- KENZO -
HINDI naman talaga ako tuluyang umalis kanina. Nasa kotse lang ako at may tinawagan na tao.
"Find out all about Valdez Company!" agad na utos ko sa taong nasa kabilang linya. "Yes, everything na may kinalaman sa pamilya at sa kumpanya. I need the result the soonest possible. Bye."
Hinintay ko na lumabas si Chantal sa coffee shop. Hindi ko alam pero ayaw ko siyang iwan. Gusto ko siyang sundan kahit saan siya magpunta.
Hindi naman nagtagal ay nakita ko siyang lumabas at sumakay sa koste niya.
Kahit malalaki na ang mga eyebags niya sa pag-iyak. Napaka simple man ng suot niya at kahit wala siyang make-up hindi iyon nakabawas sa kagandahan niya. She's still Chantal Valdez, ang babaeng minsan nang bumihag sa puso ko.
Nakabuntot lang ako sa kotse niya. Nagtaka ako nang sa isang malaking ospital siya huminto.
"Sino kaya ang narito? May sakit kaya ang Mommy niya?" tanong ko sa sarili. "s**t, Kenzo! Kanina ka pa parang tanga at kinakausap ang sarili mo!" mura ko sa sarili ng narealize na para na akong tanga at pati sarili ko ay kinakausap ko na.
Nagpatuloy ako sa pagsunod lang sa kanya. Hanggang huminto siya sa isang kwarto na sa tingin ko ay ang nursery nang ospital dahil maraming baby ang naroroon.
"Please don't tell me na may anak ka na at siya ang pinuntahan mo dito!" kausap ko na naman sa sarili ko.
Parang hindi ko matanggap ang isiping may anak na siya. Paano nga kung sa mahigit isang taon na hindi kami nagkita ay nagkaanak na pala sila ni Arthur?
I offered her to stay with me nang hindi nag-iisip na baka may anak na siya at asawa na niya si Arthur.
How stupid I was!
Nagpapadalos-dalos ako ng desisyon ng hindi nag-iisip!
Parang nabahag ang buntot ko at iniwan na si Chantal. Parang hindi ko kayang malaman ang katotohanan. Parang hindi ko kayang tanggapin kung sakaling may anak na nga siya.
Umuwi ako sa condo ko. Masyado pang maaga para mag bar hopping dito nalang muna ako iinom sa condo mag-isa.
Oo gusto kong uminom. Gusto kung makalimot sandali. Akala ko nakalimutan ko na si Chantal pero bumabalik ang lahat ng sakit ng nakaraan.
Dumeretso ako sa maliit na bar sa sulok ng condo. Nilagyan ko ng yelo ang baso at whisky.
I have moved on. Well, I thought I did ngunit ng magkita kami ulit. Bumalik ang lahat ng sakit at pangungulila sa puso ko.
Inisang lagok ko ang laman ng baso. Naglagay ako ulit ng alak sa wala nang laman na baso.
Bakit hindi man lang niya ako hinayaang magpaliwanag? Hindi manlang niya ako binigyan ng second chance. Basta nalang niya ako tinaboy at ni hindi na niya hinayaan na marinig ang paliwanag ko.
Inisang lagok ko ulit ang alak sa baso ko.
Wala ba akong naging halaga sa kanya? Akala ko okay kami ngunit hindi pala. Akala ko mahal na rin niya ako ngunit bakit si Arthur ang pinili niya?
Isa pa uling deretsong lagok ang ginawa ko at sinaid ang alak na kalalagay ko lang sa baso.
Shit Chantal! Hindi mo lang sinaktan ang pride ko... dinurog mo pa ang puso ko!
Inis na inihagis ko sa dingding ang baso na ginamit ko.
Naisabunut ko ang dalawang kamay sa buhok ko sa sobrang inis na nararamdaman ko. Nang sa tingin ko ay okay na ako. Naghubad ako ng damit at pumasok sa banyo. Naligo ako pagkatapos ay kumuha ng malinis na polo shirt at pantalon at nagbihis.
The next thing I know nasa loob na ako ng isang disenteng bar at nilulunod ang sarili ko sa alak.
Ilang oras na rin akong umiinom mag-isa nang tapikin ako sa balikat ng matalik kong kaibigan na si Kevin. Kung bakit siya narito? Dahil tinawagan ko siya kanina at sinabi ko kung nasaan ako.
"What's up, dude? Nag-uumpisa palang ang gabi ko pero ikaw mukha ka nang kahapon!" nagbibiro niyang bati.
Tiningnan ko lang siya at hindi ko sinagot. Pagtatawanan niya ako kapag sinabi kung si Chantal na naman ang dahilan ng pagpapakalasing ko.
"Don't tell me babae ang dahilan... We don't problem girls, girls problem us!'' nakakaloko niyang dagdag.
Totoo naman iyon hindi namin pinoproblema ang babae. Dahil sila ang naghahabol sa amin.
Mula nga ng pumasok ako sa bar ay ilan nang babae ang patingin-tingin sa akin at sinusubukan kunin ang attention ko. Ang iba ay hindi pa nakakatiis at lumalapit. Pero hindi ko sila pinapansin. Ang gusto ko lang ngayon ay makalimutan ang nag-iisang babaeng nanakit sa damdamin ko.
"Dude, seriously... What's the problem? Hindi ako sanay na makita kang ganyan. Nagkaganyan ka lang naman noon dahil kay Chantal."
Tiningnan ko siya ng masama ng banggitin niya ang pangalan ng babaeng dahilan ng paglalasing ko ngayon.
"Wowww. It's her again? Dude, naman ang tagal na noon. Move on din pag may time…"
Parang gusto ko tuloy pagsisihan na tinawagan ko pa ang isang ito. Pero kasi nararamdaman ko nang lasing na ako at ayaw ko matulog sa bar na ito. I don't think I can even drive home na buo pa kami ng montero ko na makakarating sa condo ko.
Yes, he's here para maging driver ko pauwi. Iyon ang dapat na silbi niya. Ngunit nakalimutan kong matabil nga pala ang dila ng isang ito.
"Kaya ayaw kong ginagamit ang puso ko eh. Mabuting nang hanggang puson lang sila. Kapag kasi hinayaan mong lumampas sa puson at makaakyat sa puso, nagiging sakit lang imbes na ligaya ang hatid."
Totoo naman! Ang kaso si Chantal hindi pa man dumadaan sa puson nakarating agad sa puso ko. Ang masaklap naman ay nandoon at mukhang wala na talagang balak umalis.
"I'll make her mine, bro! And that's a promise!" seryusong sabi ko. Nakikita ko ang hindi makapaniwala na mukha ni Kevin.
"I don't know how you're going to do that but goodluck, dude!" nasa boses ang pagdududa pero hindi naman niya ako kinuntra.
---
- CHANTAL -
KANINA pa ako nakahiga pero kahit pagod ang katawan ko, hindi parin ako makatulog. Iniisip ko ang naging encounter namin ni Kenzo sa bangko kaninang umaga.
How could he offer to buy me? Ano ako, aso na pwedeng bilhin kapag nagustuhan at gustong alagaan?
"Bakit sino ang nagsabi na gusto ka niyang alagaan? Dream on Chantal! Siya si Kenzo Fontavilla Salameda. Hindi siya marunong magmahal... mag-alaga pa kaya?" kontra ng kabilang isip ko.
"He once loved and cared for me! At Least iyon ang alam at naramdaman ko," sagot naman ng kabilang bahagi ng isip ko.
"Well, you were wrong! Pinaglaruan ka lang niya. He showed you love and care, its because he wants to bed you! Yes, he just wants to bed you! Then game over for him kung bumigay ka. Isa ka lang laruan para sa kanya! Remember?" kontra na naman ng kabilang bahagi ng isip ko.
Right! Hindi ko pwedeng kalimutan iyon. Isa lang nga akong laruan para sa kanya. Pinaglaruan niya ang puso't damdamin ko.
Isa lang palang malaking laro ang lahat para sa kanya. At ako? Muntik na mabiktima sa laro nila ng kaibigan niyang si Kevin.
Muntik na ako doon! Mabuti nalang puso ko lang ang nawasak niya hindi ang p********e ko.
Minahal ko siya. Siya ang kauna-unahang lalaking minahal ko pero anong ginawa niya? Sinaktan niya lang ako.
Ang pinaka masakit pa sa lahat nawalan ako ng isang itinuturing kong matalik na kaibigan. Si Pamela, matalik namin siyang kaibigan ni Kristen.
--Chantal's Flash back--
NASA birthday party ako ni Pamela. Kasama kong pumunta si Kristen at ang pinsan niyang si Arthur.
Pareho kaming walang boyfriend ni Kristen kaya ang pogi niyang pinsan ang nahatak namin na maging escort sa party.
Marami nang tao pagdating namin.
Agad kaming lumapit kay Pamela na napakaganda sa suot niyang evening dress. Binati namin siya at ibinigay ang regalo namin ni Kristen sa kanya.
Sa sobrang excited na mabati siya wala akong pakialam kung may mga kaibigan man na nakapalibot sa kanya.
Who cares? Kami yata ni Kristen ang bestfriends niya.
Tuwang-tuwa naman niya kaming hinarap at ipinakilala sa mga kausap niya.
I was partly shock ng isa sa ipinakilala niya sa amin is no other than the famous Kenzo Fontavilla Salameda.
Yes, he’s a famous car racer here in the Philippines and abroad. Kung gwapo siya sa mga stolen shots sa mga sports magazine mas pogi siya sa personal, I must admit.
Pero kahit pogi siya, hindi ko siya type. Masyado siyang famous. Ayaw ko ng celebrity type. Ayaw ko ng buhay na may mga camerang nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta. Kaya nga tinanggihan ko iyong ilang beses nang may mag offer sa akin mag artista eh.
Anyway, pagkatapos siyang maipakilala sa amin ni Pamela ay hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin. Enough na sa akin ang makita siya ng personal at makadaopang palad. Hindi ako isa sa mga babaeng nandito na halos malaglag na ang panga sa pagpapacute sa kanya.
I'm Chantal Valdez, maganda, sexy, matalino at mayaman. Hindi ko kailangan magpacute para mapansin ng lalaki.
Ini-enjoy ko ang party ni Pamela ng hindi na manlang sinulyapan pa si Kenzo. Smile here and there ang ginagawa ko habang kausap ang mga kaibigan at kakilala.
Nakikita ko ang pagsunod-sunod ng tingin sa akin ni Kenzo pero hindi ko siya sinulyapan manlang ulit.
Nang mapagod ako. Naupo ako sa isang medyo tagong bahagi ng malaking lawn nila Pamela.
Gusto kung sumagap ng sariwang hangin. Nakakapagod makipag sosyalan at makipagplastikan, he he. Ganoon naman talaga sa party maraming mayayaman. Mas marami ang plastik kaysa totoong kaibigan pero sanay na ako doon. Pero nakakangalay sa panga. Gusto ko na sanang umuwi kaso mukhang nag-eenjoy pa si Kristen at pinsan niya sa party.
"Hi... want some drinks?"
Boses iyon mula sa lalaking nakasunod ang tingin sa akin kahit saan yata ako magpunta. Inaalok niya sa akin ang isang baso na may red wine.
I'm maybe anything pero hindi ako bastos. Kinuha ko ang baso at nagpasalamat.
Hiniling ko na sana iwan na niya ako pero hindi. He even sat next to me. Sipping on his own glass of whisky.
Ang hard ng iniinom niya. Pero bakit parang ako ang nalalasing?
Para kasing nawawala ang katinuan ko ng maamoy ko ang pabango niya na humalo na sa lalaki niyang amoy.
Grrrrr inaakit niya ba ako? But no he's not even doing anything. He is just silent sitting next to me.
Baka tulad ko napagod rin siya. Well, sinong hindi mapapagod sa dami ng babaeng papalit- palit sa paglapit sa kanya. MOst of them are obviously throwing themselves at him.
Parang mga butiki kung makakapit sa braso niya. Kitang-kita ko kung gaano karami ang mga babaeng papalit palit sa tabi niya.
Wala pa ang attention ko niyan sa kanya ha…
Nararamdaman ko ang panunuot ng pabango niya sa kalamnan ko. Parang gusto kong umusog sa tabi niya at ibaon ang mukha ko sa leeg niya at singhutin ang lahat ng amoy niya.
Grrrr lasing na ba ako? Kung anu-anong walang kwenta ang pumapasok sa isip ko. Pero ilang baso lang ng red wine ang nainom ko kanina. Baka naman may nilagay na gayuma ang lalaking ito sa basong binigay niya sa akin!
Nope. I don't think so. Hindi niya kailangan gumamit ng kahit na anong klaseng gayuma.
Tingin palang niya nakakapanginig na ng tuhod. Parang makalaglag na ng panty and have him deep inside---
Wow Chantal. Nababaliw kana ba? Ang laswa na ng isip mo!
He's silent, pero ang lakas ng awra niya at nakakawala ng katinuan. I have enough... I can't take it anymore!
I stood up. Iiwan ko nalang siya bago ko pa matagpuan ang sarili kong nagpapaka cheap and throwing myself to him.
"Are you avoiding me?"
Bigla ang paglingon ko sa kanya. I look around… "A-Are you talking to me?” I asked, pointing to myself.
“Yes.”
“Oh, why would I avoid you? I don't even know you…"
Nakita ko ang kabiglaan sa mukha niya. Hindi niya siguro iniisip na may isang katulad ko na hindi siya kilala.
"We were introduced earlier... but since then I have a feeling na umiiwas ka sa akin."
Yes, it's true. Every time he’s coming near me, umaalis ako. Kunwaring may kaibigan na lalapitan somewhere far from him.
"Why do you think so, Mr. Salameda? Do I have any reason to do that?"
“You remembered my name…”
“Matalas kasi ang memorya ko,” palusot ko.
Tumango-tango siya. “So why are you avoiding me? Have I done or said something that offended you?”
I have a reason and that is--- ayaw ko masali sa collection of girls niya. Collection na parang sports car lang. But of course I keeped it to myself.
“As I said, I’m not avoiding you. Why did you think so?” balik tanong ko.
"I don't know. I just have this strange feelings na parang takot ka sa akin."
Oo takot nga ako sa'yo! Pakiramdam ko isa akong sisiw sa harap ng isang napakalaking agila. Agila na tatangay at sasakmal sa akin anumang oras.
"Well you're wrong, Mr. Salameda. I'm not afraid of you. I'm just not comfortable with people that I just met," sagot ko.
"Then let's see each other more often in the future para maging komportable ka sa akin."
Ano daw? Lasing na yata ang isang ito.
"I'm sorry, but I have no intention of getting to know you Mr. Salameda."
Malumanay ang pagkakasabi ko pero naroroon ang diin. Gusto kung iparating sa kanya na wala talaga akong intention na mas makilala siya. Tama na sa akin ang nalalaman ko tungkol sa kanya. That he's a player at wala pa siyang kahit isang babae na seneryuso.
Hindi ko na siya hinayaan na magsalita pa at tinalikuran ko na siya. Agad akong kumapit sa braso ni Arthur na nakita kong palapit sa kinaroroonan namin.