Seryosong tumingin ako sa lalaking kaharap ko. Mukhang nakakahalata na yata ito. Kailangan ko na yatang mag-iba ng katauhan. Hindi puwedeng malaman ni Spark kung sino nga ba ako. Dahil masisira ang aking misyon. "Mr. Spark, hindi pa ako nababaliw para umamin na ako si Tamra Gally. Nahihibang ka na ba? Oh, baka naman nagugutom ka lang? Kumain ka muna!" bulalas ko at wala man lang kangiti-ngiti sa aking labi nang sabihin ko iyon. "Kung hindi ka si Tamara Gally, puwede ba kitang yayain sa aking bahay?" tanong niya sa akin. At nasa mukha rin ang paka-usap. "No! Walang dahilan para sumama ako sa 'yo. Mr. Spark. Kung namimis mo ang Tamara Gally na iyon ay hanapin mo! Hindi 'yung ako ang inaabala mo!" singhal ko kay Stanley. Pagkatapos ay nagmamadaling tumalikod at balak na sanang umalis sa ha

