Chapter 4

1663 Words
- KENZO - HAWAK ko ang isang folder na naglalaman ng lahat ng record ng pagkakautang ng isang Fernando Valdez. May idea na ako kung ano ang kailangan niya. Kukulitin na naman niya ako na extend ang pag-ilit ng bangko namin sa Mansion nito na collateral sa utang nito na nagkakahalaga ng twenty Million. Tinanggihan ko na siya halos dalawang Linggo na ang nakakaraan ngunit nag set na naman ng appointment ngayong umaga. Gusto ko man siyang pagbigyan ngunit kung lahat ng pagkakautang sa bangko namin ay pagbibigyan ko. Siguradong lugi ang labas namin. Isa pa hindi birong halaga ang pinag-uusapan dito. Tumataginting na twenty Million plus interest na kahit isang beses ay hindi niya nabayaran. Pinasadahan ko ulit babasahin ang record. Baka sakaling may makita akong dahilan para e-delay ang pag-ilit sa mansion nito. May puso naman ako pero syempre hindi ko basta na lang pairalin pagdating  sa negosyo. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Ngunit walang lumapit at naupo sa upuan na nasa harap ng mesa ko. Ibinaba ko ang record at tumingin sa taong pumasok ng opisina ko. Nagulat ako na imbes na si Mr. Valdez and makita ko ay ang si Chantal ang tumambad sa akin. Medyo nablangko ako saglit. Hindi kasi talaga pumasok sa isip ko ang posibilidad na anak ni Mr. Valdez si Chantal.  Dahil sa pagkabigla ay na muli ko siyang makita ay nakapagsalita ako ng hindi maganda. Hindi ko naman kasi akalain na ang taong kausap ko lang noong nakaraan ay pumanaw na pala.  Nakita ko ang paghihirap ang loob ni Chantal at hindi ko parin pala talaga siya kayang tiisin kaya inalok ko siya ng tulong. Ngunit syempre ay tinanggihan ito. Alam ko kapag hinayaan ko siyang umalis ngayon ay posibleng hindi ko na rin siya makita pa kahit kailan dahil nga nadagdagan na naman ang atraso ko sa kanya. Ngayon ay ako pa ang sinisisi niya sa pagpanaw at atake sa puso ng daddy niya. Kaya bigla ko siyang inalok ng malaking halaga kapalit ng katawan niya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at iyon ang lumabas sa bibig ko. Basta ang alam ko lang ngayon nakakita ulit ako ng pagkakataon na mapasaakin siya ay hindi ko na ‘yon palalagpasin pa.  Ngunit lalo pa ito nagalit sa akin at nag walk out.  Agad ko naman siyang sinundan. Nag-aalala ako sa kanya dahil alam kong emotionally unstable siya dahil sa pagkamatay ng daddy niya at ang mga problemang naiwan nito sa kanya. "Gina, cancel all my meetings!" utos ko sa nabigla kong sekretarya. Never pa akong nagpa cancel ng meeting mula nang ako na ang naging CEO nang Salameda Bank. Ayaw ko kasing biguin ang Daddy ko. Gusto kong mapatunayan sa kanya na hindi siya nagkamaling magbitiw at  ipamahala na sa akin ang Salameda Bank.  Hindi ko na hinintay ang sagot nang sekretarya ko nagmamadali na akong lumabas ng opisina ko. Sana maabutan ko pa siya! piping hiling ko. Sinuyod ko ng tingin ang parking lot ng bangko nagbabakasakali na makita ko pa  doon si Chantal. Hindi naman ako nabigo. Nakita ko siyang nakatungo sa manibela ng kotse niya. Umiiyak na naman siya. Kitang kita ko ang pag-alog ng mga balikat niya. Kung pwede ko lang siyang lapitan ay ginawa ko na ngunit alam ko na ipagtatabuyan niya lang ako. Mabilis akong sumakay sa kotse ko nang makita kong mukhang okay na siya at handa nang umalis. Para akong buntot at nakasunod lang sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero may nagtutulak sa akin na gawin iyon. Humantong kami sa isang coffee shop.  Nakita kong sinalubong siya ng matalik niyang kaibigan na si Kristen. Mukhang hindi naman nila ako napansin. Naupo ako patalikod sa kanila pero sinisigurado kong maririnig ko ang pag uusap nila. Humingi ako ng black coffee sa lumapit na waitress. Napakuyom ang kamao ko ng marinig ang pinag-uusapan nila ng matalik na kaibigan niyang si Kristen. Hindi ako makapaniwala sa manipulasyon na ginawa ng magulang ni Arthur para paghiwalayin sila.  Noong sa tingin ko ay hindi ko na kaya ang pinag-uusapan nila ay lumabas na ako ng coffee shop at iniwan sila.    ---   - CHANTAL - MASAKIT sa akin na bumitaw sa relasyon namin ni Arthur, pero kailangan kong gawin para sa ikatatahimik ng lahat. "Wala na akong lakas para ipaglaban siya, bes. Noon nga na pabagsak pa lang kami inayawan na ako ng parents niya. Paano pa kaya ngayon na walang wala na kami. Tuluyan nang bumagsak ang kabuhayan namin." "Bes,sigurado akong pipiliin ka niya kung sakaling itatakwil siya nila tita Eliza. Ganoon ka niya kamahal, you know that. Right?" Hindi ko masisisi si Kristen kung ganito nalang niya ka gustong ipaglaban ko ang pagmamahalan namin ng pinsan niya. Siya ang naging tulay sa amin ni Arthur. At tama siya alam ko na mahal ako ni Arthur at walang pagdududa na pipiliin niya ako. Pero sino ako para papiliin siya sa pagitan ko at ng parents niya? "That's exactly my point, bes! Ayaw kong mangyari na kailangan pang mamili ni Arthur between me and his family. At saka idadamay ko lang siya sa miserable kong buhay. Dahil sa susunod na buwan baka sa banketa na kami pulutin. Ipinagtapat ko na kay Kristen ang lahat tungkol sa bumagsak na kabuhayan namin at ang pag-ilit ng bangko sa mansyon na tinitirhan namin. Liban sa hindi sinasadyang pagkikita namin ni Kenzo Fontivilla Salameda at sa offer nito sa akin. "Oh my God, bes! That bad? Akala ko exaggerated lang si tita Eliza sa kwento kay Mommy. Hindi ko alam na pati pala ang mansion niyo ay mawawala na din." Nakikita ko ang simpatya sa mukha niya. Gusto ko sanang sabihin na huwag niya akong kaawaan ngunit nakakaawa naman talaga ang mga pinagdadaanan ng pamilya ko ngayon. Nakaatang din sa balikat ko ang Mommy at kapatid ko. Sa susunod na buwan kailangan na namin lisanin ang Mansion at tanging mga personal na gamit at mga alahas at kotse ko nalang ang matitira sa amin. Kailangan ko pang ibenta ang mga alahas namin at kotse ko para pambayad sa bills sa ospital ni Baby Jr. Ang matitira iyon na lang ang kailangan pagkasyahin para sa pag-uumpisa namin ng panibagong buhay. "Yes," sinabayan ko pa ng marahan na pagtango. Nahinto na rin ang pagtulo ng mga luha ko. Finally naubos na yata at wala nang lumalabas. Kristen grabbed my hand. "I have savings, bes. Gamitin nyo lang muna," alok nito sa akin. Sa totoo lang inaasahan ko nang sasabihin niya iyon. Ganito siya kabait na kaibigan. But no, I cannot accept it. Paano kung malaman ng Tita Eliza ni Kristen? Lalo lang nilang iisipin na tama ang ginawa nilang paglayo sa akin kay Arthur. "Hindi ko sasabihin kahit kanino!" dagdag nito ng mabasa ang iniisip ko. "Thank's, bes... but no! Kakayanin namin ito. May paraan pa naman siguro," matigas kong tanggi. "I'm your bestfriend. I want to help, pero ikaw ang bahala. Just come to me anytime magbago ang isip mo!" Nagpasalamat ako kay Kristen at nagpaalam na rin ako. Nagtext na si Mommy at nasa bahay na daw siya. Napagdisisyunan kong dumaan sa ospital bago umuwi. Gusto kong silipin si Baby Jr. Kailangan ko ng mapaghuhugutan ng lakas ng loob at ang kapatid ko ang isa sa nagbibigay ng lakas sa akin. Pagdating ko sa ospital ay dumeretso ako sa nursery kung saan naroon ang kapatid ko. Marami pa rin mga kung anu-anong aparato na nakakabit sa maliit na katawan nito habang nasa loob pa rin ng incubator. Pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan siya mula sa salamin na bintana ng nursery ng hospital. Gustong tumulo ulit ng luha ko ngunit tuyot na yata ang mga mata ko wala nang pumapatak na luha. "Hi little bro! Ate Chantal is here. Keep fighting bro... Mommy and ate loves you so much! Daddy loves you too! But… but too bad hindi mo na siya naabutan. Paglaki mo ikwento ko sa iyo how good father Daddy was."Marahan kung bulong kahit alam ko na hindi naman iyon niya maririnig. Ilang minuto pa akong naroroon at pinagmamasdan lang ang kapatid ko. Nang makaramdam ng pagod ay saka lang ako umuwi. Sinalubong ako ni Yaya Meding. Nasa kwarto na daw si Mommy at nagpapahinga. Buti naman.Hindi kasi ako komportable na humarap kay Mommy habang hindi ko pa alam kung paano sasabihin sa kanya ang lahat. Dumiretso na ako sa kwarto ko. Nagpadala na lang ako ng sandwich at mainit na gatas. Iyon nalang ang hapunan ko. Wala kasi akong gana kumain pero nararamdaman ko na ang pagkalam ng sikmura ko. Kape lang pala ang laman ng tiyan ko mula kaninang umaga kaya pinilit kong lunukin ang sandwich na ihinatid ni Yaya Saling. ''Nangangayayat ka na bata ka. Huwag mo naman pabayaan ang sarili mo!" "Okay lang ako, Yaya. Busog na ako dito." itinaas ko pa ang sandwich ko na nasakamay. “Si Mommy kumain na ba?" "Nako isa pa iyang Mommy mo tinitikman lang ang pagkain. Kundi nasa ospital sa kapatid mo, nagkukulong naman sa kwarto at umiiyak habang yakap ang larawan ng Daddy mo," napapailing pa na sabi ni Yaya Meding. I cannot blame Mommy. She loves Daddy so much. Pareho namin hindi inaasahan ang nangyari kay Daddy. Hindi niya rin alam ang estado namin ngayon na malapit na kaming mawalan ng tirahan. Kaya inuubos niya ang oras niya sa pagluluksa. "Salamat, Yaya Meding. Sa pag-aalaga sa amin ni Mommy!" "Sus ano ka ba naman bata ka! Kayo nalang ng Mommy mo ang pamilya ko kaya wala sa akin iyon." Ulilang lubos si Yaya Meding at hindi nag-asawa. Totoong kami na ang itinuturing niyang pamilya. Gusto ko sana sabihin sa kanya ang problema na dinadala ko ngunit bibigyan ko lang siya ng alalahanin. "Basta Yaya Meding... salamat sa lahat!" sabi ko nalang at niyakap siya. Gumanti naman siya ng yakap. "Siya, sige na. Magpahinga kana," sabi niya ng kumalas sa pagkakayakap. Paglabas ni Yaya Saling ay agad akong naghanda para matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD