(MATARA'S POV) "Miss, ano'ng ginawa mo sa aking boss? Pinatay mo ba siya?" tanong sa akin ng lalaking tauhan ni Edwin. At nasa boses din ang pangamba. "Ha? Hindi naman ako isang kriminal na tao. Huwag kang mag-alala dahil wala naman akong ginagawa sa iyong boss, ah. Kahit tingnan mo at bubay pa siya," anas ko sa lalaki. Pagkatapos ay agad na tumalikod, nagmamadali rin akong humakbang palayo rito. "Miss, teka lang! Saan ka pupunta?" tanong sa akin ng tauhan ni Edwin. "Uuwi na," sagot ko at mas nilakihan ko talaga ang paghakbang ko. Subalit imbes na sa gate ako pumunta ay sa likod bahay ako tumuloy. Wala naman masyadong ilaw rito kaya hindi nila ako makikita. Ngunit maliksi akong nagtago sa malagong halaman. Nang madama kong may papalapit. "Hanapin ninyo! Nandiyan lang ang babaeng iyon

