Huwag mo naman siyang isuko agad nang ganoon nalang!" I understand Kristen kung bakit ganoon nalang ang kagustuhan niyang maayos pa ang relasyon namin ng pinsan niya. Ngunit masisisi niya ba ako kung gusto ko nalang sumuko? Sa lahat ng pinagdadaanan ko ngayon wala na akong lakas ipaglaban ang kaligayahan ko. Si Mommy at Baby Jr. nalang ang kailangan ko isa alang-alang ngayon. Dahil sila nalang ang mayroon ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD