(TAMARA'S POV) Matuling nagdaan ang araw. At halos dalawang linggo na akong hindi nagpapakita kay Stanley. Palagi kasi akong nakasunod kay Mr. Edwin Holling. Upang malaman ko kung na saan pa nakalagaya ang ibang gold bar. Gusto naming makuha ang lahat ng gold bar. Para makakatiyak kaming magiging ayos na ang lagay ng mga tao dito sa Isa Katalina. Ngayon nga ay naglalakad ako dahil inaabangan ko ang pagdating ng lalaki. At sure akong galit na galit ito sa akin oras na makilala ang mukha kong maitim. Sorry na lang siya dahil mas mautak ako sa kanya. Ang fifty thousand pesos na aking nakuha ay ibibigay ko sa mga tao. Hindi ko pa lang nakikita si Stanley. Mas maganda siguro kong manghingi pa ako ng pera kay Mr. Edwin Holling. Para naman makatulong siya sa maraming tao. Saka, siya naman a

