(STANLEY'S POV) Tinitigan ko naman ang perang nasa harapan ko. At alam kong hindi ito peke. Parang hindi pa rin ako makapaniwal. Ngunit--- maliksi ko namang isinara ang attache case, sabay tago nito. Dahil nakita kong papalapit ang aking tauhan. Hanggang sa tuluyang lumapit ito sa harap ng bintana ng kotse ko. "Boss, Stanley. Nagawa ko na po ang iyong pinag-uutos sa akin. Puwede na po nating puntahan," pagbibigay alam sa akin ng tauhan ko. "Bukas na lang nating puntahan. May gagawin pa ako ngayong araw," anas ko, sabay harap sa lalaking kausap ko. Ngunit kumunot ang aking noo nang makita mong tila nagpipigil ng tawa ito. Parang may nakita sa aking mukha na hindi kaaya-aya. Nag salubong tuloy ang kilay ko. "What?!" asar na tanong ko sa aking tauhan. Nakita kong parang natakot naman i

